-Nathan's POV-
Finally! Nakarating din sa pupuntahan. Nasan na ba yung sundo ko? Sabi ni Mr. Gordy -yung secretary ni Lolo- Pag may nakita daw akong magandang babae yun na yon.
Anong klaseng "Ganda" ba ang tinutukoy niya? Para sakin kase iba iba ang klase ng ganda ng mga babae eh.
Meron yung ganda na nakakaakit ng mga lalaki sa isang tingin. Ganda na gawa lang ng make-up. Ganda na hindi maipaliwanag. Haha! Oo meron nun. Ganun kase si Cassey eh. Yung tipong hindi naman siya ganun ka-attractive pero pag nagtagal, dun mo palang makikita yung kagandahan niya. Gets nyo ba? Hayy~ Dibale na nga! Ako lang naman nakakaintindi ng mga pinagsasabi ko eh.
'Oo ikaw lang talaga. May sayad ka kase sa utak eh. Tanga na nga, Baliw pa. WOW!' kontra ng OS ko.
Bwiset ka talaga! Ikaw lang naman ang dahilan kung bakit ako ganito eh! IKAW ANG SAYAD SA UTAK KO! Pwede ba! tigilan mo muna ako kahit isang araw lang.
Tumigil ako sa harap ng maraming tao at sa paglibot ko ng paningin ko, nakita ko na yung sundo ko.
Pft! Patawa talaga 'to si Mr. Gordy eh. Pano ko ba naman hindi malalaman na siya yung sundo ko? Eh yung banner niya pagkalaki laki. Kulang nalang lagyan niya nang kahoy para mukha na siyang nagwewelga.
Nakakatawa naman 'tong babaeng 'to. Pero infairness maganda nga siya ah. Mukha siyang edokada at may pagka-elegante. Kung di lang dahil sa hawak niya aakalain mong brat siya eh.
Nakakatawa rin yung ichura nya ngayon. Yung kanang kamay niya lang ang gamit niya sa paghawak ng banner at yung isang kamay niya ay nakapamewang. Tamad na tamad at bored na bored ang mukha niya at tulala. Mukhang mataray din pala siya. Nakakatakot siyang lapitan. Pero wala naman akong choice. Hindi ko memorize ang daan dito sa States kahit na sabihin mong ilang beses na akong nakapunta dito.
Lumapit ako sa kanya pero hindi siya tumitingin sakin. Malayo ang tingin niya pero ramdam ko na alam niyang nasa harapan niya na ako. Nagubo-ubohan ako para sabihing 'Hello! may tao sa harap mo!'
Nakita kong gumalaw yung mata niya pababa sabay mataray na tumingin sakin. Kakaiba 'to ah! mata lang gumagalaw sa kanya. Hahahaha!
Maya maya ay humarap na siya sakin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa at bumalik ulit sa mukha ko. Whew~ medyo nakakatakot siya.
"Bakit ang tagal mo? Kanina pa ako dito. Ang tagal tagal mong lumabas!" mataray niyang sermon sakin at napanganga naman ako.
Aba! Ako pa sinisi neto. Kasalanan ko bang excited siyang makita ako?
Bago pa ako makapagsalita ay hinatak na niya ako agad palabas ng airport at papunta doon sa kotse niya.
Wow! Parang sya rin yung kotse niya ah. Maganda, mayaman, elegante at mataray. Isang yellow convertible Porsche. Cool!
"Nice." Nalang ang nasabi ko nung makarating kami sa harap ng kotse niya.
"Thanks." Mabilis niyang sagot. Yung tipong automatic na yung bibig niya ng magsasalita kahit wala pang isang Segundong tapos yung sinasabi nung kausap niya. Grabe! Kakaiba talaga 'tong babaeng 'to.
Tahimik lang ako habang nasa biyahe papunta sa kung saan nang biglang magsalita yung babae.
"By the way, I'm Mina. Mina Jung." Pakilala niya. Napatingin ako sa kanya at nakita kong hindi niya inaalis ang tingin niya sa kalsada.
Tinitigan ko muna siya bago ako magsalita. "Er~ Hi." Walang gana kong bati sabay tingin sa kalsada.
Napansin ko sa gilid ng mata ko na tumingin siya sakin pero binalik nya agad sa kalsada.
"You don't remember me?" tanong niya. Agad naman akong napatingin ulit sa kanya at nakita kong medyo nakasmirk siya.
Anong ibig niyang sabihin? Wala naman akong matandaan na nagkita na kami dati. Nagkita na nga ba kami?
"What?" tanong ko rin sa kanya.
Tumingin sya ulit sakin at this time, nagtama na ang paningin namin at mahinhin siyang tumawa.
"Actually, hindi ko rin matandaan ang mukha mo but I remember your name perfectly." Sabi niya nang nakangiti. Sa kalsada na siya ulit nakatingin nung sinabi nya yan.
Napaisip ako. Mina Jung? Hindi ko talaga matandaan.
"Uhm... talaga?" alangan kong tanong.
"Yes!" sagot nya sabay tingin ulit sakin ng nakangiti nung mag red light. "Tantan." Dugtong pa niya.
Napanganga ako sa tinawag niya sakin.
A-Ano daw? Anong tinawag niya sakin? Tantan? Ilang years na rin ang nakakalipas nung huling may tumawag sakin niyan. Tama! Dito yun sa States nung nagbakasyon ako noong 7 years old ako. Yung lagi kong kalaro noon dito ay yung anak na babae ni Uncle Matthew –yung bestfriend ni Daddy. Teka! Don't tell me—
"M- Mimi?!" gulat kong sabi.
"Ting!" sigaw niya. "Correct! You won a prize!" dugtong pa niya sabay lapit sakin pero tumigil siya. "Oh!" sabi niya na parang nagulat. "hehe. Sorry. I forgot, hindi na pala tayo mga bata." Sabay umayos siya ulit ng upo niya. "Ito nalang" sabi niya sabay kiniss niya yung dulo ng daliri niya at dinikit sa pisngi ko.
Gawain kase namin yon eh. Alam niyo naman pag bata. Pero dati kini-kiss niya ako sa pisngi o kaya naman ako yung ki-kiss sa pisngi niya.
Natawa nalang ako sa ginawa niya at ganun din naman siya. Nung mag green light na ay pinaandar na niya ulit yung yellow niyang Porsche.
Naalala ko na. Tinawag ko siyang 'Mimi' at 'Tantan' naman ang tawag niya sakin para shortcut sa maikli naming pangalan. Diba ang arte lang? pareho lang rin namang two syllables. Haha!
Cute na bata si Mimi dati. Hanggang balikat ang medyo wavy niyang buhok. Bilugan ang mga mata at napaka masayahin. Lagi siyang nakatawa sa lahat ng jokes na kahit di naman talaga joke eh tumatawa siya. Baliw din 'tong taong 'to eh.
Pero tulad ng sabi ko kanina, malaki ang pinagbago niya. Yes. Yung appearance niya malaki ang nagbago. Maganda na siya, hindi na siya cute. Mahaba na ang buhok niya at ayos na ayos na halatang nagpa salon. Sumexy rin siya at... err~ obviously, tumangkad. Hahaha!
Pero sa tingin ko, siya parin yung batang makulit dati. Well, medyo may mga nagbago tulad nalang ng pagiging mataray niya kanina. Haha!
Hayy~ mabuti nalang nandito si Mimi. Kahit papano may magaalis ng lungkot at pagkamiss ko kay Cassey.
Naisip ko lang. Siguro ito na ang tamang panahon para gisingin ko ang sarili ko sa isang panaginip na alam kong hinding hindi mangyayari kahit kalian. Sa panaginip kong matututunan rin akong mahalin ni Cassey bilang isang LALAKI at hindi bilang isang BESTFRIEND lang.
Magawa ko kaya yon?
'Huhulaan ko na ang gagawin mo. Itatago mo si Cassey sa kasulok sulukan ng puso mo. At tuluyan nang makalimutan ng utak mo at aakalaing naka move on ka na.
Ito ang sasabihin ko sayo. Ang utak mo nakakalimot. Pero ang puso mo, hindi. Kilalang kilala kita, Nathan. Dahil ikaw ay ako. Tanga!'
Hayy~ okay na sana eh. Pupurihin na sana kita kaso dinagdagan mo pa ng 'Tanga'. Sige na! inaamin ko na. Tanga ako. Isa akong malaking TANGA!
'Ay! Mas tanga ka pala kesa sakin. Hindi na gets yung sinabi ko. Tsk tsk!' sabi ng OS ko sa utak ko.
SHUT UP!
YOU ARE READING
Secretly In Love
Romance"Sige na Nathan. Pumayag ka na. Please. Isang gabi lang naman eh." pagmamakaawa ko kay Nathan. Si Nathan lang talaga ang tangi kong paraan. Kung ayaw niyang pumayag ng isang usapan lang, Pwes! idadaan ko siya sa sapilitan.
