Demo, interview, at exam ko na bukas! Waaaaaaah! Isama n'yo po ako sa mga dasal n'yo. Kailangan nang magkatrabaho ng author n'yo dahil marami na akong mga utang. Haha! Maraming salamat!
-AaliyahLee ( ^ . −) ~~♥
Chapter 37-Developing and Falling Relationships
Shanelle's POV
"Let's go! We're gonna be late already!" Naiinis na sabi ni Mickey sa akin. Pangalawang pasok na niya ngayon sa dining room.
Napatingin ako sa kanya. Ang sama ng tingin niya sa akin. I just smiled at him. Mickey will always be Mickey. Pero kahit naman sinusungitan pa rin niya ako palagi, siya pa rin ang palagi kong nakakasama at nakakaramay dito sa bahay. There was a time pa nga, dahil sa sobrang frustration ko sa kuya niya ay parang bata na lang akong nag-iiyak sa harap niya at nagsumbong sa mga nararanasan kong hirap dahil kay Bryan. Nagulat pa nga ako kasi bigla ba naman akong niyakap. Ang guess what he said to me?
"If only we're of the same age, I'd steal you from Bryan."
Imagine that? Sinabi talaga niya sa akin 'yon! Buti pa siya, kahit masungit sa akin minsan ay nararamdaman ko naman na concern siya sa akin.
"You've been eating there for ages already! Aren't you getting full? You're getting fatter everyday!" he shouted at me.
Napanguso ako bago dinampot ang isang sandwich sa dining table. Hindi naman ako mataba ah. "Coming, Your Highness." Sumabay na ako sa paglakad niya papunta sa naghihintay na kotse. Ihahatid kami ni Kuya Stan sa school.
It's been more than a month since the incident between me and Bryan happened. At simula noon, never na talaga kami nag-usap. Parehas kaming nag-iiwasan. Nasasaktan pa rin ako but I'm trying to deal with it. Wala naman na akong magagawa di ba?
Nagkausap na rin naman sila ni Auntie...I mean, ni Mommy. Pero alam kong may awkwardness pa rin sa pagitan nilang dalawa. For the past month, halos hindi umuuwi si Mommy Magz dito sa Pilipinas. Inaasikaso kasi niya ang expansion ng SITC sa Europe kaya napaka-busy niya. Magtatayo kasi ng branches sa London at Paris. Although katulong na niya ngayon si Daddy at Mommy. Kaya nga lang, doon lang sila sa California naka-base since hindi pa rin pwede kay Daddy ang ma-stress ng sobra sa trabaho. At dahil si Mommy Magz ang capable na mag-travel, siya ang palaging palipat-lipat ng mga bansa.
Dito naman sa SICT Philippines ay si Bryan ang ginawa niyang in-charge. Madalas tuloy ay absent si Bryan sa school dahil sa kanya natambak ang mga trabahong naiwan ni Auntie. Although madali naman siyang nakakabawi sa mga school works and activities. Sobrang talino niya eh. Wala na kami magagawa do'n. Hindi na rin siya umuuwi rito sa bahay. Sabi ni Cole, palagi raw sa condo niya nag-i-stay. Hindi ko alam kung ginagawa ba niya iyon dahil sa trabaho o dahil gusto niya lang akong iwasan. Pag nagkakasalubong kasi kami sa school parang hindi kami magkakilala dahil hindi man lang niya ako tinitingnan. Kami lang yata ang mag-asawa na ganoon. Sobrang hirap talaga.
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
(Cafeteria, During Lunch)
"Kawawa naman 'yong mga puno." Malungkot na sabi ni Blaise habang nakatingin sa labas ng bintana. "Basta na lang nila pinutol. Hindi ba sila naawa? Hindi ba nila alam na puno ang nagpapaganda ng kapaligiran natin. Puno rin ang dahilan kung bakit may nilalanghap pa tayong hangin. Paano na lang ang mga ibon, saan na sila titira? Paano kung bumaha? Wala nang sisipsip sa tubig. Mamamatay na tayo."
-.-"? ← ako, Arez, Kameryn, Ace, Cole, Claive, Alyanna.
Tumango-tango si Haley sa tabi niya, nakatingin din sa labas ng bintana. "Tama ka diyan, babe. Dapat i-demanda sila for illegal logging dahil sa ginagawa nila."
BINABASA MO ANG
Relationship Status: Married but It's Complicated (complete)
Teen FictionI wrote this story 4 years ago during the time na wholesome pa yung utak ko at puro teen fictions pa lang yung binabasa ko rito sa watty. Hahaha! Kaya ito po ay teen fiction. Naisipan ko lang i-upload dito para di naman masayang yung effort ko sa ka...