Chapter 3

68 1 0
                                        

Mahigit isang linggo rin kaming hindi nagkita at nagusap ni Nathan. Pero kailangan ko na talaga siya mapapayag bago siya umalis papuntang states. 

Oo. Pupunta siyang States.... for good. Natatakot kasi yung lolo niya na baka hindi umabot yung buhay niya bago matapos sa pagaaral si Nathan kaya doon na siya pinagaaral. And at the same time, hahawakan na niya yung company nila doon. Hawak na kasi ng Dad niya yung main branch dito sa bansa. Kaya ayun. Ang sosyal diba? haha! 

Kinuha ko ang phone ko at dinial ang number ni Nathan. 

*ring ring* 

*ring ring* 

[Bakit?] tanong niya agad sakin na halatang galit parin siya. 

"Uhm.. Nathan? Pwede ba tayong magkita? Gusto kong magpaalam sayo ng personal. Pwede ba?" tanong ko sa kanya. Hindi siya agad sumagot. Sigurado naghahanap siya ng words na isasagot niya sakin. 

[Busy pa ako eh.] sagot niya na seryoso ang tono... AT kahit di halata sa boses niya, alam kong galit parin siya.

"Sorry na. Hindi na kita pipilitin... about... doon.. Promise!" Agad kong sabi sa kanya. Pagsabi ko ng word na 'Promise' ay napapikit ako dahil alam kong hindi ko iyon matutupad. 

"Sige na Nathan. Sorry na. Paano ba ako makakabawi? Gusto mo inuman tayo? Promise! konti lang iinumin ko." pagkukumbinsi ko. Oo. Konti lang iinumin ko. Hindi ako pwede malasing noh! kapag nalasing ako, edi palpak ang plano. Ilang segundo pang katahimikan bago siya pumayag. Pero sa tono niya ay parang napilitan lang siya. Agad niyang binaba ang call after ko sabihin kung kelan. 

Ito nalang talaga ang huling paraan ko. I'm really sorry, Nathan. Sana mapatawad mo pa ako pag tapos nito. 

Ininvite ko na rin si Ate Luna at yung tatlo kong girl friends para hindi halatang may binabalak ako. Pero matalino si Nathan. Alam kong alam niya kung ano ang binabalak ko. hayy~ ewan ko lang. Sana nagkakamali lang ako. 

Pagdating namin sa Bar (Hindi sa Bar namin ah. sa ibang Bar) doon kami sa may isang kwarto para kami kami lang at walang iistorbo sa sayahan namin. Umorder agad kami at saka nagumpisang maginuman. 

"Oi Cass, baka malasing ka kaagad ah!" Biro ni Suzy at saka nagtawanan yung tatlong babae. Pinilit ko nalang din tumawa para makisakay sa kanila.

"Oi hindi malalasing yan si Cassey ng Beer lang ang iniinom noh." mayabang na sabi ni Ate Luna.

"Bakit?" tanong nila Jessica.

"Brandy kaya tinutungga niyan ni Cassey. Diba, Than? HAHAHA!" pagmamayabang ulit ni Ate Luna. Nagulat yung tatlo sabay nagtawanan habang ako... ayun, napapangiti nalang ako. Hindi kasi ako makatawa eh. hayy~ At si Nathan naman, nakikitawa rin sa apat pero halata sa tawa at mata niya na pinipilit niya lang rin tumawa. 

Habang masayang nagkukwentuhan ang apat na girls, napatingin ako kay Nathan at nakita kong may katext siya. Biglang nagpaalam siyang magC-C.R lang. Mga ilang saglit pagtapos niya lumabas ay tumayo rin ako at sinundan ko si Nathan sa para kausapin. Kunyari mag go-goodbye na ko sa kanya. hay! sigurado awkward 'to. 

Paglabas na paglabas ko, laking gulat ko at halos nagmukha na akong tanga kasi di ko alam kung papasok ako ulit o magpupunta sa kaliwa o kanan. My God! Grabe naman 'to si Nathan! Magc-C.R daw, makikipaghalikan lang pala sa babae. JUSKO! 

"I- I'm- I'm so-sorry!" utal kong sabi na nakatingin sa baba. Okay... This is... AWKWARD! Alam ko nakatingin sila sakin. nakita ko kasi silang tumingin nung paglabas ko. Sorry naman sa istorbo. Tumalikod ako para pumasok ulit pero narinig ko si Nathan.

Secretly In LoveWhere stories live. Discover now