-Cassey's POV-
Nagui-guilty ako sa ginagawa ko kay Andrew. Pakiramdam ko, ang sama sama ko. Hayy~ ewan ko ba kung bakit bigla nalang ako nagging ganun sa kanya. Nagsimula yon nung nalaman kong si Nathan ang ama ng dinadala ko. Para bang bigla bigla nalang na ayaw ko na sa kanya.
Para akong tanga.
Naaawa tuloy ako kay Andrew. Todo effort pa naman siya para lang mapasaya niya ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko para maibalik yung nararamdaman ko sa kanya dati. Kaya nga pumayag na akong magpakasal sa kanya eh. Para na rin sa ikabubuti ni Joshua.
Ayokong lumaki ang anak ko nang walang ama.
Handa na sana ako ng mahalin ulit si Andrew kaso bigla namang nagpakita sakin yung pesteng lalaking yun. Peste talaga siya! PESTE! Ginugulo niya ang buhay ko.
Pero... kahit naman papano, namiss ko yung bestfriend kong yun. Hayy~
Nakakainis lang, parang nag-iba na siya. Hindi na niya ako pinapansin. Bahala nga siya.
Naisip ko lang. alam na kaya niya na anak niya si Joshua –kaya ganun ang pakikitungo niya sakin? Natatakot ako. Baka magalit siya sakin kasi hindi ko sinabi sa kanya.
Parang lalo akong natakot na malaman niya. Anong gagawin ko? Ipasabi ko nalang kaya? O sulatan ko kaya siya. O kaya naman ipa-DNA test ko si Joshua tapos ipapa-deliver ko yung result sa kanya.
Hay! Nasisiraan na ako ng ulo!
Nandito na nga pala ako sa hospital –kanina pa.
"Kelan po sila pupunta dito?" tanong ko kay Dra. Park.
Kung naaalala niyo, siya yung doctor na kausap ko dati –at unang unang naka alam na buntis ako.
Malaki talaga ang pasasalamat ko sa kanya kase wala talaga siyang sinabihan about sa pagbubuntis ko. Sakin lang talaga lahat nalaman.
Nagpapasalamat rin ako sa kanya kase siya yung laging nagche-check up sakin –monthly.
At ngayon, nandito ako ulit sa kanya para magpa-check up. Papalitan nanaman daw kase yung pacemaker ko eh.
"Wala pa silang sinasabi eh. Tatawagan nalang kita pag meron ka nang schedule."Sagot niya.
"Ah sige po." Sabi ko at saka ko inayos yung bag ko na nakapatong sa lap ko.
Nung tatayo na sana ako ay bigla akong natigilan at hinarap ulit si Dra. Park.
"Uhm, Doc?" sabi ko at agad naman siyang tumingin sakin. "Magkano po ba ang magpa-" binitin ko muna yung sasabihin ko at tiningnan yung reaction niya at nag-ready na rin sa magiging reaction niya. "DNA test?"
Halata namang nabigla siya sa tanong ko eh. Kase tumaas yung kilay niya.
"DNA test? Bakit?" usisa niya.
"Uhm..wala lang po. Tinatanong ko lang. hehe." Painosente kong sagot. "Er- kalimutan niyo na po yung sinabi ko. Hehe." Dugtong ko pa.
Napansin kong tumaas yung isa niyang kilay kaya napalunok ako ng wala sa oras.
"Natatakot ka bang... baka hindi maniwala si Nathan na anak niya si Joshua?" panghuhula niya.
"Hi-hindi naman po sa ganun. Uhmmm..." kabado kong sagot. "Sige ho, Doc. A-alis na po ako." Sabi ko at dali dali akong tumayo at lumabas ng office niya.
Sa totoo lang. hindi naman yun ang dahilan ko eh. Diba nga nasabi ko na sa inyo kanina. Pero napaisip talaga ako dun sa sinabi ni Dra. Park eh.
Bakit di ko naisip yun dati?
YOU ARE READING
Secretly In Love
Romance"Sige na Nathan. Pumayag ka na. Please. Isang gabi lang naman eh." pagmamakaawa ko kay Nathan. Si Nathan lang talaga ang tangi kong paraan. Kung ayaw niyang pumayag ng isang usapan lang, Pwes! idadaan ko siya sa sapilitan.