Chapter 18

20 0 0
                                        

-Nathan's POV-

 =five years later=

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Halo-halo. Saya, excitement, kaba, at takot.

Nandito ako ngayon sa airport kasama si Mimi.

San kami pumunta?

Nandito kami sa lugar na pinakamamahal ko.

Sa lugar kung san ako pinanganak.

Sa lugar kung sa ako lumaki.

Sa lugar kung san ko nakilala ang bestfriend ko.

Sa lugar kung san ako natutong magmahal... at nasaktan.

Kaya hindi ako mapakali ngayon. Makikita ko kaya siya? Natatakot ako.

Naaalala niya pa kaya ako?

'Malamang! Limang taon lang kayo di nagkita, kalimot agad?' sabi ng OS ko.

'Shut Up!' sagot ko sa OS ko. Tsk! Eepal pa ee. Seryoso ako nagmo-monologue dito eh.

 Baka bigla nya akong sampalin oras na Makita niya ako. Bakit ko ba kasi ginawa yun sa kanya? Ang tanga ko talaga.

'Tama!' pagsang-ayon sakin ng OS ko. Tsk! Bahala nga sya dyan. Bwiset talaga 'tong OS ko!

Hindi nalang ako magpapakita sa kanya. Mukha naman kasing kinalimutan na niya ako. Hindi naman kase siya nagpaparamdam sakin.

Sa loob ng limang taon, ni hindi man lang niya ako tinawagan. Pag ako ang tumatawag, hindi naman niya ako sinasagot. Nagsesend ako ng messages sa Facebook at e-mail, hindi naman siya nagrereply. Tsk!

Busy siguro siya sa lalaking yon. Badtrip!

Bahala na nga siya!

Oo nga pala.

Kaya nga pala kami nagpunta dito dahil kay Mina.

May Medical Mission kase sila dito. Naisip kong na ring sumama para makapag bakasyon. Tsaka nami-miss ko na rin ang lugar na 'to eh.

Kung iniisip nyong doctor na si Mina, nagkakamali kayo.

Nag-aaral pa siya. Nag-volunteer lang siyang sumama dito. Gusto niya rind aw kase Makita yung kapatid niya eh.

Alam nyo, nacu-curious talaga ako dun sa kapatid niya eh. Iniisip ko kung kapatid niya ba talaga yon o baka boyfriend niya yon, hindi niya lang sinasabi.

Kung mag-usap kase sila ang sweet eh. As in sobra kung maglambingan. Grabe!

Ayaw naman niya ipakilala sakin. O kahit man lang ipakita yung picture. Tsk!

Sa totoo lang, nagseselos ako. Pag magkausap kase sila sa phone, bigla ako nagiging invisible sa paningin ni Mimi. Hindi niya ako pinapansin. Naiinis siya pag naiistorbo ko yung usapan nila. Kaasar diba? Tsk!

"Nasan na ba yung KAPATID mo?" tanong ko kay Mimi at agad naman siyang tumingin sakin ng masama. Napasmirk naman ako sa ginawa niya. "What? Kapatid naman sinabi ko ah." Natatawa kong sabi.

Umiwas na siya ng tingin pero alam kong inis parin siya.

Haha! Ang cute talaga ni Mimi pag naiinis.

"Magpapa-gwapo lang ako ah. Para ma-insecure sakin yung KAPATID mo." Sabi ko kay Mimi at nakita ko siyang tumalikod para itago yung pagpigil niya sa tawa niya.

"Uyy kinikilig." Asar ko sa kanya sabay kiniliti ko siya sa tagiliran niya at agad naming nagreact yung katawan niya.

"Ano ba!?" sigaw niya at halatang pinipigil parin niya yung tawa niya.

Secretly In LoveWhere stories live. Discover now