Chapter 30

18.5K 355 18
                                    

Chapter 30-Back to the Philippines

Shanelle's POV

As usual, Monday, magkakasabay na naman kami nila Bryan at Mickey sa kotse. But unlike before na para kaming nasa lamay dahil sa sobrang katahimikan, at least ngayon ay kinakausap na ako ni Mickey kahit konting-konti lang. Si Bryan, dedma lang talaga. Buti pa noong nasa US kami kinakausap pa niya ako kahit konting-konti rin. Pero simula noong papunta kami sa airport ay hindi na niya ako kinikibo. Hindi ko na naman alam kung bakit or kung may nagawa na naman ba akong kinainisan niya. Whenever I tried to talk to him ay iniiwas lang niya ang tingin niya sa akin. Napapahiya lang tuloy ako kaya hindi ko na talaga siya kinausap until now.

Nagulat pa ako nang biglang lumuhod sa passenger's seat si Mickey at humarap sa akin. "Goodbye, Shane." He said with a very serious expression. Mahirap ba talagang ngumiti, Mickey? Well at least, nagpaalam na siya sa akin unlike before.

I didn't even notice na nandito na pala kami sa school niya. I smiled at him. "Bye, Mickey."

Binuksan na niya ang pinto pero nagulat ako nang biglang may sumulpot na bata doon.

"Hi, Kyle! Hi, Kuya Bryan!" the little girl with the most charming face and sweetest smile I've ever seen greeted them.

I saw how Bryan smiled at her and said, "Hi, Sash!"

Parang gusto kong magwala sa backseat. Nakakainggit! Bakit 'yong ibang tao nangingitian niya tapos ako ni ayaw man lang niyang tingnan! Bwisit ka talaga, Bryan! Parang gusto ko nang maiyak. Sa Friday, ikakasal na kami tapos ganito pa rin ang treatment niya sa akin. Akala ko ba magiging civil na siya sa akin? Bakit hindi na naman niya ako kinakausap ngayon?

Dramang-drama na sana ako kaso napatingin ako kay Mickey. My pouted lips turned into a smile when I saw his flushed face. Nakatitig lang siya doon sa bata habang nakangiti naman iyong bata sa kanya.

"Sabay na tayo pumasok, Kyle." Ngting-ngiti pa rin 'yong Sash sa kanya habang pulang-pula pa rin Mickey. Haha! How cute! Mukhang crush yata ni Mickey ang bata na 'to ah.

"Sasha! You'll be late. Go inside already." Sabi ng palapit na lalaki. My eyes widen when I saw who it was. "Hi, Kyle. Pasok na kayo sa loob." Sabi ni Cole.

Bumaba na si Mickey pero napansin ko na hindi pa rin niya pinapansin iyong bata kahit magkasabay silang pumasok sa gate ng preschool. Haha! Mukhang hiyang-hiya si Mickey doon sa bata.

"Bakit ikaw ang naghatid kay Sasha?" Bryan asked Cole.

"Out of the country sila Daddy at Mommy eh." Ipinasok niya ang ulo sa loob ng kotse. "Hi, Shane. Glad you're back. How's your dad?"

I smiled at him. "He's getting better. 'Yong Sasha, is she your sister?" I asked curiously.

He smiled. "Yeah. Pa'no, balik na 'ko sa kotse ko. See you in school." Inilabas na niya ang ulo niya saka naglakad palayo.

Parang gusto ko siyang habulin. Cole, sa'yo na lang ako sasabay. :(

I was waiting for Bryan to tell me to move in the passenger's seat just like before. Nagulat pa ako nang patakbuhin na niya ang kotse. Wala talaga siyang balak na kausapin ako. Ang bigat tuloy ng loob ko.

Pagdating sa SU, hindi pa man niya napapatay ang kotse ay binuksan ko na agad ang pinto sa gilid ko pagkahinto pa lang at inunahan na siyang lumabas. Gusto ko rin naman i-save ang pride ko. Palagi na lang ako ang naiiwan. Akala ko pagbalik namin ng Pilipinas ay magbabago na ang pakikitungo niya sa akin kahit konti lang pero mas malala pa dahil kahit sungitan ako ay hindi na rin niya ginagawa.

Pagpasok ko ng classroom nagulat pa ko nang biglang may pumutok tapos biglang umulan ng confetti.

"Welcome back, Shane!" malakas na sigaw ng mga classmates ko. Bigla naglapitan sa akin ang mga kaibigan ko para yakapin ako. Halos hindi na nga ako makahinga dahil sa higpit ng yakap nila sa akin.

Relationship Status: Married but It's Complicated (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon