Chapter 17-Secrets Uncovered
Claive's POV
Nakakarami na ng inom si Bryan pero ayaw pa rin tumigil. Nandito sila ni Cole sa bar ko. Si Blaise? Pakialam ko sa kumag na 'yon na walang gustong gawin kundi sirain ang araw ko.
"Tingin mo naglalasing siya dahil kay Shane? I mean when he kissed Shane in the caf?" pabulong na tanong ko kay Cole para hindi marinig ni Bryan.
Cole shrugged. "Maybe."
"Malakas talaga ang pakiramdam ko na may gusto siya kay Shane eh. But if that's the case, bakit pinipigilan niya ang sarili niya? Bakit ang harsh ng treatment niya kay Shane?"
Cole shrugged again. "I don't know."
"Pucha naman, Dude! Wala kang kwentang kausap, alam mo 'yon?"
He just smirked bago uminom sa bote ng beer niya. Napailing na lang ako bago tumayo at iniwan silang dalawa. Hindi pa man ako nakakalayo ay may nabangga akong tao na palapit sa bar counter.
"Dammit!" mahinang mura n'ong nabangga ko.
"Sorry," I said while turning to that person. And my eyes widened when I recognized her. "You again!"
The girl smirked. "Hobby mo talaga ang mambunggo 'no? Kung may gusto ka talaga sa akin, sabihin mo na lang, hindi 'yong uulitin mo pa ang style mong bulok naman."
What the eff! Ano raw? Ako, may gusto sa kanya? Hindi lang pala masungit ang malditang babae na 'to kundi bastos at mahangin pa. Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa at nandilat talaga ang mga mata ko nang mapagmasdan siya. That uniform...
"You're working here?" gulat na tanong ko sa kanya. Kaya naman pala familiar siya sa akin.
"Hindi ba obvious? Bar mo 'to, right? So bakit kailangang magtanong ka pa, SIR?" she uttered the word sir sarcastically.
What the fuck! Sa lahat ng empleyado ko, siya pa lang ang nakakagawang kausapin ako ng ganyan. No! Scratch that! Sa lahat ng mga babaeng nakilala ko, siya lang ang nakakabara at nakakabasag sa akin ng ganyan. At pag kausap ko ang babae na 'to, bakit nararamdaman ko na parang ang tanga-tanga ko? Siya lang ang kayang magparamdam sa akin na tanga ako. Puchang babae 'to! Hindi man lang natakot sa akin noon sa Org eh alam naman pala niya na boss niya ako dito sa bar.
Naningkit ang mga mata ko. "Gusto mo ba'ng mawalan ng trabaho?" I said with gritted teeth.
She smirked. "Nakakita ka na ba ng isang empleyado na gustong mawalan ng trabaho?"
Damn you! Nanggigigil na ako! "Bastos ka talaga 'no?" I snarled.
She gave me a boring look. "Oo nga eh. Sabi nga ng tatay ko bastos daw ako kaya matagal ko nang alam 'yan. No need to remind me about that."
I clenched my fists. "Alam mo, kung pwede lang manapak ng babae, kanina ko pa ginawa sa 'yo."
She smirked bitterly. "Pwedeng-pwede naman ah.'Yan lang naman ang alam n'yong gawin na mga lalaki, ang manakit ng mga babae," sabi niya bago lumapit sa bar counter.
Baliw! Problema niya? Kahit sino pang babae 'yan, hinding-hindi ko magagawa na manakit ng babae physically dahil may nanay ako at isang kapatid na babae. Tindi ng hugot non ah. Hindi kaya binubugbog siya ng boyfriend niya? Teka nga! Eh ano naman ang pakialam ko dun!
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
Cole's POV
"Dude, marami ka nang naiinom," sabi ko kay Bryan. "Ihahatid na kita. Dadating na si Auntie Maggie bukas ng umaga. Kailangan ka niyang datnan sa bahay. Besides, walang kasama si Kyle sa bahay."
BINABASA MO ANG
Relationship Status: Married but It's Complicated (complete)
Novela JuvenilI wrote this story 4 years ago during the time na wholesome pa yung utak ko at puro teen fictions pa lang yung binabasa ko rito sa watty. Hahaha! Kaya ito po ay teen fiction. Naisipan ko lang i-upload dito para di naman masayang yung effort ko sa ka...