-Andrew's POV-
Nagpapahinga na ako dito ngayon sa kwarto ko habang nagbabasa ng libro nang bigla may kumatok sa pinto ko.
"Bukas yan!" sigaw ko.
"Hey." Bati ni Mina pagpasok niya.
Kagagaling lang namin sa bahay nila Cassey. Inuna ko nang ihatid si Nathan sa bahay niya bago si Cassey. Ang sosyal niya diba? Tsk! Dito ko na pinatuloy si Mina sa bahay ko. Tutal ako lang naman mag-isa dito eh. Tsaka kapatid ko naman siya at ngayon lang kami magkakasama.
"Sup?" tanong ko sa kanya. Pero di parin ako gumalaw sa pwesto ko.
Lumapit si Mina sa kama ko at umupo sa dulo ng kama.
"About Cassey." Sabi niya at napakunot naman ako ng noo.
"What about her?" tanong ko sa kanya.
"Is she really your fiancé?" tanong niya sakin at napangisi ako.
"I already told you that."
"I know. Its just that..." alangan niyang sabi, "Ang weird lang niya." Dugtong niya at di ko napigilang tumawa.
"Weird naman talaga yun eh." Biro ko habang natatawa.
"Hindi. I mean..." sabi niya ulit. "bakit ganun siya? Hindi siya sweet sayo." pagtataka niya at nawala yung ngiti sa mga labi ko.
"Ganun naman talaga yun eh." Malungkot kong sabi.
"What do you mean?" tanong niya.
Panandalian akong natahimik at nagisip.
"Alam mo kasi, Sis..." sabi ko sa kanya ng hindi tumitingin sa kanya. "Napipilitan lang si Cassey na magpakasal sakin." Kwento ko.
"What!?" di makapaniwala niyang sabi.
"It's true." Sabi ko. "Actually, wala siyang sinasabi. Pero ramdam ko." Tuloy ko at saka ako nagbuntong hininga. Natahimik din si Mina na parang nagiisip din siya ng malalim.
"Bakit naman?" tanong niya habang nakayuko. Yung para bang nagaalangan siyang tanungin yon.
Tinitigan ko muna siya habang nilalaro yung mga daliri niya bago ako nagsalita.
"Sa tingin ko, alam mo na." seryoso kong sabi at napatingin naman siya sakin at saka niya kinagat yung labi niya.
Bigla siyang tumawa pero halata namang pilit lang yung tawa niya.
"Pano mo naman nasabi yan, Bro?" tanong niya.
Seryoso ko lang siya ulit na tinitigan at hinintay siyang umamin.
Maya maya biglang nawala yung ngiti niya sa labi at nagbuntong hininga.
"Si Nathan ang real Dad ni Joshua no?" mahina niyang tanong.
"Yeah." Matipid kong sagot at napangiti lang siya.
Nakwento ko na kasi lahat kay Mina ang tungkol kay Cassey eh. Pero wala akong binabanggit about kay Nathan. Kaya nagulat din siya na magkakilala kami. Siya naman, halos lahat ng kinukwento niya –tungkol kay Nathan.
"I knew it. Nung nakita ko si Joshua, akala ko bumalik ako sa pagkabata. Nakita ko ulit yung batang Nathan na kalaro ko dati." Kwento niya.
YOU ARE READING
Secretly In Love
Romance"Sige na Nathan. Pumayag ka na. Please. Isang gabi lang naman eh." pagmamakaawa ko kay Nathan. Si Nathan lang talaga ang tangi kong paraan. Kung ayaw niyang pumayag ng isang usapan lang, Pwes! idadaan ko siya sa sapilitan.
