Chapter 14

29 0 0
                                    

-Mina's POV-

Nakakabingi naman ang katahimikan. Nakakainis! Sobrang awkward ng atmosphere dito sa kotse. Hayy~

Papunta na kame doon sa restaurant kasama si Nathan... And I think naghihintayan kaming dalawa kung sinong unang magsasalita samen.

Hay nakakainis talaga. Naiilang ako. Ito naman kasing si Nathan, hindi man lang magbihis agad after maligo. Tsk!

Ah! Yung nangyari kanina? Ayun... pag-alis ko ng kamay ko sa dibdib niya natahimik kami saglit bago siya pumasok sa kwarto niya. Ako naman, hinintay ko siya sa living room niya then simula nun, hindi na ko makarelax hanggang ngayon. Naiilang talaga ako.

Hindi ko rin naman alam kung anong iniisip niya. Actually, Ang ichura niya ngayon... Derecho lang yung tingin niya sa windshield ng Audi ko. Uhm... wala ding emotion yung mukha niya. Tapos...

*gasp* Sh*t! Ano ba, Mina Jung? Bakit ka tumitingin sa dibdib niya? Baliw ka na!

"Is there a problem?"

Nagulat nalang ako nung magsalita si Nathan kaya napalingon ako sa kanya at ibinalik agad sa kalsada.

"H-huh?" utal kong tanong. Nararamdaman ko yung bilis ng tibok ng puso ko sa gulat. "Wh-what problem?" dugtong ko.

Tahimik lang si Nathan pero nakikita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin siya sakin.

"You cursed." Matipid niyang sabi.

"What? I-I did?" alangan at kabado kong tanong.

"Yeah." Mahinang sagot niya

Tumingin ako sa kanya nung mag red light at nakita kong nakayuko siya at nakatingin siya doon sa mga kamay niyang nakapatong sa lap niya. At kung kanina walang bahid ng kahit anong emotion yung mukha niya, ngayon naman para siyang depressed.

Ano kayang problema niya? Mukha naman kasing hindi lang pagod ang nararamdaman niya ngayon eh. Ang weird niya. Or baka ganito na talaga si Nathan. Naho-homesick lang siguro siya.

Hanggang dito sa restaurant tahimik parin si Nathan. Nakakahawa tuloy.

Habang hinihintay namin ang pagdating ni Chairman, nakita kong pinaglalaruan ni Nathan yung glass of water. Sine-shake niya yung baso para umikot yung tubig sa loob. Actually, naaaliw ako sa ginagawa niya. Yung mata ko umiikot din. Sinusundan ko kasi yung baso niya eh.

Biglang may tumalsik na tubig palabas nung baso kaya napa-react ako dahilan ng pagtingin sakin ni Nathan. Nagulat din ako sa ginawa ko kaya napatingin din ako sa mata niya.

Saglit kaming nagkatitigan. Maya-maya ay tumawa siya kaya natawa na rin ako.

"So, anong pinagkaka-abalahan mo ngayon?" tanong niya bigla matapos naming tumawa at kinagulat ko naman yon.

"Uhm.. like I said earlier, nag-aaral pa ako. And at the same time, nagtatrabaho sa hospital ni Daddy." Sagot ko nang nakangiti.

"Oh?" paninigurado niya. Medyo wala pa ngang gana yung pagkakasabi niya eh. Tumango nalang ako bilang sagot.

"Edi busy ka lage?" tanong ulit niya.

"Yes." Medyo alangan kong sagot.

"Do you have friends?"

"Er.. Ofcourse!" alangan kong sagot.

"How many?" What the-? Ano 'to? Interrogation?

Secretly In LoveWhere stories live. Discover now