Chapter 1

130 1 0
                                        

Hi. Ako nga pala si Cassey Kim, 18 years old, High School. Isang Bar ang pinapatakbo ng pamilya ko. Lagi kaming nandon ng bestfriend ko pag walang pasok kinabukasan. Pero hindi para maginuman. suma-sideline kami bilang waiter at waitress. Pero yung bestfriend ko hindi lang pagkuha at paghahatid ng mga orders sa customers. everytime nalang kase ng pag sa-sideline namin, may mga customers na dinadayo siya para makipaginuman... AT makipag flirt.

Si Nathan Lee, 19 years old. ang bestfriend kong playboy. medyo may pagkamayabang din siya. haha! masyado siyang bilib sa sarili nya. ako lang yata ang babaeng hindi naaakit sa kanya. haha! kasi meron nang laman ang puso ko. Si Andrew Choi.

Schoolmate ko si Andrew. Sikat din sa mga babae yung lalaking yun dahil sa pagiging casanova niya. at di lang siya sa school namin sikat. kahit sa ibang school. pero... hindi naman dahil sa pagiging casanova ko siya nagustuhan. madalas kasi siyang nasa bar. isang gabi sa Bar ng family ko siya nagpunta.

"Here's your order ma'am. meron pa ho ba kayong gusto?" magalang kong tanong sa customer.

"Ah, wala na. thank you." malambing na sagot ng babae.

bumalik ako ng counter para magpunas ng mga baso nang biglang lumapit sakin si Nathan na nakangiti na parang naka jackpot at mukhang lasing.

"Ca~ssey~~~" sabi ni Nathan habang yumayakap sakin.

"Hay nako, Nathan! umayos ka nga! ang bigat mo kaya!" reklamo ko habang tinutulak patayo si Nathan. pero pilit parin siyang yumayakap sakin.

"Cassey~" bulong ni Nathan na may pagka husky ang tono sa tenga ko. "I love you~" bulong niya ulit sa parehong tono, "diba, love mo rin ako?" dugtong niya pa pero hindi na ito pabulong.

hay! parang bata talaga itong si Nathan pag nalalasing. tsk tsk. Pero alam ko pag naglalambing siya sakin, ibigsabihin ay meron siyang gustong gawin at kailangan niya ng tulong ko. Eh ano bang magagawa ko? Bestfriend ko siya. so papayag ako kahit anong pang hilingin niya. syempre yung kaya ko lang. Mag a-out na daw siya dahil ilalabas niya yung babaeng nakilala niya kani-kanina lang.

"Thank you, Cassey~" pasasalamat niya nang nakangiti at biglang humalik siya sa pisngi ko sabay takbo papuntang likod para kunin ang gamit niya.

5 minutes after umalis si Nathan, biglang dumami ang customers kaya medyo natataranta kaming mga staff.

"Bakit naman biglang dumami yung tao kung kelan umalis ng maaga si Nathan? tsk!" reklamo ko kay Ate Luna. Yung regular waitress dito. Bago sumagot si Ate Luna, tumingin siya sa isang table at nung pagtingin ko rin doon, nakita ko ang isang lalaki na pinaliligiran ng mga babaeng nagtatawanan at mukhang enjoy na enjoy sa usapan nila. Ang lalaki ay si Andrew Choi.

Lumapit ako sa table nila Andrew para ibigay ang order nila. Pero pagbaba ko ng baso nila, nasagi ng isang babae ang kamay ko kaya natapon ito sa kanya kaya nagalit siya. "AHHH! Ano ba naman yan Miss! Magdahan dahan ka nga!" Sigaw nung babae at napatingin ang lahat sa amin. Humingi agad ako ng tawad at dali dali kong pinunasan ang skirt ng babae pero lalo itong nagalit at bigla niya akong tinulak ng malakas dahilan para matumba ako at masagi ang iba pa nilang inumin. Nagulat ako sa ginawa niya at gusto ko sana siyang labanan pero hindi pwede. Galit na galit ako pero pinipigil ko lang. Ang tangi ko lang magawa ay ang mag sorry.

Patuloy paring nagngingit-ngit sa galit ang babae. Maya maya, Napansin kong tumayo si Andrew at napatingin kami lahat sa kanya. 'Gosh! ang cool niya!' nasabi ko bigla sa isip ko. Lumapit sakin si Andrew at lumuhod para magpantay ang mga mata namin. Ang lagkit ng titig niya sakin. "Uhmm.... Cassey... Right?" sabi niya at yun ay ikinagulat ko dahil alam niya ang pangalan ko. 'OMG! Pano niya nalaman ang pangalan ko?'. Nakikita kong dahan dahan niyang itinataas ang kanang kamay niya at saka siya humawak sa kaliwa kong pisngi na parang may tinatanggal siyang dumi. Kasunod nun ay tinulungan niya akong tumayo. "OK ka lang ba?" mahinahong tanong niya sakin.

Ang mga tingin niya ay hindi naaalis sa mga mata ko. Para akong didikit sa mga titig niya. Parang gusto ko siyang yakapin at ang mga labi niya... parang... ang... sarap.... Wait. What?! Oh no! ano ba itong pumapasok sa utak ko? Hindi hindi hindi!!! Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko. Itinaas niya ito at dahan dahan niyang hinalikan. Parang nagi-slow-mo...

Ugh! gusto kong halikan ang mga labi niya. Andrew... can you be my boyfriend? hayy~ pwede ko bang sabihin sa kanya ang mga yon? kung pwede lang na manligaw din ang mga babae.

Tumingin siya ulit sa akin at ngumiti saka sinabi sa mga kasamang babae na aalis na siya. Pero bago tuluyang umalis, tumingin ulit siya sakin at saka sinabing, "See you at school, Cassey." na may lambing sa tono niya.

Sa school. Lunch break namin at kasama ko ang mga girl friends kong sila Jessica, Suzy at Krystal. Si Nathan kasi kasama niya ang mga "Girlfriends" niya. aigoo. habang nagkukwentuhan kami ng mga friends ko, biglang may dumaan at nagulat nalang ako nang marinig ko ang pangalan ko.

"Hi Cassey." napatingin ako at nakita ko si Andrew na nakangiti sakin. Nung makalayo siya, biglang nagtilian ang mga friends ko.

"Oh My God, Cassey! totoo bang narinig ko?! Kelan kayo nagkasama ni Andrew?" masayang tanong ni Jessica na may halong kilig sa tono niya. "Uhmm.. kagabi." sagot ko na may pagaalinlangan ng kaunti at muli silang nagtiliian. Lumapit ng kaunti si Suzy at saka nagsalita ng mahina na sakto lang para sa aming apat. "So, ano? kamusta?" Medyo nagtaka ako sa tanong ni Suzy but I ignored it at sumagot nalang. "Uhmm.. Actually....." tumigil ako sa pagsalita at tumingin isa isa sa kanilang tatlo atsaka ako ngumiti na kilig na kilig. "Para akong matutunaw. Oh My God!" dugtong ko. At pati sila ay kinilig din. Pagtapos namin kiligin at magtawanan ay bigla kaming na natahimik na parang may dumaan na anghel hanggang sa basagin ni Krystal ang katahimikan.

"Pero teka, Cassey..." Napatingin kaming tatlo kay Krystal at sabay sabay nagtanong kung anong problema. "Eh diba, wala ka pang... experience?" tanong ni Krystal na mukhang confused na confused. Nagkatinginan pa sila Jessica at Suzy bago sila tumingin ng sabay sakin.

*** [AN] Pagpasensyahan nyo nalang ho kung maraming mali. But your comments and advices will be much appreciated. Please continue reading. Thank you! *^^

Secretly In LoveWhere stories live. Discover now