-Cassey's POV-
'Pede play kami ni Uncey Nathan po? Kay Uncey Nathan nalang tatabi ako po. Pede po?'
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay Joshua.
Hindi ko in-expect na magugustuhan agad siya ni Joshua. Ganoon ba talaga kapag alam ng dugo mo na malapit ka lang sa taong kadugo mo? Ito ba yung tinatawag na lukso ng dugo?
Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Takot ba tuwa?
Ano ang sasabihin ko kay Joshua?
Hindi naman sa pinagdadamot ko si Joshua sa kanya. Pero kasi eh. Kinakabahan ako. Hindi pa ako ready.
"Hmm... hindi ko alam, baby eh." Yun nalang ang sinagot ko.
Hhindi ko rin naman kase talaga alam eh. Baka ayaw ni Nathan ng magulo.
Pero napansin ko namang magkasundo agad sila noong unang pagkikita nila.
"Eeeeh~ sige na, Mommy~" sabi niya.
"O sige, itatanong natin kay Uncle Nathan. Okay?" sabi ko at akala ko hindi na siya magsasalita. Hindi pala. Natural na talaga sa kanya ang pagiging madaldal. Hayy~
"Mommy?" sabi niya ulit habang nilalaro yung buhok ko.
"Hmm?"
"Pede maging daddy ko din si Uncey Nathan?"
A-ano daw?!
"H-ha?" alangan kong sabi.
Anong gagawin ko?
Anong sasabihin ko?
Ano ba dapat ang maging reaction ko?
Ano ang isasagot?
Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng tuwa sa puso ko.
Pero bakit hindi sumasang-ayon ang utak ko?
Nararamdaman ko na yung pag-init ng mukha at mata ko.
"Usto (gusto) ko din maging daddy si Uncey Nathan."
Napatakip ako ng bibig ko at hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko.
"Uhm.." sabi ko pero garalgal kaya tumigil ako sa pagsasalita pero narinig parin ni Joshua kaya tumingin siya sakin.
"Mommy? Bakit ikaw iiyak (Umiiyak) po?" tanong niya.
"Hi-hindi, anak. Napuwing lang si Mommy." Sagot ko sabay punas sa luha ko.
"Ano puying?" inosente niyang tanong.
"Ayun yung pag may alikabok na pumasok sa mata mo, mapapaluha ka kasi masakit." Paliwanag ko nalang kahit hirap akong magsalita dahil sa pagpigil ko sa iyak ko.
Nagulat ako nang bigla nalang hinalikan ni Joshua yung mata ko.
"Ayan! Paya wawala (para mawala) na sakit." Sabi pa niya kaya hindi ko napigilan ang sarili kong mapaluha lalo.
"Mommy... sakit payin (parin) po?" naaawa niyang sabi sabay nguso.
"Hindi na anak.magaling na mata ni mommy. Thank you~" malambing kong sagot sa kanya saka siya niyakap.
-Andrew's POV-
"Daddy? Kaiyan (Kailan) uuwi si Mommy?" tanong ni Joshua sakin habang inaayos ko yung kumot niya.
YOU ARE READING
Secretly In Love
Roman d'amour"Sige na Nathan. Pumayag ka na. Please. Isang gabi lang naman eh." pagmamakaawa ko kay Nathan. Si Nathan lang talaga ang tangi kong paraan. Kung ayaw niyang pumayag ng isang usapan lang, Pwes! idadaan ko siya sa sapilitan.