Uwian na namin at habang naglalakad ako palabas ng school, biglang may tumawag sa pangalan ko.
"Cassey!" sigaw ni Andrew.
"Cass!" sigaw ni Nathan.
Oo. Sabay sila. Nakita kong nagkatinginan silang dalawa. Si Nathan, masama ang tingin. Habang si Andrew naman ay... masama rin? Bakit?
Feeling ko nakakakita ako ng koryente sa mga mata nila na magka-connect sa isa't isa tapos silang dalawa, naga-apoy. Whew!
Matapos ko panuorin yung sagutan nila sa utak nila, nagpapansin na ako. Kasi parang nalimutan yata nila na tinawag nila ako.
"Uhmm. Guys?" tumingin sila pareho sakin. "Anong meron?" Tanong ko. Lumapit sila pareho sakin. My gosh! Feeling ko ang haba ng hair ko. Abot hanggang sa bahay namin. HAHAHA!
"Cassey/Cass." Sabay nanamang tawag nila. Syempre, nagkatinginan ulit sila ng masama. Hay! Nakakainit ng ulo ah. Ano ba 'to si Nathan! Nakikisabay pa kasi. Ano bang kailangan niya?
"Bakit, Nathan?" medyo iritado kong tanong. Tumingin siya sakin na parang gulat.
"Uhm.. A- ano..." utal niyang sabi habang umiikot yung mata niya. Yung parang hindi mapakali. Hinintay ko lang yung sagot niya ng ilang saglit, "Ano... Sasabay ka ba sakin pauwi?" tanong niya pero yung tingin niya nasa paanan ko.
Hala! Anong nangyayari dito kay Nathan? Kelan pa siya nahiya sakin?
Tumingin ako kay Andrew saka tumingin ulit kay Nathan bago sumagot. "Sa sunod nalang. Kaya ko naman umuwi mag-isa eh. Pero salamat sa alok." sagot ko sa kanya sabay ngiti.
"Ah.... Okay." mahina niyang sabi sabay umalis nang hindi tumitingin sakin. Hala! Nakakaloka talaga 'to si Nathan. Nagui-guilty nanaman tuloy ako. Pero hindi ako magpapatinag.
"Ano mo ba si Nathan Lee?" tanong bigla ni Andrew nung mawala na sa paningin namin si Nathan. Napatingin naman ako sa kanya.
"Kilala mo si Nathan?" di ko pinansin yung tanong niya at ako muna nagtanong. Nakaka-curious kaya. Hindi ko alam na sikat din pala yung bestfriend kong yon dito sa school. Akala ko sa Bar lang namin. HAHAHA!
Nagsmirk si Andrew sa tanong ko, "Sino bang hindi nakakakilala sa ugok na yon?"
Medyo nagpantig yung tenga ko at napakunot noo sa sinabi ni Andrew. Aba! sino siya sa para sabihan ng UGOK ang bestfriend ko? Pasalamat siya, tinunaw ako ng ngisi niya. "Uhm.. Anong... Meron sa kanya?" alangan kong tanong. Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko.
OMG! Hinawakan ni Andrew Choi ang kamay ko! Syempre kunyari nagtataka-look ako. "Wag mo nalang pansinin yung sinabi ko. Actually, he's a NOBODY." at nagumpisa na kaming maglakad.
Actually, he's a nobody.
Kanina pa naglalaro sa utak ko ang mga salitang yan. Kasi naman. na-offend ako. Kahit hindi ako yung sinasabi niyang NOBODY. Eh bestfriend ko naman yung sinabihan niya. AT sakin niya pa sinabi. Hmp! Minus Two Pogi Points.
Oo. Naglalakad parin kami ni Andrew. Ihahatid niya daw ako sa bahay. At oo. Magkahawak parin kamay namin. Kami na magka HHWW. HAHAHA! Kinikilig ako. Pero di parin talaga maalis sa isip ko yung sinabi niya.
Nagbuntong hininga ako.
"May problema ba?" tanong niya.
Sigurado iniisip niyo masyado akong easy-to-get noh? Well. hmm... medyo. HAHAHA! basta si Andrew Choi. Pero syempre nagiisip naman ako noh. Tulad nalang ngayon. Sinabihan niya si Nathan ng di magagandang salita.

YOU ARE READING
Secretly In Love
Storie d'amore"Sige na Nathan. Pumayag ka na. Please. Isang gabi lang naman eh." pagmamakaawa ko kay Nathan. Si Nathan lang talaga ang tangi kong paraan. Kung ayaw niyang pumayag ng isang usapan lang, Pwes! idadaan ko siya sa sapilitan.