-Nathan's POV-
Malaki ang posibilidad na akin si Joshua.
Akin nga ba siya?
Ayokong mag-assume. Pero natatakot talaga akong malaman.
Paano kung mali pala yung hinala ko?
Paano kung si Andrew talaga ang daddy ni Joshua?
Sinabi nga pala ni Joshua na si Tito Dennis ang nagsabi na dapat 'Kim' ang last name niya.
Paano kung hindi tanggap ni Tito Dennis si Andrew kaya ganoon ang nangyari?
Paano kung ngayon lang tinanggap ni Tito si Andrew kaya ngayon lang sila magpapakasal?
Possible rin yung ganoon kasi noong umalis ako five years ago, desperada si Cassey noon na mapansin ni Andrew.
May date pa nga sila noong araw na lumipad ako papuntang US eh. Pero...
Yung araw din yata na yon ang isa sa pinaka-masayang araw ko eh.
Naalala ko nanaman yon.
Alam ko ang weird tingnan at pakinggan sa isang lalaki kapag sinabi nilang 'Kinikilig ako'. Diba? Kaya ngayon ko lang sasabihin ito.
Kinikilig ako kapag naaalala ko yung kiss namin ni Cassey, five years ago.
Hindi ko mapigilang mapangiti.
Minsan, napapansin ko nalang na nakatingin sakin yung mga tao sa paligid ko. Nakakahiya.
Oo nga pala. Nandito na kami sa ospital kung saan naka-confine si Cassey. Pero hindi pa pwede makita si Cass eh. Kaya umupo muna kami dito sa hallway. Sa may mga upuan syempre.
Habang nagpapahinga kami ni Joshua, biglang may bumati sakin.
"Oh Nathan? You're here." Sabi sakin ni Uncle Matthew –Dad ni Mimi.
Tumayo ako at iniabot ang kamay ko sa kanya para makipag-shake hands, "Ah. Yes Uncle."
"What are you doing here?" tanong niya.
Sasagot na sana ako nang mapatingin siya sa bandang likod ko –kay Joshua.
"Oh. You didn't tell me you have a son? " nagulat ako sa sinabi ni Uncle Matthew.
What?! Bakit ang daming nagpagkakamalang anak ko si Joshua?
My God! Lalo tuloy akong naguguluhan.
"Ah hindi ho, Uncle. He's not my..." pagtanggi ko pero hindi ko maituloy yung sentence ko.
Bakit ganoon? Hindi ko masabing hindi ko... ugh! Badtrip!
Pero mabuti nalang hindi napansin iyon ni Uncle Matthew.
"Oh sorry. Akala ko anak mo. Kamukha mo kasi eh." Sabi ni Uncle habang tumatawa.
"Ganyang ganyan kasi ang itsura mo noong bata ka pa." Sabi pa niya, "Are you sure he's not your son? Or brother, maybe?" tumango nalang ako sa tanong ni Uncle Matthew.
Ugh! Uncle, wag mong guluhin ang utak ko. Please!
"I'm just kidding. Anyway, I have to go. See you around." Sabi niya habang tinapik yung balikat ko saka naglakad palayo samin.
YOU ARE READING
Secretly In Love
Roman d'amour"Sige na Nathan. Pumayag ka na. Please. Isang gabi lang naman eh." pagmamakaawa ko kay Nathan. Si Nathan lang talaga ang tangi kong paraan. Kung ayaw niyang pumayag ng isang usapan lang, Pwes! idadaan ko siya sa sapilitan.
