-Nathan's POV-
"Joshua!" Masaya kong tawag kay Joshua na kalalabas lang sa room niya kasama ang mga classmates niyang--- babae?
Teka, bakit puro babae ang kasama niya at hindi yung classmates niyang lalaki?
Tumingin si Joshua sakin at saka ngumiti ng malaki.
"Uncey Nathan!" Masaya niya ring tawag sakin saka siya tumakbo papalapit sakin.
Pagdating niya sa harap ko ay agad niya akong niyakap sa bewang ko na medyo kinabigla ko. Hindi ko naman inaasahan yon eh. At isa pa, hindi ako sanay.
Umupo nalang ako para maging ka-level ko yung height niya at saka ko hinimas ang ulo niya.
Nagtaka ako nang bigla nalang lumungkot ang expression niya at ngumuso.
"Bakit?" alalang tanong ko.
"Mommy, hindi namin bati si Joshua." Narinig kong sabi nung batang lalaki sa mommy niya sa di kalayuan.
Tumingin ako sa kanila at ibinalik ko agad ang tingin ko kay Joshua.
"What happened?" tanong ko sa kanya.
"Kasi sila Sammy, Pincess (Princess), Ranzen, tsaka Maddesone ... niaaway (Inaaway) nila si Kabi, Toshi, Caleb, tsaka Austin." Kwento niya.
Napataas ako ng kilay sa pagtataka sa kwento niya.
Ang cute naman nitong mga batang 'to.
"Bakit nila inaaway?" tanong ko nalang.
"Kasi... Ano- Hmm..." sabi niya habang nag-iisip pa.
Pinipigil ko nalang yung tawa ko sa ginagawa niya. Baka kasi umiyak siya lalo.
"Niaaway (Inaaway) ako nila kasi... ano... hmm... hindi sila bati nila Sammy, Pincess (Princess), Ranzen tsaka Maddesone. Ako lang bati nila Sammy, Pincess (Princess), Ranzen tsaka Maddesone. Kaya niaaway ako nila Kabi, Toshi, Caleb tsaka Austin."
Medyo naguguluhan ako sa kwento ni Joshua. Ang bagal mag-process sa utak ko. Pero sinakyan ko nalang yung kwento niya.
"Bakit hindi sila bati nila Sammy?" tanong ko.
"Kasi... ako lang daw boypwen (Boyfriend) nila. Hindi nila boypwen (boyfriend) sila Kabi, Toshi, Caleb tsaka Austin."
Napanganga ako sa kwento ni Joshua.
Grabe! Kakaiba ang mga batang 'to ah. Ang babata pa, iyon na agad ang nasa isip? Sa edad nila na yon, alam na nila ang mga bagay na ganon?
Hindi ko alam kung matatawa ako o ano eh.
Alam ko na kung kanino nag-mana itong batang 'to.
"Ga-ganun?" natatawa kong sabi. "Eh boyfriend ka ba talaga nila?" tanong ko.
"Hmm..." nag-iisip na sabi niya with matching turo pa sa sentido niya. "Ano ba boypwen (Boyfriend) po?" tanong niya at napabuntong hininga ako.
"Iyon yung kaibigang lalaki na pwede nang yakapin at i-kiss ng friend na girl." Sagot ko na kahit ako napaisip sa tanong niya at sagot ko.
Ayun nga ba talaga ang sagot? Baka mali ako.
Nakita kong nag-isip ulit si Joshua at saka siya nagsalita.
"Ahh.. Edi, hindi nila ako boypwen (boyfriend). Kasi hindi ko naman sila niyayakap at niki-kiss eh." Paliwanag niya.
YOU ARE READING
Secretly In Love
Romansa"Sige na Nathan. Pumayag ka na. Please. Isang gabi lang naman eh." pagmamakaawa ko kay Nathan. Si Nathan lang talaga ang tangi kong paraan. Kung ayaw niyang pumayag ng isang usapan lang, Pwes! idadaan ko siya sa sapilitan.
