Note: Sorry sa paghihintay. Lumuwas po kasi ako sa QC eh. Kakauwi ko lang. Enjoy reading!
Chapter 41-Guilt Stricken
Bryan's POV
"Will you stop fidgeting, man? She will forgive you, okay?" sabi ni Cole habang papasok kami ng front door ng bahay namin.
"It's easy for you to say that. Hindi naman ikaw ang may kasalanan sa kanya."
"Aaaaaaaaaahhhhhhhhhhh!"
Sabay pa kaming nagkatinginan nang makarinig kami ng sigaw galing sa taas ng bahay.
My eyes widen. "Shane..." I whispered bago namin mabilis na tinakbo ang hagdan paakyat sa taas ng bahay. We quickly ran towards Shanelle's bedroom. Hindi ko pa man nabubuksan ang pinto ng kwarto niya ay rinig na rinig ko na ang pag-iyak niya pati ang mga impit na sigaw like she was in deep pain.
"Shane!" I called her as I open her bedroom door. I saw her writhing in pain on the top of her bed. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. I can't even move my feet to go to her. Pakiramdam ko para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig habang may nag-iisang tanong na paulit-ulit na naglalaro sa isip ko—what's happening to her?
"Dammit, Bryan! This isn't the time para matulala ka diyan!"
Noon lang ako parang natauhan after hearing Cole screaming at me.
"She's losing blood. Ihahanda ko iyong kotse. Let's bring her to the hospital." Patakbo siyang lumabas ng kwarto.
Mabilis akong napalapit sa kama. I was panicking at hindi ko alam kung ano ang una kong dapat gawin. I was looking at her while she was crying and biting her lip so hard. Another scream came from her made me move.
Mabilis ko siyang kinarga at ibinaba ng bahay. Paglabas namin ay nakita kong naghihintay na si Cole sa labas ng kotse niya. Tinulungan niya kaming makasakay sa backseat bago mabilis na pinaharurot ang kotse. Ngayon niya yata talaga nagamit ang pagiging racer niya dahil sa sobrang bilis ng pagda-drive niya.
"Bryan..." Shane uttered in a weak voice.
Noon ko lang siya nagawang tingnan kahit na kanina pa siya nasa mga braso ko dahil kinakain ako ng matinding guilt. Pakiramdam ko ay kasalanan ko kung bakit nangyayari ito sa kanya ngayon.
Her face was so pale already. Naghalo na ang pawis at mga luha sa mukha niya. I wiped her face using my hand. "You'll be fine, baby. You'll be fine." I whispered, trying to comfort her.
"I'm sorry..." she whispered while tears were streaming down her face.
"Sssshhhh... No, please don't say that." I caressed her face and planted a soft kiss on her forehead. Nagsimula na rin tumulo ang mga luha ko. I should be the one telling her those words but before I could say sorry to her ay unti-unti nang pumikit ang mga mata niya. My mind began to panic again. I patted her cheek, trying to wake her up. "Shane! Shane, wake up! Please, baby wake up! Dammit!" I close my eyes tightly. Napahawak na lang ako sa noo ko. Tuluyan na siyang nawalan ng malay.
That was the time when Cole stopped the car in front of the hospital. Sinalubong kami agad ng mga hospital personnel. Halos ayaw ko pang pakawalan si Shane sa mga braso ko pero napilitan din akong ibaba siya sa stretcher na naghihintay. Pagdating sa ER ay hinarang na kami ng isang nurse.
Hinang-hina akong napaupo sa waiting chair sa gilid ng hallway. I was staring at Shanelle's bloodstains on my arms, hands, and even on my clothes. I tightly clenched my fists hanggang sa halos bumaon na ang mga kuko ko sa mga palad ko.
Cole patted my back after he sat down beside me. "She'll be fine. Don't worry."
"Kapag may nangyaring masama sa kanya, hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko, Cole." Naihilamos ko ang mga palad ko sa mukha ko. Kalalaki kong tao pero heto ako at umiiyak sa harap ng bestfriend ko.
BINABASA MO ANG
Relationship Status: Married but It's Complicated (complete)
Teen FictionI wrote this story 4 years ago during the time na wholesome pa yung utak ko at puro teen fictions pa lang yung binabasa ko rito sa watty. Hahaha! Kaya ito po ay teen fiction. Naisipan ko lang i-upload dito para di naman masayang yung effort ko sa ka...