-Cassey's POV-
Tatlong araw na rin ang nakakalipas mula noong inoperahan ako. Medyo okay na ako pero hindi ko pa kayang tumayo.
Sabi ni Dr. Jung hindi pa ako pwede ma-stress kaya hindi pa ako pwede tumanggap ng bisita. Unless si Joshua ang bibisita sakin.
Syempre mai-stress ako lalo kung hindi ko makikita ang anak ko.
Sa ngayon, para sa akin, si Joshua nalang ang pinaka-mahalagang tao sakin. Siya ang kayamanan ko. Siya ang buhay ko.
Kahapon, bumisita siya sa akin.
Nagulat ako noong malaman kong si Nathan ang kasama ni Joshua. Hindi ko alam kung bakit siya ang kasama ng anak ko at hindi si Andrew.
Hindi naman sa ayaw kong magkasama si Nathan at Joshua. Mag-ama parin sila kahit anong gawin ko.
Pero ang pinagtataka ko talaga ay kung bakit hinayaan lang ni Andrew na makasama ni Nathan si Joshua?
Siguradong masakit sa kanya iyon kaya bakit niya iiwan si Joshua kay Nathan?
Isa pa, nasaan siya? Bakit hindi parin siya nagpapakita dito?
I mean, hindi siya bumibisita sakin kahit sa labas lang.
Sinabi ni Joshua sakin kahapon, babalik daw siya ngayon at kasama niya si "Daddy Nathan" niya.
Oo. Tinawag na niyang 'Daddy' si Nathan.
Nagulat nga ako eh.
Mukhang gustong gusto ni Joshua ang ama niya. Nararamdaman siguro ng puso niya na malapit siya sa ama niya.
Hindi ko alam kung bakit. Pero nakakaramdam talaga ako ng tuwa pag alam kong magkasama si Joshua at Nathan.
Pero hindi ko parin maiwasang maawa kay Andrew.
Sabi ni Dr. Jung, wag daw muna ako mag-isip ng kung ano ano. Yung mga bagay na masyadong masaya at malungkot at kung anu ano pa.
Pero hindi ko naman maiiwasan iyon eh.
Makalipas pa ang tatlong araw ay nakalabas na ako ng ospital at hanggang ngayon, si Nathan parin ang bukang-bibig ni Joshua.
Nag-uumpisa na nga ako ulit mag-isip kung paano ko sasabihin kay Nathan ang lahat eh.
Hanggang nandito pa siya, kailangan masabi ko na.
Pero paano nga si Andrew?
Ang dami na ng sinakripisyo ni Andrew para samin ni Joshua. Ayaw ko siyang saktan.
Habang kumakain kami ni Joshua ng dinner ay bigla nalang nag-ring ang phone ko.
Chineck ko kung sino at nabasa ko yung pangalan ni Nathan.
Ano kayang kailangan niya?
"Hello?"
[Can we talk?"] seryosong sabi niya.
YOU ARE READING
Secretly In Love
Romans"Sige na Nathan. Pumayag ka na. Please. Isang gabi lang naman eh." pagmamakaawa ko kay Nathan. Si Nathan lang talaga ang tangi kong paraan. Kung ayaw niyang pumayag ng isang usapan lang, Pwes! idadaan ko siya sa sapilitan.
