-Nathan's POV-
Tahimik kami ni Cassey na nakaupo dito sa bench sa may garden ng hospital.
Alam ko hinihintay niya lang akong magsalita.
Hindi ko lang maintindihan ang sarili ko. Para bang nakalimutan ko yung mga sasabihin ko. Nagtataka ako kung bakit ko ba sinabi yon? tsk! Kabadtrip!
HAY! Ano ba ang sasabihin ko?! Pinapairal ko nanaman yung katangahan ko. Tsk!
Cass, alam kong alam mo na, na may nangyari satin.
nakita ko yung mark ng operation mo nung gabing yon.
Cass, i'm sorry.
Cass... hanggang ngayon, mahal parin kita higit pa sa pagkakaibigan.
ARGH! Mababaliw na ako!
Bahala na.
"Uhm. Ca-cass?" alangan kong sabi at tumingin naman siya sakin kaya lalo akong kinabahan. "Uhm.. " napalunok muna ako pero bago ko pa matuloy yung sasabihin ko ay bigla akong inunahan ni Cassey.
"May sakit ako sa puso." Mahinahon niyang sabi sabay tingin sa malayo.
Parang kinurot yung puso ko nang Makita ko yung malulungkot na mata ni Cassey.
Nanatili lang akong tahimik habang pinagmamasdan siya. Hindi ko kase alam kung anong isasagot ko eh. Alam ko na kase ang tungkol doon diba?
"Five years old palang ako noong unang opera ko." Kwento niya.
Medyo nagulat ako sa kwento niya. Yun kase ang hindi ko alam. Basta alam ko lang, may sakit siya sa puso.
Hinayaan ko nalang siyang magkwento at pinakinggan ko nalang siya.
"Isang battery na kasing laki ng poker chip nalang bumubuhay sakin."
"Para nalang akong robot na pinapagana ng maliit na battery."
Sa bawat word niya na lumalabas sa bibig niya ngayon, nasasaktan ako ng sobra. Hindi ko kase inaasahan yon. hindi ko alam na matagal nang naghihirap ang kalagayan niya.
"Biro mo, sa liit niyang yon, nakakabuhay siya ng taong matagal na dapat patay." Biro pa niya.
Bad joke.
Gusto ko siyang yakapin at umiyak pero hindi ko magawa.
"Sa totoo lang, takot akong kumilos sa araw araw." Sabi nya at saka siya yumuko.
"Natatakot ako kasi baka bigla nalang masira yung pacemaker ko kapag gumalaw ako."
"Natatakot ako nab aka bigla nalang maubos yung power ng battery na yon at bigla nalang akong matumba."
"Natatakot akong hindi ko magawa lahat ng gusto ko."
Nag long pause muna siya bago siya tumingin sa langit at saka nagpatuloy sa pagkukwento.
"Noong pinanganak ko si Joshua, sobra talaga ang takot ko. Baka yun na ang huling hininga ko. Sino nalang magaala sa kanya?"
Para nanamang kinurot yung puso ko nung sabihin niya yon.
"Pero laking tuwa ko nang matapos ang lahat. Pero ilang saglit lang, bumalik ulit yung takot na nararamdaman ko."
Nakikita ko sa mga mata ni Cassey na gusto niyang umiyak pero pinipigilan niya lang. tulad din ng ginagawa ko ngayon.

YOU ARE READING
Secretly In Love
Romance"Sige na Nathan. Pumayag ka na. Please. Isang gabi lang naman eh." pagmamakaawa ko kay Nathan. Si Nathan lang talaga ang tangi kong paraan. Kung ayaw niyang pumayag ng isang usapan lang, Pwes! idadaan ko siya sa sapilitan.