Chapter 36

18.5K 379 10
                                    

Chapter 36-Pain and Regret

Shanelle's POV

I woke up with a terrible headache. Pati buong katawan ko masakit din. I tried to open my eyes pero agad din akong napapikit nang masilaw ako sa liwanag.

Grabe, sakit ng ulo ko. I tried to remember what happened. Nagpunta kaming magkakaibigan sa birthday party ni Gino. Sa sobrang sama ng loob ko dahil kay Bryan, pumayag akong makipaglaro kila Kamy kahit alam kong malalasing kami sa gagawin naming laro. Dahil mahina ang tolerance ko sa alcohol, kahit hindi naman kasing dami ng nainom nila ang nainom ko ay agad din akong nalasing. Naaalala ko pa na napasubsob na lang ako sa table dahil sa sobrang hilo at antok habang sila Arez nagpatuloy lang sa paglalaro. After that hindi ko na alam ang nangyari dahil nakatulog na ako.

Sino kaya ang naghatid sa akin dito sa bahay? Imposible namang sila Arez dahil lasing na rin ang mga 'yon.

Tumagilid ako ng higa at kinapa ang unan sa gilid ng kama ko. Bakit parang matigas yata saka bumigat dahil hindi ko mahila palapit sa akin? Pinilit ko tuloy idilat ang mga mata ko at kahit na nasisilaw ako sa liwanag ay sinubukan kong aninagin ang paligid ko.

Gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita kong hindi pala unan ang hawak ko kundi katawan ni Bryan.

Naked?

I gulped. I shook my head. Crap! Lalo lang akong nahilo sa ginawa ko. I blinked. Pero ganoon pa rin. Si Bryan talaga ang nasa tabi ko. And he was naked.

Bigla akong napaupo. At ganoon na lang ang panghihilakbot ko nang biglang bumagsak sa kandungan ko ang comforter and realized that I was naked too.

Hindi ko na napigilan ang mapasigaw ng sobrang lakas habang hinihila ang comforter pabalik sa katawan ko. Kaya naman pala masakit pati ang buong katawan ko!

"What the hell!" galit na sigaw ni Bryan nang magising dahil sa sigaw ko. Dumilat siya at disoriented na tumingin sa akin. His eyes travelled my body kaya lalo ko pang nahila ang comforter para takpan ng maiigi ang sarili ko. Noon siya parang natauhan at mabilis na napaupo.

He muttered a multiple of expletives while hitting his forehead with his palm. He was closing his eyes tightly.

"Bryan..." Iyon lang ang nasabi ko at nagsimula nang tumulo ang mga luha ko.

Pagalit siyang bumaba ng kama saka pinulot ang mga damit niya sa sahig. He started to dress himself.

Iniwas ko naman ang tingin ko sa kanya habang nagbibihis siya. Isinubsob ko ang mukha ko sa mga palad ko. I cried silently habang hinihintay kung ano ang susunod na gagawin ni Bryan.

And to my utter disappointment, narinig ko na lang ang papalayong mga hakbang niya at ang malakas na pagbukas at pagsara ng pinto.

Noon ko lang pinakawalan ang mga hikbi ko. Dumapa ako sa kama saka isinubsob ang mukha ko sa unan. Out of all the emotional pain that Bryan gave me, turning his back from me when I needed him the most now was the worst pain that I've ever experienced from him.

I don't know how we ended up here in this bed. I cannot remember anything since I fell asleep at the party last night. Ni hindi ko nga alam kung nasaan ako ngayon. Tapos basta na lang niya akong iniwan?

Wala na ba siyang alam gawin kundi ang saktan ako? Paano na lang ako ngayon pagkatapos ng nangyari sa amin? Babalik na naman ako sa katotohanan na galit siya sa akin at hindi na naman niya ako papansinin tulad ng palagi niyang ginagawa?

Hindi ba pwedeng mahalin naman niya ako imbes na magalit siya sa akin? Hindi ba pwedeng iparamdam naman niya na concern siya sa akin kahit konti lang? Hindi ba pwedeng alagaan naman niya ako tulad ng pag-aalaga ng isang lalaki sa asawa niya? Napakahirap bang gawin ng mga bagay na iyon?

Relationship Status: Married but It's Complicated (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon