-Cassey's POV-
"Ano? Nasabi mo na?" tanong ni Krystal sakin. Hindi ako sumagot at nanatili lang akong nakayuko. Alam naman na nila ang isasagot ko eh.
Narinig kong nagbuntong hininga ang isa sa mga girl friends ko pero hindi parin ako tumingin.
Summer break na nga pala namin at nandito kame nila Krystal, Jessica, Suzy at kasama namin si Ate Yuna ngayon sa kitchen namin.
Summer break na. meaning, two months na ang nakakalipas mula nung nalaman kong nagdadalang-tao ako. At hanggang ngayon, hindi ko parin nasasabi kay Nathan ang lahat.
*sigh* Natatakot kasi ako eh. Kay Papa palang, takot na takot na ako nung nalaman niyang buntis ako.
=flashback=
"Ako nalang magsasabi kay Papa. Gusto mo?" alok ni Ate Yuna.
"WAG!" mabilis kong sagot.
Naiiyak na ako. Natatakot talaga ako. Baka mapatay ako ni Papa.
"BAHALA KA NGA DYAN!" sigaw ni Ate Yuna at mukhang galit siya. "Tatanga-tanga ka kasi eh! Magpapasarap ka tapos ngayong nabuntis ka, hindi ka magkanda-ugaga kung anong gagawin mo!" sermon pa niya.
At dahil sa sinabi ni Ate Yuna, naluha ako. Ang sakit kase ng mga sinabi niya eh. Tsaka ano yung sinasabi niyang 'nagpasarap'? WALA SIYANG ALAM KAYA HINDI NIYA DAPAT SABIHIN YON! Nakakainis!
"Atsaka bakit ayaw mo bang sabihin kung sino ang walang hiyang lalaking yon? Ha?" puna ni Ate. "Wag mong pagtakpan ang pesteng lalaking yon! Sabihin mo kung sino yon!" utos pa niya pero ayoko talaga sumagot
Alam ko naman kasing kasalanan ko rin eh. Pero hindi ko naman sinasadya yun eh. Sa totoo lang si Nathan ang dapat sisihin dito! Hindi ko nga alam na magkakaganito. Hindi ko nga alam na may pagnanasa pala sakin yung pesteng lalaking yon! Malay ko na?!
'Shunga! Diba ikaw nga 'tong nagpupumilit kay Nathan na mags*x kayo? Kaya wag mong isisi ang lahat kay Nathan dahil ikaw ang nagsimula nito. Gaga!'
NAKAKAINIS!
"AH! Alam ko na kung sino!" sabi ni Ate at agad naman akong napatingin sa kanya. "Nasan na yung lalaking yon?! Sasakalin ko yon eh! Humanda siya saken! Halika, dalhin mo ako sa kanya!" galit nag alit na sabi ni Ate Yuna habang pinipilit akong hilahin pero hindi ako tumatayo.
"Ate..." sabi ko.
Habang pinipilit ako ni Ate Yuna at pinapanuod lang kami nung tatlo ay biglang may pumasok sa kusina at lahat kami ay napatingin.
"Nandito pala kayo." bati ni Papa at agad akong napatayo sa kinauupuan ko. Natahimik din sila Ate at yung tatlo. "Aba! Nandito rin pala ang magagandang dalagitang 'to." Tuloy pa ni Papa ng nakangiti.
"Good afternoon po, Tito" bati nung tatlo.
"Oo nga pala, Anak." Sabi ni Papa sabay tingin sakin. Agad naman akong napalunok at nakaramdam ng takot.
"Ba-bakit po, Pa?" utal kong sabi.
Oh mygahd! Feeling ko hihimatayin ako.
"Nakita ko yung kaibigan mo sa labas kaya pinapasok ko na." Kwento ni Papa mula sa pinto ng kusina.
Medyo nakaramdam ako ng relief pero napakunot yung nook o sa sinabi ni Papa. Napansin ko rin na nagkatinginan sila Ate at yung tatlo.
"Kaibigan ko?" ulit ko. "Sino po?" tanong k okay Papa at sumilip sya sa direksyon ng sala at kinumpas yung kamay doon.
YOU ARE READING
Secretly In Love
Romance"Sige na Nathan. Pumayag ka na. Please. Isang gabi lang naman eh." pagmamakaawa ko kay Nathan. Si Nathan lang talaga ang tangi kong paraan. Kung ayaw niyang pumayag ng isang usapan lang, Pwes! idadaan ko siya sa sapilitan.
