Saturday nanaman. Umaga nanaman. Susuka nanaman. Hayy~ kairita! Sinabihan na ako ni Ate Yuna kahapon na magpa-check up kaya tinawagan niya yung family doctor namin para magpa-appointment. Kaya ngayon, nandito ako sa harap niya.
"Kamusta ang pakiramdam mo, Cass?" tanong niya. "Sabi ni Yuna isang linggo na daw masama ang pakiramdam mo." dugtong pa niya.
"Opo Doc. Simula nung naamoy ko yung Lasagna ni Ate naging ganito na ako." kwento ko.
"Osige, magpa-laboratory ka muna tapos bumalik ka sakin. Okay?" utos niya at sumunod naman ako.
Si Doctora Park yung family doctor namin. Yes. Babae siya. Family friend siya ng parents ni Nathan. Bata palang ako siya na ang nagche-check-up samin pag may sakit kami. Malamang, Doctor siya eh. Hehe! Actually, ilang years na rin nung huli kaming magkita ni Dra. Park. Lagi lang kasi sa phone namin siya kinakausap eh. Pero sa nakikita ko ngayon, hindi parin siya nagbago. Parang hindi siya tumatanda. Maganda parin siya at sweet.
Parang pamilya na rin ang turing namin sa kanya lalo namin ni Ate Yuna. Kase nasasabihan namin siya ng mga personal problem namin. Lalo na yung mga girls' problem. You know.
Tapos na ako magpa-laboratory test at ngayon, hinihintay ko na yung result na hawak na ni Doctora. Pagtapos niyang basahin yung result bigla siyang tumingin sakin. Hindi yung ordinaryong tingin ah. Yung 'anong-nangyari?-bakit-ka-nagkaganyan?' look.
"D-doc. Ano pong result?" kinakabahan kong tanong. "May problema po ba sa puso ko? kailangan bang palitan nanaman yung pacemaker ko?" sunod sunod kong tanong.
Oh nagulat kayo noh? Oo may sakit ako sa puso at yung maliit na battery na yun nalang ang bumubuhay sakin. Kaya hindi ako pwede sa mga machine or gadgets na may signal at nakakahigop ng battery power. Bawal din ako sa mga may magnet. Kaya hindi ako pwede magpa-MRI at CT scan kasi didikit ako doon. HAHAHA! Yun ang sabi nila. Alam nyo yung ginagamit ng mga security guards na metal scanner? pag dumaan ako doon, tutunog yon. HAHA! Funny noh?
4 years old ako nung malaman naming may sakit ako sa puso. Sabi ni Papa namana ko yun sa side ni Mama. Maswerte nga daw si Ate Yuna dahil hindi siya ang nakakuha non eh. 5 years old ako nung operahan ako. Yung totoong family friend nila Nathan yung nag-opera sakin which is cousin ni Dra. Park. At since nasa America sila naninirahan, si Dra. Park yung naging family doctor namin. Tapos nung 15 years old ako, bumalik sila dito para operahan ako at palitan yung pacemaker ko.
"No. Walang problema sa heart mo- err.. well, magkakaron palang." sabi niya at napakunot ako ng noo.
"What do you mean?" tanong ko.
"Cassey..." sabi niya. Kakaloka naman 'to si Dra. Nakakatakot yung tono ng pagtawag niya sa pangalan ko. Ano bang result? Pasuspense pa eh. "You are two weeks pregnant!"
.....
.....
A-Ano daw? I am what?!
Napanganga ako sa sinabi ni Doc. Hindi ko talaga alam kung anong gagawin o sasabihin ko. Parang bigla nalang nag-block yung utak ko.
Think Cassey! Think! Paano ka mabubuntis? Eh wala ka namang boyfriend! Ano ba?!
"D-doc? P-pano po m-mangyayari yon? W-wala naman po akong boyfriend." utal, alangan at nanghihina kong paliwanag.
"Ano bang ginawa mo last two weeks? Saturday or Sunday to be exact. Sinong kasama mo?" tanong niya. Inisip ko mabuti yung mga nangyari nung last two weeks at kung ano ano yung mga ginawa ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/12074240-288-k759666.jpg)
YOU ARE READING
Secretly In Love
Roman d'amour"Sige na Nathan. Pumayag ka na. Please. Isang gabi lang naman eh." pagmamakaawa ko kay Nathan. Si Nathan lang talaga ang tangi kong paraan. Kung ayaw niyang pumayag ng isang usapan lang, Pwes! idadaan ko siya sa sapilitan.