-Nathan's POV-
Akala ko nawala na yung inis ko sa lalaking yon. Hindi pala. Nakakabwiset parin ang presensya niya. Tsk! Kaasar!
Binuhat niya agad yung batang lalaki nang makalapit ito sa kanya at ngumiti siya dito saka tumingin ulit sakin.
Tingnan nyo... ngumiti pa siya saken. Kabadtrip! Panira talaga ng araw kahit kailan!
HAH! May anak na pala siya? Mabuti nalang di nagmana sa kanya. Dahil kawawa naman yung bata pag nangyari yon. Hayy~ napakamalas naman ng batang yon.
Nakita ko si Mimi na nasa tabi ng g*gong yon.
Teka! Si Mimi? Kasama niya?
Wag mong sabihing-
"Oh myhagd! Tantan, I'm so sorry! Nalimutan kita." Sabi ni Mimi habang palapit sa harap ko.
Tumingin lang ako kay Mimi ng seryoso at saka ko binalik ang tingin kay Andrew at nakita ko siyang nagpipigil ng tawa.
Tsk! Anong problema nya?! Naka-smirk pa siya. Bwiset talaga! Sarap burahin ng mukha niya!
"Oh! Uhmm.. Tantan..." sabi ni Mimi sabay lapit sa lalaking yon at kumapit pa talaga siya sa braso niya ah! Kaasar! Nakita ko nanaman yung pagpigil niya ng tawa! HAY! Bwiset ka talaga! "This is my brother –Andrew." Dugtong niya ng nakangiti saka humarap kay Andrew. "Siya yung kinukwento ko sayong childhood friend ko –si Nathan." Sabi pa niya.
Badtrip talaga! Bakit ako nakukwento niya sa lalaking yon?! Tapos siya hindi niya kinukwento sakin?! I mean... ni pangalan nung sinasabi niyang kapatid, hindi niya masabi sakin. Tapos ngayon malalaman kong yung g*gong lalaki pala na 'to yung pinagmamalaki niyang kapatid?! BWISET! Kelan ba mawawala sa landas ko ang g*gong 'to?! Tsk!
"Sa dinami-dami ng pwedeng dahilan ng pagkalimot at pagiwan mo saken, siya pa." sabi ko kay Mimi habang nakatingin ako ng masama sa lalaking yon at nagsmirk lang siya saken.
Nakakainit talaga ng ulo yung mga ngiti niyang yan.
"Sorry na nga. I just got excited to see my brother. Ang drama mo talaga." sabi ni Mimi pero hindi ko parin siya tinitingnan.
"Long time no see. " Sabi ni Andrew. "Hindi ka parin nagbabago. Para ka paring batang nagaalburuto pag kinuha yung laruan mo." Dugtong pa niya at nagpantig yung tenga ko.
"What did you say?" inis kong sabi sa kanya.
"Mali ba ako?" mayabang niyang sabi. Agad ko siyang tiningnan ng masama at syempre... binigyan niya nanaman ako ng nakaka bwisit niyang smirk. Tsk!
"Uhmm. Magkakakilala kayo?" narinig kong sabi ni Mimi pero hindi ko siya pinansin.
"Actually, hindi kame magkakilala." Sabi ni Andrew nang hindi naaalis yung tingin sakin. "Masyado lang matunog yung pangalan niya dati sa school." Dugtong pa niya.
"WOW! Sikat ka pala dati, Tantan... hindi mo sinasabi." Masayang sabi ni Mimi.
HAH! Tama. Mas matunog kesa sa kanya.
"Oh by the way, Sis." Sabi niya bigla.
Ano nanaman kaya ang ipagmamayabang neto?
"I want you to meet my Fiance." Masaya niyang bulong –na hindi naman mukhang bulong– kay Mimi at saka nagsmirk nanaman sakin.
Nakakaasar! Bakit ba trip na trip niyang gawin sa harap ko yon?! At sino naman kaya yung napakatangang babaeng naloko niya?
"Mommy!" sigaw nung batang lalaki at nagpumiglas para bitawan ng tatay niyang baliw at saka tumakbo papunta sa opposite direction ko.
"Baby ko!" narinig kong sabi nung babae mula sa likod ko.
Teka... pamilyar yung boses nung babae.
Biglang bumilis yung tibok ng puso ko at nakaramdam ako ng sobrang kaba.
Hindi ko tiningnan yung babae nung makalampas siya sa akin at yumuko lang ako. Ayokong makita kung sino yung sinasabing fiancé nang g*gong yon. Ayokong isipin na tama yung hinala ko. Pero hindi naman ako bastos para iwasan lagi ng tingin yung fiancé niya. Paano kung mali pala yung hinala ko? Mapapahiya lang ako. Edi panalo nanaman yung g*gong yun. Tsk!
Nung napansin kong nasa harapan na siya ni Andrew ay dahan dahan kong inangat yung paningin ko para tingnan yung babae. Laking gulat ko nung makita ko yung mukha niya at napahakbang ako paatras. Napansin ko ring nanlaki yung mata niya nung makita ako.
Hindi ko alam kung tama ba ang sasabihin ko o mali ako. Masaya nanaman yung OS ko dahil napatunayan nanaman niyang tanga ako. Tsk!
Wala rin naman akong magagawa eh. Heh. Iisipin ko nalang na itinadhana talaga kaming magkita ulit. At itinadhana rin na masaktan ako ULIT nang dahil sa kanya.
Pakiramdam ko mababaliw ako.
Relax lang Nathan. Wag mong ipahalata na nasasaktan ka. Gawin mo lang yung ginagawa mo dati. Act like its nothing.
"Nathan." Tawag niya habang nakangiti.
Sh*t! bakit ganito? Ganun lang ang bati niya sakin? Para bang wala lang sa kanya yung limang taon. Para bang hindi kami magbestfriend. Malamang matagal na niyang alam yung nangyari samin. Yun ba ang dahilan kung bakit iba ang pakikitungo niya sakin ngayon? Baka nalimutan na niyang mag-bestfriend kami. Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makapag-isip ng tama. Magsalita ka Nathan!
"Ca-cassey!" utal kong bati. "M-may- may a-anak ka na?" dugtong ko pa.
Sh*t! ano bang klaseng tanong yan?!
Napansin kong nagulat din si Cassey sa tanong ko at napatingin siya sa baba saka hinimas ang ulo nung batang lalaki.
"Ah... O-oo. Hehe." Nahihiya niyang sagot at napangiti nalang ako. Yung ngiting alangan at pilit.
Tsk! Kaasar talaga! Ano bang nangyayari sakin?! Bwiset!
"Joshua, say Hi t-to----" sabi ni Cassey pero nautal siya siya sa dulo at parang nagiisip.
Nagtaka naman ako sa pagkakaputol ng sasabihin niya. Yung para bang hinahanap niya pa sa dila niya yung tamang word pero di na niya nagawa kase inunahan na siya nung paepal na lalaking yon! At inakbayan pa niya si Cassey ah. Tsk!
"Say Hi to Uncle Nathan, Joshua." Sabi niya habang yung isang kamay niyang hindi nakaakbay kay Cassey ay hinimas ang ulonan nung bata.
Napansin kong yumuko si Cassey at kitang kita ko yung pagkunot ng noo niya.
"Hi, Uncey Nathan po." Masayang bati nung batang si Joshua with matching kaway pa ng kamay niya sakin at napangiti ako sa greet niya sakin. Binalik ko naman yung greeting sa kanya.
"To Aunt Mina pa." sabi ulit ni epal. Pft!
Agad naman na humarap si Joshua kay Mimi at binate siya.
Habang nagbabatian sila, palihim akong tumitig kay Cassey at napatingin din siya sakin. Para pa nga siyang nagulat at umiwas siya agad pero binalik niya ulit yung tingin sakin.
Yung mga mata niya parang punong puno ng kalungkutan o galit.
Bakit? Ano bang nangyari sa kanya netong limang taon?
Hayy~ namiss ko talaga si Cassey. Gustong gusto ko siyang lapitan ngayon at yakapin ng sobrang higpit at halikan na parang wala nang bukas.
Tsk! Kaasar lang. kung sumama lang talaga saken si Cassey sa US, siguro ngayon, meron na rin kaming anak –yung sarili naming anak.
At siguro di na ko babalik dito. Mamumuhay na kaming dalawa doon ng Masaya kasama ang mga anak SANA namin.
*sigh*
YOU ARE READING
Secretly In Love
Storie d'amore"Sige na Nathan. Pumayag ka na. Please. Isang gabi lang naman eh." pagmamakaawa ko kay Nathan. Si Nathan lang talaga ang tangi kong paraan. Kung ayaw niyang pumayag ng isang usapan lang, Pwes! idadaan ko siya sa sapilitan.
