Chapter 56

16.3K 315 34
                                    

Chapter 56-Craving for You

Bryan's POV

Pagkapasok ko pa lang ng pinto ng bedroom namin ay nakita ko na agad si Shane na umupo mula sa pagkakabaluktot niya sa kama. Nilapitan ko siya agad.

"I told you not to cry anymore, right?" Sabi ko sa kanya pagkaupo ko sa gilid ng kama.

Yumakap agad siya sa leeg ko at doon nag-iiyak. I wrapped my arms around her body. Ang sarap lang sa pakiramdam iyong tuwing umuuwi ka ng bahay tapos palaging yakap ng asawa mo ang sasalubong sa 'yo. Napangiti ako.

"Shanee, stop crying na, okay?" sabi ko habang hinihimas-himas ang likod niya. "Alam mo naman 'di ba na kung ano ang nararamdaman ng nanay, iyon din ang nararamdaman ng baby sa tummy niya?"

She pulled herself back a little to look at me, still sniffing, cheeks wet with tears. "'De alam ni baby na sobrang happy ako ngayon kasi nandito ka na sa tabi namin. Sobrang miss na kita, Bryee." At nagsimula na naman siyang umiyak.

Sh*t! Kinikilig na naman ako. This was the reason kung bakit kahit na nawala siya sa buhay ko for eight years ay hindi ko man lang nagawang tumingin sa ibang babae. She's one of a kind. She's like a rare diamond for me. Siya lang ang kayang pasayahin ako kahit na wala pa siyang ginagawa dahil makita ko pa lang ang mukha niya ay kumpleto na ang buong araw ko. Kayang-kaya niya akong pangitiin kahit sa mga pinakasimpleng bagay na ginagawa niya.

Malawak ang ngiti na niyakap ko siya. "Sobrang miss na din po kita." I caressed her back gently for a while then I gently pushed her. "I'll just take a quick shower para makatulog na tayo, okay?"

Tumango naman siya. Pinunasan ko ulit ang mga luha sa pisngi niya bago ko siya hinalikan sa noo. I smiled at her. "I love you, Shanee." I whispered.

Finally she flashed her very beautiful smile. "Love you too, Bryee."

I shook my head and ruffled her hair bago nagmamadaling pumasok sa banyo. As a promise, I just took a quick shower at mabilis na tumabi sa kanya sa kama. Pagpasok ko pa lang sa kumot ay yumakap na agad siya sa akin and buried her face on my chest. Niyapos ko rin ang mga braso ko sa kanya.

"Bryee, sorry..." she said after a long while.

I frowned and gently pulled back to look at her. "Sorry for what? Lagi ka na lang nagso-sorry kahit wala ka namang kasalanan."

"Nahihirapan ka na dahil sa 'kin." Mahinang sabi niya.

"Who told you that?"

"Kahit walang magsabi, nakikita kong nahihirapan ka na. I'm too much to handle, right?" Nangingilid na naman ang mga luha sa mga mata niya.

"Ano ka ba? Why are you even thinking about those things? Wala akong pakialam kahit na palagi mo pa akong sungitan or iyakan or kahit paghanapin mo pa ako ng pineapple na bilog. Mahal na mahal kita kaya kahit na mga imposibleng bagay gagawan ko ng paraan para makuha ko at maiibigay sa 'yo dahil gusto ko palagi kang masaya."

I saw a tear rolled down from her eye. "Alam mo bang ako ang pinaka swerteng babae sa buong mundo dahil ikaw ang asawa ko?"

"Nope." I smirked. "Dahil ako ang pinaka swerteng lalaki sa buong mundo dahil ikaw ang asawa ko."

Ngumiti na naman siya. And this time sobrang laki n'on at nagulat pa ako nang bigla niya akong itinulak pahiga at dumapa sa katawan ko. Nanlaki ang mga mata ko nang ilapit niya ang mukha pababa sa akin. Napapamura ako sa isip ko dahil naaapektuhan na ako sa ginagawa niya. Napapikit na ako nang ibaba pa niya ng husto ang mukha niya sa akin. F*ck! Ngayon lang siya naging ganito ka-aggressive sa akin.

Relationship Status: Married but It's Complicated (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon