Chapter 38

18.3K 381 27
                                    

Note: Emo akong tao kaya maraming salamat po sa inyong lahat na nagbabasa, bumoboto, at nagko-comment sa stories ko dahil kahit hindi naman ako sikat na author, I really appreciate you, guys, for giving my stories a chance to be read. Konti lang ang followers ko, konti ang readers ko pero hindi naging reason yun para suportahan n'yo ako at i-try na basahin ang stories ko. Hindi ko po alam kung gaano ko ie-express yung pasasalamat ko sa inyo kasi minsan naiiyak ako dahil may nagkakagusto pala sa mga ginagawa ko. Sobrang touched po ako sa inyo na mga sumusuporta sa akin at hindi po ako iniiwan kahit alam kong marami nang nang-iwan sa akin sa ere at tinigilan nang basahin itong story ni Lance at Zanny. Hahahaha!

-AaliyahLee ( ^ . −) ~~♥  Chapter 38-Felice and Nick

Shanelle's POV

"Laki ng ngiti mo ah!" sabi ni Kameryn sa akin pagpasok niya sa classroom namin. Ako pa lang ang nandito sa aming magkakaibigan at ngayon nga ay dalawa na kami.

"Dadating na sila Daddy bukas." Masayang sabi ko sa kanya. Magkakaroon kasi ng party ang SITC sa Saturday for a very successful business expansion in Europe. Ganoon na lang ang tuwa ko nang dumating si Mommy Magz last night at sinabing dadating sila Mommy at Daddy.

"Sa'n si Arez?" takang tanong ko sa kanya?

She shrugged. "Isinama ni Daddy sa Ilocos kanina. Business as usual." Napatingin siya sa pinto nang pumasok si Cole pero yumuko lang siya sa hawak na cellphone saka nagbukas ng Facebook account niya.

One week nang ganito si Kameryn. Hindi niya pinapansin si Cole. Nahahalata naman yata ni Cole iyon kaya dumidistansiya din sa kanya. Although nagbabatian naman din sila minsan pero halatang may awkwardness between them. She's always smiling and laughing with us pero wala ang dating spark ng mga mata niya. Hindi na rin sila madalas magkasama ni Ace. I tried to ask her what happened pero naisip ko na magsasabi naman siya kapag kailangan na niya.

After our last subject for the day, sinundo ako ni Kuya Stan. Pagdating sa bahay ay may nakita akong isang malaking maleta na ipinapasok ng isang maid. Kanino iyon? Don't tell me dumating na sila Mommy at Daddy? Pero ang alam ko sa hotel sila tutuloy eh.

Napangiti ako at excited na pumasok sa loob ng bahay pero imbes na sila Daddy ang makita ko ay para akong ipinako sa kinatatayuan ko nang makita kong may isang babae na kausap si Bryan sa living area. They were laughing together, one thing na hindi ko pa nakikitang ginawa ni Bryan since I came back here.

Siya na ba iyong sinasabi ni Arez dati na girlfriend daw ni Bryan? As I saw Bryan looked at her eyes with adoration, I felt like my heart was tearing apart. Nagseselos ako, nasasaktan ako. Akala ko nagawa ko nang patigasin ang loob ko against him para hindi na ako nasasaktan palagi tuwing nakikita siya. But seeing him laughing his heart out with another girl really crushed my heart again into pieces. Hanggang kailan pa ba ako masasaktan dahil sa kanya?

"Hi there!" nakangiting bati sa akin noong babae. I was too caught up with my breaking heart, hindi ko na namalayan na nakatingin na pala sila sa akin.

I forced to smile at the girl beside Bryan. "Hi." Tipid na sabi ko naman habang iwas na iwas akong mapatingin kay Bryan. Nanginginig na ang katawan ko. Dahil sa galit? Dahil sa selos? Dahil sa sakit? Hindi ko alam.

Tumingin iyong babae kay Bryan. "Who is she? I never thought na nakikipagkaibigan ka na sa ibang mga babae ngayon." She laughed a little.

Nakita kong bigla na naman sumeryoso ang mukha ni Bryan. "She's Shanelle."

"Oh..." and recognition flashed her beautiful eyes. She returned her gaze to me. "The bestfriend huh."

Bestfriend... Hindi man lang niya nabanggit na nagpakasal na kaming dalawa. I could feel the awkwardness growing in the air around us. Here is his wife, but he is with his girlfriend. Parang binibiyak ang buong pagkatao ko ngayon.

Relationship Status: Married but It's Complicated (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon