Chapter 2

74 1 0
                                    

Ano bang ibig sabihin ni Krystal? hindi ko siya maintindihan. "What do you mean?" tanong ko. Ang akala ba nila.... *gasp* baka akala nila... "Wag mong sabihing..." sabi ni Jessica. Oh no! Ano bang iniisip nila? Biglang hinili ako ni Suzy para mapaharap ako sa kanya at sinabing, "OH MY GOD! Cass! Naglilihim ka na samin?" narinig kong sumingap ang dalawa at napansin ko ring lumapit sila na parang meron kaming pinaguusapang sikreto. Uhm.. Kahit meron naman talaga. "Cass! Kelan pa? Sino? Saan?" pag-i-interrogate sakin ni Jessica. OMG! Tama ang iniisip ko! Akala nila nagkaroon na ako ng boyfriend at may nangyari samin at hindi ko sinasabi sa kanila.

Well, I don't remember kung nasabi ko na ba ito. Si Andrew kasi yung tipo ng isang casanova na hindi nagde-date ng mga babaeng....

Virgin pa. So yes. I'm still a virgin. Bata pa kaya ako at hindi pa ako ready for that. Hindi pa nga ako nagkaka boyfriend eh. Oo na! NBSB ako. Pero... uhmm....  siguro kung para kay Andrew... gagawin ko. Hahaha! I'm desperate. Gagawin ko lahat para maging kami ni Andrew. At pag naging kami... hinding hindi ko sa pakakawalan. Pero...

Anong gagawin ko? Ang tunay na problema dito ay... hindi niya ako liligawan- uhm.. or.. sasagutin? HAHA! hanggang hindi nawawala virginity ko. Hanggang pangarap nalang ba ako? napaka saklap naman ng buhay ko. At sa dinami dami ng lalaki sa mundo, kay Andrew Choi pa ako nainlove. 

Ayun. Naipaliwanag ko na nang mabuti ang totoong nangyari AT ang tunay kong feelings for Andrew sa mga kaibigan ko. At ang mga loka! binigyan pa ako ng advice. Ang totoo niyan, ayokong gawin ang sinuggest nila. Hindi ko kayang gawin yon! mga loka talaga yung tatlong yun. hayy~ Pero ang totoo niyan... hindi na maalis sa isip ko yun. Parang gusto kong gawin na ayaw ko. Ang tanong. Papayag kaya siya?

Tahimik kami ni Nathan habang naglalakad  papuntang Bar na pinag-sa-sideline-an namin hanggang sa basagin niya ang katahimikang iyon.

"Ba't ang tahimik mo yata?" mahinang tanong niya sakin. Napatingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin din siya sakin. Ibinaling ko ang tingin ko sa nilalakaran ko bago ngumiti ng kaunti. 'Hayy~ pano ko ba ito sasabihin sa kanya? Natatakot ako baka magalit siya sakin.'

"Sorry." Nagulat ako sa biglaang paghingi ng tawad ni Nathan at agad akong napatingin sa kanya. Wala akong ka-ide-idea kung bakit siya nagso-sorry. "Sinabi sakin ni Ate Luna yung nangyari nung nakaraan." dugtong niya. Medyo naguluhan ako kasi hindi ko alam kung anong part ng gabing yun ang kinuwento sa kanya. Yung pagdami ng tao? yung nangyari sa table nila Andrew? o lahat? "Hindi ko naman kasalanan na biglang dumami ang customers eh. tsaka wala na ako dun nung dumami yun." paliwanag niya na halatang nagui-guilty siya. Ah~ yun pala. "Okay lang, sira." sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya.

'Hayy~ ano ba 'to? bakit ako kinakabahan? feeling ko meron akong nagawang mali kay Nathan kahit wala naman talaga. Uhm.. magagawa palang siguro? hay ano ba?! Hindi ako makatingin ng derecho sa aknya.' 

"Uhm.. sinabi rin sakin ni Ate Luna yung nangyari sayo sa isang customer."

Uh-oh! Pano ko ba sa kanya masasabi yun? Pano ko siya mapapa-payag? "Okay ka lang?" tanong niya sabay haplos sa braso ko. "Okay lang ako. Hindi naman ako nasaktan eh." sagot ko sa kanya. Pakiramdam ko kapag kinausap pa niya ako ng kinausap, mauutal na ako. "Sabihin mo sakin pag nagpunta ulit yun sa Bar ah. humanda sakin-" Sabi niya pero bigla kong pinutol iyon. "Anong gagawin mo kay Andrew?!" pasigaw kong tanong. Nabigla kasi ako sa sinabi ni Nathan. Baka kung anong gawin niya. Edi lalong hindi ko siya mapapa-payag. hayy~

"Andrew?"

Oh no! Ano ba 'tong nasabi ko? "Ah- eh- W-wala- A-ano nga ulit yung sinabi ko?" OMG! ayan na! nauutal na ako!

Secretly In LoveWhere stories live. Discover now