Chapter 15

31 0 0
                                        

-Nathan's POV-

*sigh* Hindi naman katakam-takam ang pagkain dito sa restaurant na 'to. Nakaka walang ganang kumain. Hindi ko alam kung bakit wala akong ganang kumain kahit nagugutom ako. Siguro dahil lang 'to sa pagod sa biyahe.

Sila Lolo at Mimi mukhang close sila. Hindi ako maka-relate sa mga sinasabi nila. Tsk. Kaasar!

Ang laki rin ng tinanda ni Lolo. I mean, parang lalong tumanda yung ichura niya compare dun sa huli naming pagkikita 5 years ago.

Ang bilis talaga tumanda ng mga tao sa panahon ngayon. Sana pag nagkita kami ulet ni Cassey, hindi pa ako sobrang tanda. Gusto ko gwapo parin ako sa paningin nya. Hahaha!

Alam ko na. Paghahandaan ko mabuti ang pagkikita namin. Hindi ko pa man alam kung kelan, mas maganda na yung reading-ready, diba? Sana pag nagkita kami, wala pa siyang asawa't anak. Okay lang kung may boyfriend na siya.

'What do you think?'

Hindi pa naman sila kasal so may possibilities pa na maghiwalay sila.

'Apo?'

Mas maganda kung AKO yung dahilan ng paghihiwalay nila. NYAHAHAHA!

 'Tantan.'

Syempre, joke lang yun. Sinabi ko na diba?

'Sir Nathan?'

Tanggap ko na, na hanggang Bestfriend lang ako sa kanya.

 'Nathan, Apo?'

*sigh*

"NATHAN!"

"WHAT?!" asar kong tanong.

Naginit yung ulo ko sa biglaang pagsigaw ni Mimi kaya naasar ako. Ano bang problema nito at kailangan pa niyang isigaw ang pangalan ko?

Napansin ko yung shock expression ni Mimi sa ginawa ko. Actually pati ako nagulat sa ginawa ko eh.

Napatingin din ako kila Lolo at Mr. Gordy at nakita kong nagulat din sila. Pansin ko rin na nakatingin sa direksyon naming yung mga tao dito sa loob ng restaurant hanggang sa marealize ko na ako pala yung may problema.

"U-uhm..." utal na sabi ni Mimi.

"Iho, are you okay?" tanong ni Lolo at agad akong napatingin sa kanya at napalunok.

"I- Uhm.. uh-" utal ko din sabi. Feeling ko nasama sa paglunok ko yung mga sasabihin ko. Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makahanap ng tamang word para isagot sa tanong ni Lolo.

HAY! Bwiset! Ano bang nangyayari sakin?!

"Uhm.. I'm sorry, A-ano nga po ulit yung sinasabi nyo?" alangan kong tanong kay Lolo.

Nakita kong napayuko si Mimi.

-Mina's POV-

"Bakit naman? Ayaw mo ba sa kanila?" tanong ni Chairman sakin.

"Hindi naman po sa ganun, Lolo. Ano lang po kase..." nahihiya kong sabi.

"Ano ba ang gusto mo sa isang lalaki, Iha?" tanong ulit niya.

Hayy~ Ano ba 'to si Chairman. Bakit ako ba ang ini-interview nya? Tapos tungkol pa sa boyfriend boyfriend. Grabe, mag-lolo talaga.

Nakakailang tuloy. Mabuti nalang mukhang hindi interesado si Nathan. Kanina pa siya parang walang gana. Pinaglalaruan niya lang yung pagkain niya

Secretly In LoveWhere stories live. Discover now