Chapter 4-Cole the Broken Hearted
Bryan's POV
It was past 2:00 AM when we finally reached Manila. Pare-parehas na kaming pagod. All we wanted to do is to lie down and sleep pero pare-parehas din na hindi kami makatulog dahil pre-occupied ang mga utak namin sa mga nangyari sa araw na ito.
Yesterday after I left home, nagpunta kami agad nina Cole, Claive at Blaise sa Isabela para hanapin si Jenny, Cole's girlfriend, high school classmate namin. May nakapag-tip sa amin na nakita raw si Jenny doon kasama ni Jack na high school classmate din namin. Doon kasi ang province nila Jack.
And after our very long searching na inabot na hanggang kaninang hapon ay nakita rin namin finally si Jenny. Nandoon, sa bahay nila Jack! Pinagtanung-tanong pa namin sa mga kapit-bahay at nalaman namin na the whole summer vacation ay magkasama na ang dalawa and they've been living together since then. Kaya pala kapag sinasabi ni Cole kay Jenny na pupuntahan niya ito sa Canada para dalawin—dahil iyon ang paalam ni Jenny sa kanya, magbabakasyon daw sa Canada—ay kung anu-anong mga dahilan ang sinasabi nito.
At nang mapagbuksan kami ng pinto ni Jenny mismo, nagulat siya pero ni hindi man lang itinanggi ang katotohanan na nagli-live in na sila ni Jack. She even had the guts to tell Cole that she was sorry dahil pinilit lang daw niyang mahalin ito, pero ang totoo ay gusto lang palang pagselosin si Jack! The eff! Damn her to the deepest part of the earth!
Now look at him, he never uttered even a single word since we left that province. Kanina pa siya tulala. This is actually his car pero basta na lang niyang inihagis ang susi kay Blaise right after he heard what Jenny had said.
Actually, we've been warning him na tigilan na ang kahibangan niya kay Jenny dahil alam naman namin na hindi maganda ang personality nito. She's one of the school's bitches. We knew that she's just using him to gain popularity in school. Pero seryoso talaga si Cole sa kanya. He even said na naniniwala raw siya na mahal din siya ni Jenny at alam niyang magbabago rin ito sa pagdaan ng mga araw. Hinayaan ko na lang siya. Ayoko siyang masaktan, but in this life, I learned na kailangan mo rin ang masaktan paminsan-minsan para magising at matuto ka sa mga katangahan mo.
I sighed deeply at napasubsob sa mga palad ko. I gritted my teeth. This can't be happening again! No! I would not allow this thing to happen again.
"Damn! Magsalita nga kayo. Inaantok na 'ko. Baka mabangga tayo eh," Blaise said as he drove, breaking the awkward silence. Magkatabi sila ni Claive sa harap.
"I was right. Sabi ko naman sa inyo matagal ko nang napapansin na parang merong something sa dalawa na 'yon, di ba? Bigla na lang kasi silang nagging super close," di na rin napigilan na sabi ni Claive.
"Pucha! Gustung-gusto ko na talagang sapakin si Jack at Jenny kanina. Nanginginig na kamay ko sa sobrang galit eh," sabi ulit ni Blaise.
"Ako rin eh, I wanted to punch them both!" sabi ulit ni Claive.
"Lul! Lokohin mo lelang mo, Claive! Alam ko naman na mas gugustuhin mo pang panoorin na lang akong makipagbugbugan kesa sa magasgasan ang pagkakinis-kinis mong kamao at mukha," natatawang sabi ni Blaise.
"Bull! Gusto mong matikman ang kamao ko ngayon din?!" gigil na sabi ni Claive.
"Haha! Siguraduhin mo lang na tatamaan ako eh napakahinhin mo pa naman sumuntok." Lumakas pa lalo ang tawa ni Blaise.
Gigil na sinuntok nga ni Claive si Blaise sa braso kaya nahigit nito bigla ang manibela at gumewang sila.
"Pucha! Tumigil nga kayong dalawa! Ayoko pang sumunod sa Daddy ko!" bwelta ko sa kanila.
"Dude, malapit na tayo sa bahay n'yo. Doon na lang tayo tumuloy. Pagod na talaga ako." Sa wakas, nagsalita na rin itong katabi ko.
Wala na rin naman bago roon. Madalas naman magkakasama kaming natutulog lalo na pagkatapos ng mga gig namin sa bar na pag-aari nila Claive. Meron naman akong sariling condo pero simula nang nawala si Daddy eh nag-decide ako na tumira ulit sa bahay namin dahil ayokong walang kasama sina Mommy at Kyle sa bahay.
Pero parang ayoko pang umuwi sa bahay namin knowing that SHE is there living with us. I don't want to see her again. Nakakainis pero masakit ang katotohanan na WALA AKONG MAGAWA para IWASAN SIYA!
Shanelle's POV
Kanina pa ako paikot-ikot dito sa kama pero madaling araw na eh 'di pa rin ako makatulog. Simula nang dumating ako kahapon eh pinepeste na talaga ako ng jet lag na 'to. Kahapon nga 5:00 AM na yata ako nakatulog. Sabi naman ni Auntie okay lang daw na matulog ako hanggang hapon dahil alam niyang may jet lag pa ako.
Hindi rin naman ako naglala-labas ng kwarto ko dahil ayokong makita si Mikylan. Ang sama-sama talaga niyang tumingin sa akin. Manang-mana talaga siya sa kuya niyang masungit.
And speaking of Bryan, hindi pa rin siya umuuwi simula noong umalis siya kahapon. At simula pa rin kahapon ay hindi siya nawawala sa isip ko. Naiinis na nga ako dahil ayoko siyang isipin. Nabubuwisit ako sa kanya. Pero kahit na i-divert ko ang isip ko sa ibang bagay eh bumabalik pa rin siya sa isip ko.
Sobrang laki na ng ipinagbago niya. Dati sobrang sweet at thoughtful niya sa akin. Lagi rin nasa akin ang attention niya. Ayaw nga niyang lumilipas ang isang araw na hindi ako nakikita kaya pati section namin sa school eh pareho rin. At hindi rin lumilipas ang isang araw na wala siyang ibibigay sa akin kahit na simpleng candy lang or note saying "You're so pretty today". That time kinikilig ako pag gano'n siya kalambing sa akin. Lagi kasi niyang ipinaparamdam sa akin na ako ang prinsesa niya.
Malungkot akong napangiti. Ngayon nawala na ang bestfriend ko na 'yon. Napalitan siya ng isang taong matigas ang kalooban, masungit, at walang emosyon. He became cold and distant. Pakiramdam ko pa nga parang galit siya sa akin. At sa totoo lang, nasasaktan ako tuwing tumitingin siya sa akin na parang wala man lang siyang pakialam sa akin. Hindi kasi ako sanay na gano'n ang trato niya sa akin.
May narinig akong sasakyan na pumasok sa bakuran. I got up immediately and went to the window. For sure si Bryan na 'yong dumating. Sumilip ako sa pagitan ng mga kurtina. Huminto iyon sa harap ng bahay pero hindi iyon ang kotse na ginamit niyang pansundo sa akin sa airport kahapon. Halos magkakasabay na bumukas ang apat na pinto ng kotse at lumabas ang apat din na lalaki. Medyo malayo kaya hindi ko masyadong makita pero isang tingin pa lang alam ko na kung sino si Bryan sa kanila.
Napahawak ako sa dibdib ko at dinama ang pendant ng necklace sa loob ng pantulog ko. This was his last gift to me on my 10th birthday before we migrated to US. Never kong inalis ito sa katawan ko dahil sobrang importante nito para sa akin. For me, this symbolizes na kahit gaano pa kami kalayo sa isa't-isa, at kahit gaano pa kami katagal na magkahiwalay, still, someday we are going to see each other again.
Pero hindi na yata maibabalik pa ulit 'yong dati naming samahan. Hindi na yata maibabalik pa 'yong tao na minahal ko at pinahalagahan simula pa noong magkaisip ako. I took a deep breath. Ano ba ang nangyari sa loob ng walong taon na 'yon na nagpabago sa dating bestfriend ko?
Namalayan ko na lang na tumutulo na pala ang mga luha ko kasabay ng pagyugyog ng mga balikat ko. Miss na miss na kita, Bryee ko.
Bumalik na ako sa kama at humiga. Doon ako nag-iiyak when I finally realized how much I missed him. Ilang oras pa kong gano'n na si Bryan lang ang naiisip ko. Hanggang sa namalayan ko na lang na lumiliwanag na sa loob ng kwarto ko. Tumingin ako sa labas ng bintana, unti-unti nang lumiliwanag ang kalangitan. I felt my eyes dropping. Hanggang sa hindi ko na alam kung ano pa ang mga sumunod na nangyari. Finally, sleep had mercy on me.
****************
02.23.17
BINABASA MO ANG
Relationship Status: Married but It's Complicated (complete)
JugendliteraturI wrote this story 4 years ago during the time na wholesome pa yung utak ko at puro teen fictions pa lang yung binabasa ko rito sa watty. Hahaha! Kaya ito po ay teen fiction. Naisipan ko lang i-upload dito para di naman masayang yung effort ko sa ka...