Chapter 19

17.3K 396 2
                                    

Chapter 19-My Dad's Last Will and Testament

Shanelle's POV

NGANGA!

Iyan ang pare-parehong reaction ng mga kaibigan ko when I told them about the arrange marriage.

Nasa cafeteria kami at kumakain when I decided to tell them. Buong weekend ko na kasi sinasarili ang problema, at mukhang sasabog na ako kung hindi ko pa ilalabas at sasabihin sa iba. Anyway, malalaman at malalaman din naman nila ang tungkol dito.

Nakita kong nahulog iyong cupcake na hawak ni Kameryn habang nakatulala sa akin.

Si Arez naman ay napatigil bigla sa pagnguya ng pizza at naka nganga talaga. Eeeeewww! Gross!

And Haley, more gross! Naibuga lang naman niya ang iniinom na orange juice sa taong padaan sa gilid namin.

"Eeeeeeewwwww! Dammit! Nakakadiri ka talagang nerd ka to the highest level!" malakas na tili ni Blaise.

Sa kanya tuloy natuon ang pansin ng buong cafeteria at naming apat kaya nagkatawanan tuloy kami dahil dinaig pa niya ang babae sa tinis ng tili niya.

"How gay!" sabi ni Claive bago malakas na nakitawa sa amin. Nakabawi rin sa laging pagtawag ni Blaise ng gay sa kanya.

"Ikaw na raw ang papalit na Banshee sa susunod na series ng X-men," naluluha sa katatawa na sabi ni Haley.

"Shut up, you creepy little nerd!" sigaw nito kay Haley. "I'll get back at you!" Banta pa nito bago kami tinalikuran. "How gross! Pa'no pa ako lalapitan ng mga chicks ko nito? Bulls!" he shouted habang palabas ng pintuan.

Nagkatawanan ulit kami.

"Hi, Claive!" ngiting-ngiting bati ni Kameryn dito.

Tinanguan siya ni Claive at tipid na nginitian. "Nasa tambayan si Cole. Alam ko naman na gusto mong itanong."

Namula ng husto ang babaeng obsessed.

Sa akin naman lumipat ang tingin nito. "Kasama naman ni Cole si Bryan." Then he smirked.

-.-" Weh! Tinatanong ko ba? Ha? Ha?

Umupo ito sa harap ng table namin. "Daya mo, Arez. Penge'ng pizza!" At talagang nakikain pa siya ha. "So, ano'ng nangyari at tulala kayong lahat kanina?"

"Si Shane kasi at Bryan ikakasal na," mabilis na sabi ni Kameryn dito bago ko pa napigilan.

Napanganga rin si Claive habang ngumunguya. Nalaglag pa mula sa bibig niya iyong kapirasong beef topping.

"Eeeeeewwwww! Gross din!" sabay-sabay na sigaw nila Arez, Kameryn, at Haley bago nagtawanan.

So kahit pala magkakaibigan sila ay hindi rin sinasabi ni Bryan sa kanila ang tungkol sa kasal. Hay, parang mababaliw na talaga ako. I don't know what to think anymore.

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

Bryan's POV

I'm here in my condo, lying on my bed. I decided na dito na muna tumuloy. I wanted to be alone. I wanted to think. Kapag nasa bahay ako ay parang hindi ako makahinga lalo na tuwing nakikita ko ang taong dahilan kung bakit namomroblema ako ngayon.

Two weeks before Shanelle arrived in the Philippines...

"Bro, ano ba talaga ang reason at pinapunta mo pa ako rito sa condo mo ha?" tanong ni Cole matapos ubusin ang laman ng bote ng beer nito. "Don't tell me trip mo lang uminom this early?"

I sighed and closed my eyes tightly.

"Malaking problema I guess. Is it about the company?" he guessed.

I opened my eyes to look at him. "Not just about the company. Damn! One week pa lang since Dad left us tapos iniwanan niya rin pala ako ng napakalaking problema."

"Will you just go straight to the point? Masyado kang pa-suspense eh."

"Kakabasa lang ni Atty. Santiago ng last will ni Daddy kaninang umaga—"

"So?" he cut me off. "What seems to be the problem with that? Don't tell me hindi ka niya pinamanahan?" biro pa niya sa akin.

Naihilamos ko na lang ang palad ko sa mukha ko out of frustration. "He wanted me to get married within seven weeks after his death. Iyon ang nakalagay sa last will niya. Pag hindi ko ginawa, mawawala sa amin ang lahat ng properties namin."

Nanlaki ang mga mata nito. "Seryoso? Ano 'to, teleserye?"

"Do I look like I'm joking?"

"No. What I meant was, seven weeks is too soon, Bro!"

"Ewan ko. Hindi ko na rin alam kung ano ang iisipin ko." I heaved a frustrated sigh. "Basta ang sabi ni Attorney, ever since Dad knew about his illness, nagsimula na raw ayusin ni Dad ang last will niya. And a month before Dad died, that was the time when we learned that his body was not responding well enough to the treatments, pinatawag daw siya para gumawa ng changes sa last will. Noon n'ya idinagdag yung tungkol sa arranged marriage."

"Meaning, talagang pinlano na ni Uncle ang lahat that early para just in case...You know, just in case mawala siya ay masisiguro niya na settled ang lahat about your case. Pero bakit naman gusto ka niyang magpakasal to the point na handa siyang isakripisyo ang corporation just to make sure na magpapakasal ka?"

"Isa lang ang naiisip kong reason. Gusto niya na kapag mawala man siya ay secured pa rin ang lahat ng businesses namin dahil may makaktulong si Mommy sa pagma-manage ng lahat."

"Marriage for convenience, huh?"

"Yeah. And just imagine, seven weeks after he died ay kailangan ko nang magpakasal. That soon! Damn!"

"This is unbelievable, man." Napailing na lang ito. "So, saan mo balak maghanap ng babaeng pakakasalan?"

"Hindi ko na rin kailangang maghanap."

His eyes widened. "Hey, don't tell me he chose the girl that he wanted you to marry? Pa'no na lang si—"

I shot him a death glare.

He grinned. "So who's the lucky girl that he wanted to be your wife?"

I sighed deeply and closed my eyes for a moment. "Shanelle Ainsley Quinn."

His jaw dropped before he burst out laughing. "I knew it! Talagang hanggang ngayon ay si Shanelle pa rin ang gusto niya para sa 'yo."

"This is stupid, man." I tugged on my hair.

Napahalakhak na naman siya. Kaya nga siya ang tinawagan ko eh para may makaramay ako. Tapos heto siya at pinagtatawanan pa ako.

I sighed again deeply. Nakailang buntong-hininga na ba ako? Napatingin ako sa bedside table ko kung saan nakapatong ang photo frame na may picture namin ni Daddy. It was taken an hour before my graduation. It was in the hospital. He requested for it. Dad was lying on his hospital bed while I was sitting beside him and I was wearing my toga. He was still smiling in the picture despite his condition.

I removed my gaze from it when my eyes started to moisten. Sabi niya, hindi man daw niya magawang maka-attend ng graduation ko ay gusto pa rin niyang makita ako ng personal wearing my toga because he was very proud of me to graduate with the highest title, valedictorian.

I closed my eyes when tears started to fall from my eyes. I was very close with my dad. We did a lot of things together. Kahit napaka busy niyang tao, he always made sure na may family time pa rin kami palagi. At wala kaming ginusto na hindi niya ibinigay sa amin ni Kyle. Spoiled kami kay Daddy eh. Kaya sobrang affected kami ni Kyle sa pagkawala ni Daddy.

I wiped my tears and looked at the picture again.

Yeah, I will marry Shanelle kung ito lang ang way para masuklian ko lahat ng mga bagay na ginawa at ibinigay mo sa akin. I know this will make you happy, so I will do it. Hindi ko man maintindihan ang reason mo for doing these things, I still trust you. Alam kong hindi ka gagawa ng decision na makakasama para sa akin because you always wanted what's best for me. I love you so much, Dad. We missed you.

**********

03.10.17

Relationship Status: Married but It's Complicated (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon