-Nathan's POV-
Nandito na kami ngayon sa kotse ni Epal. Sya nagda-drive, syempre. Alangan ako? Pero dibale nang ako ang magdrive kesa si Cassey o si Mimi.
Nasa passenger's seat si Mimi. Ayaw kaseng humiwalay ni Joshua kay Cassey kaya kaming tatlo ang nasa backseat.
Ayoko naman sa harap no. maglalakad nalang ako kesa makatabi yung g*gong yon! Mas gugustuhin ko nang nasa likod niya ako (Driver's seat) para masaksak ko siya ng mga matatalim kong tingin. Haha!
Pakiramdam ko, teenager ako ulet. Natutuwa ako kase katabi ko si Cassey. Nakakaramdam ako ng hiya. Hahaha! Baliw na ako!
Pero nasasapawan yun ng inis pag nakikita ko si Epal at pag tinatawag si Cassey ni Joshua ng 'Mommy'. Pft!
Ang sakit sakit talaga ng mga nangyayari ngayon. Parang gusto ko nang bumalik sa US. Tsk! Gusto kong umiyak at mag-wala para lang mawala yung nararamdaman ko ngayon.
Tumingin ako kay Mimi. Meron siyang kausap sa phone. Yung doctor siguro yon na makakasama niya sa medical mission bukas. Nagbabanggit kasi si Mimi ng mga tungkol doon eh.
Si Epal naman, busy sa kalsada. Mabuti naman para mabawasan init ng ulo ko kahit papano.
Palihim ako ulit na tumingin kay Cassey. Nasa gitna namin si Joshua at tahimik niyang nilalaro yung toy car niya. Si Cassey naman, tahimik lang ring nakatingin sa bintana ng kotse.
Ang weird lang. Dati –pag magkasama kami sa kotse, walang tigil yung bibig niya. Ngayon sobrang tahimik niya. Name-miss ko na yung dating Cassey. Yung dating bestfriend ko. Yung dating kami. *sigh*
-Andrew's POV-
Ang awkward ng atmosphere ngayon dito sa kotse ko. Parang may mga sariling mundo. Si Mina, may kausap sa phone. Sa likod –si Joshua lang naririnig ko.
Hindi ako mapakali. Hindi ko mapigilang tumingin sa rareview mirror ko para silpin kung anong ginagawa nila sa likod.
Nakita kong nakatingin lang si Cassey sa labas habang si Nathan naman –nakatingin kay Cassey.
Malungkot yung mga mata niya. Yung para bang ready na siyang umiyak. Akala ko sa loob ng limang taon na kasama niya ang kapatid ko, eh malilimutan na niya si Cassey. Hindi pala. Pero siguro tanggap na niya na hindi pwedeng maging sila ni Cassey.
Oo. Ramdam kong higit pa sa pagiging bestfriend ang gusto ni Nathan para kay Cassey –matagal na. HAH! Halata naman sa kanya eh. Sa kilos palang niya. At napatunayan ko yon nung nalaman kong may nangyari sa kanila ni Cassey.
Pero dahil tanga si Cassey. Hindi niya napapansin yon. kaya hanggang ngayon, takot parin siyang malaman ni Nathan ang lahat. Tss.
Sa totoo lang, naaawa ako kay Nathan. Wala siyang kaalam-alam sa mga nangyayari. Hindi niya alam na anak niya yung nasa tabi niya ngayon.
Pero natatakot din ako. Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari. Natatakot ako na baka sa isang iglap lang, mawala lahat ng pinaghirapan ko. Yung pinaghirapan ko na makuha ang loob ni Cassey. Yung pinaghirapan kong mapa-sakin yung taong mahal ko.
Tanggap ko naman kasing... mapasakin man si Cassey –yung puso naman niya, meron nang ibang nagmamay-ari.
Hayy~ ang tanga ko kasi eh. Dapat nung una palang gumawa na ako ng paraan –nung ako pa yung gusto niya. Dapat nung una palang sineryoso ko na yung nararamdaman ko para kay Cassey. Akala ko kasi mawawala rin yon. akala ko tulad lang rin ng nararamdaman ko sa ibang babae yung nararamdaman ko sa kanya.
"Uncey Nathan..." narinig kong sabi ni Joshua kaya napatingin ako ulit sa rareview mirror ko.
"Hm?" matipid na sagot ni Nathan.

YOU ARE READING
Secretly In Love
Romance"Sige na Nathan. Pumayag ka na. Please. Isang gabi lang naman eh." pagmamakaawa ko kay Nathan. Si Nathan lang talaga ang tangi kong paraan. Kung ayaw niyang pumayag ng isang usapan lang, Pwes! idadaan ko siya sa sapilitan.