Kinabukasan habang naglalakad ako papuntang school ay iniisip ko parin yung usapan namin kagabi ni Nathan.
Oi syempre alam ko naman kung saan ako papunta noh. Nakikita ko naman yung dinadaanan ko. Hehe.
Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako gate ng school namin. May narinig akong tumawag sa pangalan ko pero hindi ko yun pinansin.
Busy ako eh. Busy ako magisip. Hehehe.
Dire-direcho lang ako nang biglang may humila ng braso ko at napaharap sa taong humila sakin. Syempre nagulat ako sa ginawa nung lokong yun. Nakakainis kaya tiningnan ko siya ng masama. Pero biglang nawala rin agad yung init ng ulo ko nung makita kung sino yung humila sakin.
"Andrew. Ikaw pala!" gulat kong sabi sabay ngiti. Yung expression ng mukha niya nakakunot noo at bakas sa mukha niya yung confussion.
"Okay ka lang?" concern niyang tanong sakin. "Kanina pa kita tinatawag pero hindi mo ako pinapansin." kwento niya pa.
"Talaga? Hindi ko naririnig." sabi ko nang nakangiti. Yung ngiting pilit. Hay ewan! Wala kasi ako sa sarili ko ngayong araw eh. Hayy~
Saturday na. YES! naeexcite na ako sa date namin ni Andrew! Nako! 4PM na pala. Magreready na ako. Ano kayang susuotin ko? Binuksan ko yung closet ko at naghanap ng magandang damit.
Alam niyo ba? simula yung araw- ay hindi pala... simula nung GABING natarayan ko sa text si Nathan hanggang ngayon hindi ko parin siya nakikita. Oo. As in. Tina-try ko nga siyang tawagan pero sasabihin niya lang busy daw siya, mamaya nalang tumawag. Edi ginagawa ko naman kaso sasabihin niya lang 'Okay lang' 'Sige na, mamaya nalang busy pa ako eh' Tapos pinuntahan ko siya sa bahay nila nung isang araw, sabi nung katulong nila wala daw siya doon. HMP! Nakakainis! Bahala nga siya sa buhay niya. Pft!
Pero sisiguruhin kong AKO ang maghahatid sa kanya sa airport pag alis niya. Mami-miss ko rin naman yun kahit madalas niya akong iniinis these days. Ramdam ko rin naman na pag iniinis niya ako, way niya yun para sabihing mami-miss niya rin ako. Kaya hinahayaan ko lang siya- ay hindi pala. Kasi pinapatulan ko rin siya eh. AHAHAHAHA!
Teka! kelan nga pala ulit ang alis ng pesteng yun? Hay! dibale na nga. tatanungin ko nalang siya mamaya. O kaya si Ate Luna nalang kung sakaling di siya sumagot. Kasama ko kasi siyang maghahatid kay Nathan eh.
Si Ate Luna na rin yung tumayong nakakatandang kapatid namin ni Nathan. Siya ang nagaalaga samin pag busy yung parents namin.
Nailabas ko na lahat ng damit ko sa closet ko pero wala akong makitang maayos na damit. Hayy~ Ano ba yan?!
Dali dali akong lumabas ng kwarto para hanapin ang kapatid ko. Oo may kapatid ako. Kasing ganda ko rin siya. Haha! xD
"Ate! Ate Yuna!" tawag ko sa maganda kong kapatid habang hinahanap sa buong 2nd floor ng bahay pero wala siya kaya bumaba ako.
Pagbaba ko ng hagdan, agad akong may nalanghap na kung anong masangsang na amoy.
"Eww! Ano yon?" tanong ko sa sarili ko habang takip sa ilong ko.
Dumerecho ako sa kusina kahit alam kong doon nanggagaling yung nakakasukang amoy na yun dahil alam kong nandun siya. Mahilig kasi magluto yon eh. Frustrated Chef ang maganda kong sister na kamukhang kamukha ko. Pero magkaiba kami ng gusto sa buhay. HAHA!
Nakita ko doon si Ate Yuna na nakaharap sa oven.
"Ano yan, 'Te?" sabi ko sa kanya at agad naman siyang humarap sakin hawak ang isang lalagyanan ng Lasagna.
YOU ARE READING
Secretly In Love
Romance"Sige na Nathan. Pumayag ka na. Please. Isang gabi lang naman eh." pagmamakaawa ko kay Nathan. Si Nathan lang talaga ang tangi kong paraan. Kung ayaw niyang pumayag ng isang usapan lang, Pwes! idadaan ko siya sa sapilitan.
