Chapter 9

53 1 0
                                    

Narinig kong nag 'Oh my god!' ang isa sa mga girl friends ko- hindi ko alam kung sino kase nakatalikod ako sa kanila.

Si Nathan? Hinahalikan ako sa labi? OMG! Anong ibig sabihin neto? Ito ang first ever kiss ko at ang gusto ko sana si Andrew ang first kiss ko pero... bakit hindi ako nagagalit? bakit hindi ko magawang magpumiglas. Hinahayaan ko lang si Nathan na halikan ako. Ano bang nangyayari sakin?

Feeling ko kusang gumagalaw ang katawan ko ngayon. Dahan dahan kong itinaas ang kamay ko at humawak sa bewang niya at........

Hinalikan ko na rin ang bestfriend ko.

Oo. naghahalikan kami ngayon dito sa airport- sa harap ng maraming tao.

Bakit ganon? Bakit familiar sakin ang feeling na 'to? Feeling ko hindi ko 'to first kiss. Feeling ko nahalikan ko na dati si Nathan? Pero kelan? Saan? Paano? HAY! kainis!

Tumigil na sa paghalik si Nathan pero di parin niya nilalayo ang mukha niya sa mukha ko at idinikit ang noo niya sa noo ko.

"Magiingat ka palagi. Mahal na mahal kita." bulong niya at agad akong napatingin sa mga mata niya. Nakita kong nakapikit parin siya.

"Nathan." bulong ko rin sa kanya at hinigpitan ko ang hawak ko sa damit niya.

Binitiwan na niya ako at agad siyang tumalikod at naglakad papalayo ng hindi tumitingin sakin at tuluyan na siyang umalis.

Ako? Tulala parin sa nangyari. Nalimutan ko na ngang nasa likod ko pala yung mga kaibigan ko at di ko pa maaalala kung hindi sila lumapit sakin.

"OMG Cass! Totoo ba lahat ng nakita namin?" tanong ni Jessica.

"Ay hindi. Imagination mo lang yung nakita mong naghahalikan sa harap natin si Cass at Nathan. Hindi totoo yun, ano ka ba?" sarkastikong sagot ni Krystal kay Jessica.

"HAY! Ano ba Tal! lagi mo nalang akong ginaga- OHMAYGAHD!" "OHMAYGAHD!" "CASSEY!" obviously naputol ang sinasabi ni Jessica dahil nagulat siya sa sumunod na nangyari at pati yung tatlo ay napasigaw na rin.

Ano nangyari ba kamo? Ewan ko rin. Bigla nalang nanikip yung dibdib ko tas nagdilim yung paningin ko at malamang natumba ako kaya sila nagsigawan at pagtapos noon... hindi ko na alam ang nangyari sakin.

 Pagdilat ko, nasa isang unfamiliar room na ako. Lumingon ako sa gilid ko at doon nakita ko yung apat kong mga kaibigan na nagkukwentuhan. Bigla akong umupo at nakita naman nila ako.

"Uy Cassey! Okay ka na ba?" nag-aalalang tanong ni Ate Luna sabay lapit sa tabi ng kamang hinihigaan ko kanina. Pati yung tatlo ay lumapit din sakin.

Tinitigan ko muna silang apat nang nagtataka, "Anong... nangyari?" mahinanon kong tanong.

Nakita kong nagtinginan silang apat atsaka bumalik ang tingin sakin na medyo malungkot. Napakunot ako ng noo.

"Cass..." mahina at malungkot na tawag ni Suzy.

Yung mga ichura nila akala mo mga namatayan. Hayy~ ano bang problema nila?

Maya maya pa ay bigla nalang umiyak si Jessica na parang bata. "Cass! sorry~"

"Ano ka ba, Sica? Mukha bang mamamatay na si Cassey? Siraulo ka talaga!" sabi ni Krystal kay Jessica. Napansin kong tumingin ng masama si Jessica kay Krystal at ganun din naman si Tal sa kanya.

Hayy~ ang cute talaga netong dalawang 'to pag-nagaaway. HAHA!

Anyway, ano bang pinagsasabi nilang mamamatay? Oo hinimatay ako pero patay? Grabe naman 'to si Sica. tsk!

"Hoy grabe ka Sica. Hinimatay lang si Cassey, hindi namatay! OA mo talaga!" dugtong naman ni Suzy. Kay Suzy naman tumingin ng masama si Jessica. Maya maya ay bigla siyang yumakap ng mahigpit sakin.

"Magsitigil na nga kayong tatlo." galit na sabi ni Ate Luna sa tatlo nang nakatingin ng masama. 

Habang nagaaway away yung apat na parang mga bata, bigla akong may naalala.

*gasp* "Oh my gahd!" sigaw ko at napatigil yung apat at tumingin sakin. "Si Andrew." sabi ko. "Anong oras na?" tanong ko sabay tingin sa wrist watch ko. "OMYGAHD! 8:30 NA!?" sigaw ko ulit sabay dali dali akong bumaba ng kama pero pinigilan ako ni Ate Luna. 

"Sandali, Cassey!" pagpigil niya sakin sabay hawak sa braso ko. Napatingin naman ako sa kanya nang nagtataka. "Err~" alangan niyang sabi habang hinilot hilot yung noo niya, "Si Yuna kase tumawag sakin." sabi niya. Tahimik lang akong nakikinig sa mabagal niyang kwento. Hay~ pa-suspense pa si Ate Luna. "Uhm.. Pinapasabi ni Yuna na nahulog mo daw yung phone mo. Binalik daw ni Andrew."

Hindi ko alam kung anong isasagot ko kay Ate Luna. May hinala naman na ako na yun ang nangyari eh. Napatango nalang ako bilang sagot.

Bigla kong naalala si manong driver ng taxi. Nako! Ano kayang nangyari sa kanya? Kawawa naman siya.

"Nga pala, may taxi driver na hinahanap ka kanina naniningil." sabat bigla ni Krystal. "Loka ka! halatang nagmamadali ka kanina eh. Wallet at sapatos, wala kang dala. Pati phone mo naiwan mo." sermon pa niya. Napayuko nalang ako sa sinabi ni Krystal. Nababasa niya ba yung nasa isip ko? "Binayaran ko na yung taxi fare mo. Bayaran mo ako ah." dugtong pa niya at napatango nalang ako sabay bigla siyang ngumisi. "Gaga. Joke lang. Hahaha!"

 Kinabukasan, pakiramdam ko hindi pa oras ng pag-gising ko. I mean, late na ako nagigising pag wala akong pasok. Pero ngayon ang aga kong nagising. Ang sama sama sama as in sobrang sama ng pakiramdam ko ngayon. Parang ngayon ko lang na-feel 'to.

"UGH!" napaduwal ako at agad agad akong tumayo at tumakbo sa banyo at doon ko tinuloy ang pagsusuka ko.

Nagdaan pa ang mga araw na nasusuka ako tuwing umaga or pag may naaamoy akong di kanais nais. Tulad nalang nung mga favorite food ko. Madalas din akong mahilo at naging antukin ako eh hindi naman ako antukin talaga. tapos parang feeling ko lagi mainit yung ulo ko. Lagi ko tuloy nasusungitan sila Jessica, Krystal at Suzy.

Hay! Kainis! Simula nung nagluto si Ate Yuna ng nakakasukang Lasagna na yon, naging ganito ako. Kaasar!

Namimiss ko na rin si Nathan. Hay~ Ano na kayang ginagawa niya doon? Hindi naman siya nage-e-mail sakin ee. Hindi rin sya nagpaparamdam sa Facebook. Siguro busy yun.

Yung ginawa nya- este yung ginawa namin sa airport? Hindi ko makalimutan yon. Hindi ko parin talaga libos maisip kung bakit ako hinalikan ni Nathan. At hindi ko rin lubos maisip na hinayaan ko lang syang gawin nya yon kahit di ko sya boyfriend. Ito pa. Ang nakapagtataka... feeling ko hindi ko first time kiss-an si Nathan. HAY! Kainis! sumasakit ang ulo ko kakaisip! Basta ang alam ko lang ay gusto ko ulit maulit yon...... Wait! What? sinabi ko bang gusto ko maulit yon? Gosh! Ang daldal ko kase! Tsk! Wag nyong sasabihin kahit kanino yon ah. Satin satin lang 'to. HAHAHA!

Si Andrew ba kamo?

Ayun, lagi nya kong inaabangan sa tapat ng school main gate. Lagi nya rin akong hinahatid sa bahay pag pareho yung time ng uwi namen. Nagsorry na rin ako sa kanya about sa nangyari sa date namin. Kaya nagkasundo kaming sa susunod nalang kami mag-date. Inamin nya rin sakin na hindi naman daw talaga sya casanova. Well, inamin naman nya rin naman na marami syang naging girlfriends. Pero hindi naman daw niya talaga... you know. Hmp! Medyo nasaktan ako dun sa pagiging marami niyang girlfriend pero okay lang. May magagawa ba ako? Eh sa gwapo niyang yon? Hay nako! Haha!

Hindi pa din siya umaamin na gusto niya ako. Pero ramdam na ramdam kong gusto niya rin ako. Oh diba? Assuming ako masyado. HAHAHA! Alam ko namang nararamdaman niyo rin yon eh. Mali ba ako?

Secretly In LoveWhere stories live. Discover now