Pagbalik namin doon sa mga girls na kasama namin, umupo si Nathan sa tabi ni Krystal at ako naman ay sa harapan nilang dalawa sa tabi ni Ate Luna. Habang kumakain si Krystal ng pulutan, bigla siyang inakbayan ni Nathan. Tumingin ako ng masama sa kanya. Aba! pati girl friend ko gagamitan ng "Charm" netong lalaking 'to? Hindi maaari! humanda ka Nathan pag hindi mo tinanggal yang kamay mo. Sinisiguro kong di ka na makakalakad papuntang airport. Nyahaha! Syempre hindi ako gagawa nun noh. hihi.
Naka-smirk sakin si Nathan at tiningnan ko naman siya ng masama. Napansin kong nakatingin si Krystal sa kamay ni Nathan na nakaakbay sa kanya. At biglang nagbago ichura ni Krystal. Whoa! yari ka Nathan. HAHAHA!
"Pwede ba? Alisin mo yang kamay mo sa balikat ko kung mahal mo pa yang kamay mo!" banta ni Krystal at napatingin naman si Nathan sa kanya. Dahan dahan niya naman inalis ang kamay sa balikat ni Krystal. Ayan ka ngayon. Kala mo ah! HAHAHA. Narinig kong nagtawanan yung ibang girls at napatingin naman si Nathan sakin kaya agad ko siyang binelatan para asarin siya.
Maya maya lumabas ako para mag C.R. Oo, totoong magpupunta ako ng C.R. di katulad ni Nathan na kunyari lang magpupunta ng C.R pero iba talaga pupuntahan. HAHA!
Habang naglalakad ako papuntang C.R, may nakabangga ako at.... OMG!!!!!!! Ang damit ko, natapunan ng alak!!!!!!
"OH NO! I'm so sorry, Miss! Hindi ko sina- Cassey?" Napatingin agad ako sa lalaking nagsalita at nakatapon ng inumin sakin. At laking gulat ko at halos napaatras ako at akala ko matutumba ako. Biglang nanghina ang mga tuhod ko. OH MY GOD!
"A-Andrew?" utal kong sabi. Okay. Nawala ako bigla sa sarili ko. Hindi ko na alam gagawin ko. Nakita ko siyang tumingin sa damit kong TINAPUNAN niya ng inumin niya at tumingin ulit sa mata ko. Parehong gulat ang expression namin. Siya? gulat kase natapunan niya ako. Ako? gulat kase nasa harapan ko siya. ang taong gustong gusto ko.
"I'm really sorry." sabi niya.
"Okay lang. konti lang naman eh." sagott ko.
"Ano nga palang... ginagawa mo dito?" tanong niya na parang nagaalangan pa.
"Uhm. ano... hmmm..." alangan kong sabi. Gosh! anong sasabihin ko? sasabihin kong nandito ako para lasingin yung bestfriend ko? HAY! Kakainis! naba-blangko utak ko ngayon!. Nakatingin lang sakin si Andrew at naghihintay ng sagot ko. "Uhm.... de-despedida kasi ng bestfriend ko..?" alangan ko ulit na sagot. Okay na yan kesa yung sa totoo noh. hay~
"Ahhh~ Okay." sagot nya. "Uhm.. Cassey?" dugtong pa niya. Bakit kaya?
"Yes?" tanong ko na.. hmm.. may halong kilig. Gosh! di ko mapigilang kiligin pag binabanggit niya name ko. KYA!
"Uhmm. can I... get your number?" tanong niya sakin na halatang nahihiya siya. OMG! totoo ba 'to?! GYAAAA!!!!! KINIKILIG AKOOO~!!!!!!
"S-sure." utal at nahihiya kong sagot at agad kong sinabi ang number ko. Aarte pa ba ako? Jusko! wag nang magpakipot pa. Baka magbago pa isip niya. KYA!
After kong ibigay ang number ko, sinabi niya sakin na tatawagan niya nalang daw ako. Bago siya umalis, nagtataka ako kung bakit siya nakatitig lang sakin at nakangiti. Nagulat nalang ako nang bigla niyang inilapit ang kamay niya sa mukha ko at iniayos ang buhok ko sa likod ng tenga ko. Syempre napaatras ako ng konti. Konti lang kasi baka di niya ako maabot. HAHA! OMG! feeling ko hihimatayin ako sa sobrang kilig. Gusto kong magtatalon sa tuwa. Nalimutan ko na tuloy na mag c-C.R pala ako.
OP! Wag niyo parin ako itulad sa bestfriend ko ah. Atleast yung akin, biglaan. Eh yung kanya, sadya. HAHAHA! Atsaka, hindi naman ako nakipag halikan noh.
Gosh! ang saya saya ko talaga. Napapaisip tuloy ako kung itutuloy ko pa yung plano ko. Pinapansin naman kasi ako ni Andrew. Yun nga lang, hanggang dun lang siguro yon. Hanggang friends lang. Kasi nga. you know. kaya sigurado hindi niya ako liligawan. Nakakainis. Kaya kailangan ituloy ko na talaga 'to para magtuloy tuloy ang friendship namin ni Andrew. Hanggang sa maging "Lovers". At hanggang sa maging....... "Husband & Wife". GYAAA!!!!! Tapos, magiging, "Daddy & Mommy" at sa huli magiging, "Granpa & Granma" hayy~ ang sarap mangarap. Kaso merong istorbo. PESTENG LALAKING 'TO! Panira talaga.
"HOY CASSEY! Anong ginagawa mo dyan? Para kang tuod diyan. Nagde-daydream ka ba? Gabi na kaya. Matulog ka na nga lang!" sigaw ni Nathan na halata namang nangaasar. Inirapan ko siya at saka ako naglakad papuntang C.R. Habang naglalakad ako, sumusunod naman yung pesteng lalaki. "Akala namin, na-flush ka na sa toilet eh. HAHA!" pangaasar pa niya. Hindi ko siya pinapansin. Bahala siya dyan. Basta ako masaya ngayon.
Sa kalagitnaan ng kasayahan namin, hindi ko namalayang madami na pala ang naiinom ko. Tumayo ako para sana mag-unat. Kanina pa kasi ako nakaupo. Pero pagtayo ko bigla akong nahilo at napaupo ulit. Narinig kong nagulat yung mga kasama ko at naramdaman kong hinawakan ako ni Ate Luna para alalayan.
OMG! nahihilo na ako. ito yung pakiramdam ko nung una akong nag-inom nung nakaraan. OMG! pano na yung plano ko? tumingin ako kay Nathan para tingnan kung lasing na rin siya. Kahit medyo dumodoble paningin ko, kita ko naman ang ichura niya. YES! tulog na siya. Kailangan kong ituloy yung plano ko para magkatotoo na yung imagination ko kanina.
Inalalayan ako ulit ni Ate Luna para iupo sa tabi ni Nathan. Mas komportable kasi yung upuan ni Nathan eh. may armrest. Di tulad ng upuan ko kanina, sandalan lang. Pag-upo ko, ipinatong ko yung braso ko sa armrest at saka ginawang unan ang kamay ko.
"Pano yan? Anong gagawin natin sa dalawang 'to?" narinig kong nagsalita si Suzy.
"Tatawagan ko si Sir Dennis tapos ipasundo natin si Cassey sa Bar nila." sagot naman ni Ate Luna.
"Eh pano si Nathan?" narinig ko namang tanong ni Jessica.
"Iwan nalang naten dito. HAHAHA!" biro naman ni Krystal.
"Ang sama mo!" sigaw naman ni Jessica at Suzy. at narinig ko silang nagtawanan lahat.
"Sa Bar nalang nila Cassey naten iwan si Nathan. Atleast doon, safe siya." sabi ni Ate Luna.
"Iuuwi ko nalang siya sa bahay namin. HAHAHA!" suggest naman ni Jessica. Haha! Loko talaga 'to si Jessica.
"Ah~ kaya pala masyado kang worried kay Nathan kase meron kang binabalak ah!" sabi naman ni Krystal.
"HOY! Joke lang yon! Napaka mo Tal. Masyado kang gullible." depensa naman ni Jessica.
"HAHAHA! bakit? ikaw lang ba pwede mag-joke?" sagot naman ni Krystal. Hayy~ napapangiti nalang ako sa usapan netong mga 'to. Wala na kasi akong lakas para makisabat sa kanila.
Nako, pano ba 'to? Magpapahinga lang sana ako habang nakikinig sa usapan nila kaso... Napapikit ako at ayun... Nakatulog na pala ako ng tuluyan.
YOU ARE READING
Secretly In Love
Romance"Sige na Nathan. Pumayag ka na. Please. Isang gabi lang naman eh." pagmamakaawa ko kay Nathan. Si Nathan lang talaga ang tangi kong paraan. Kung ayaw niyang pumayag ng isang usapan lang, Pwes! idadaan ko siya sa sapilitan.