Chapter 59

16K 281 28
                                    

Chapter 59-Friendly Advice?

Bryan's POV

"Bryan, magpa-practice ba tayo o magpa-practice tayo?" Tanong ni Blaise habang nakaupo sa one-seater sofa at kinakalabit ang mga strings ng gitara niya.

Nandito kami ngayon sa ipinaayos kong music room. Dito ko ipinalipat ang lahat ng musical instruments na nasa kwarto ko noon. May practice kami dapat ngayon at ang mga girlfriends nila at asawa ko ay nasa small theater room sa kabila at nanonood ng movie doon.

Imbes na sumagot sa kanya ay nahiga pa ako at ipinatong ang ulo ko sa armrest ng mahabang sofa.

"I thought okay na kayo ni Shane? Eh bakit parang mas problemado ka pa yata ngayon kesa kahapon?" Tanong ni Cole.

"Oo nga." Sang-ayon naman ni Claive na nakaupo sa harap ng drum set. "Look at your eyes. Para kang hindi natulog ng isang taon. Nagdala sana ako ng eye pack if I only knew."

"Bading talaga neto! Ouch!" Sigaw ni Blaise nang tamaan siya ng lumilipad na drumstick ni Claive.

"Takte! Masakit 'yon!"

"Tumahimik nga kayong dalawa!" Singhal ko sa kanila.

"Ano ba kasi ang nangyari? O ikaw lang ang may problema? Mukhang okay naman kayo ni Shane kanina eh." Sabi ni Cole.

Napapikit ako ng mariin. Dapat ko bang sabihin sa kanila ang problema ko? Hindi ko na rin kasi alam kung ano ba dapat ang gagawin sa problema ko.

"Sa itsura mo na 'yan mukha kang hindi napagbigyan kagabi." Biro pa ni Blaise saka tumawa ng malakas.

Idinilat ko ang mga mata ko at tumingin sa kanya na blangko ang mukha. Natahimik naman siya at napayuko pero saglit lang at si Claive at Cole naman ang tumawa.

"Tama si Blaise 'no?" Natatawang tanong ni Claive.

Napanguso na lang ako kaya lalo pang tumawa ang mga sira-ulo.

"Pucha! Tigilan n'yo nga ako!" sigaw ko sa kanila.

"Baka naman naiinis pa rin sa 'yo kaya hindi ka pinagbigyan." Sabi ni Claive.

Naihilamos ko ang mga palad ko sa mukha ko. "Buti nga sana kung gano'n lang 'yon. Kaso hindi!"

"Eh ano nga ba kasi 'yon?" Tanong ni Cole.

Inabot ko iyong throw pillow saka itinakip sa mukha ko. "Pucha! Simula noong aksidenteng nabuntis ko s'ya after ng party ni Gino, wala pang nangyari ulit sa 'ming dalawa."

Bila silang tumawa ng tumawa.

"T*ngna, dude! Bilib na ko sa tindi ng self-control mo. Karapat-dapat kang patayuan ng rebulto sa Luneta. Wahahahahahaha!" Malakas na sabi ni Blaise habang tawa pa rin ng tawa.

Gigil ko siyang binato ng throw pillow.

"G*go kayo! Makapagsalita kayo! Bakit, may nangyari na ba sa inyo ng mga girlfriends n'yo?" Sigaw ko sa kanila. Buti na lang at ipina-soundproof ko ang kwarto na ito kaya hindi rinig sa labas ang sigawan namin.

Bigla silang natahimik.

"Alam mo tama ka, dude. Simula noong nakilala ko si Iyah, pakiramdam ko pumapayat na 'ko. Buti na lang may gym equipment ako sa condo." Sabi ni Claive.

Napangisi si Cole. "Eh pa'no pa 'ko kung katulad ni Kamery na palaging nakasampay sa leeg ko."

Natawa kami sa sinabi niya.

"Mas mahirap naman ang situation ko. Hindi ako makapagsabi kay Haley dahil baka magsumbong sa daddy niya at i-dissect ako."

"Pasalamat ka nga ganyan lang ang situation mo. Pa'no naman ako, eh gabi-gabi ko kayang katabing matulog sa iisang kama si Iyah. Imagine na lang kung paanong pagtitimpi ang ginagawa ko para lang hindi ko siya magalaw. Leche! Samantalang noon, minsan nakakatatlong babae pa ako sa loob ng isang araw." Sabi ni Claive.

Napatingin ako sa kisame. "Mas mahirap pa rin iyong asawa mo na pero hindi mo man lang mahawakan dahil natatakot kang mailang siya sa 'yo." Napabuntung-hininga ako.

Natahimik naman silang tatlo.

"Nayayakap at nahahalikan mo naman siya 'di ba?" tanong ni Cole.

"Oo, pero hanggang doon lang. Hindi ko naman pinoproblema dati kahit vírgin ako pero simula nang may nangyari sa amin, tapos tuwing makakatabi ko siya sa kama, hinahanap-hanap na ng katawan ko iyon. Ayoko naman siyang pilitin. Oo nga pumayag siya noong minsan na i-try namin maging intimate pero bago pa ako makalimot tumigil na ako."

"Baka naman nasa iyo ang problema?" sabi ni Claive.

Napatingin ako sa kanya. But this time seryoso na ang itsura niya.

"Sabi mo pumayag naman siya noon na i-try n'yo maging intimate kaso itinigil mo. Natatakot ka ba na baka mailang siya sa 'yo or natatakot ka na baka ma-disappoint siya dahil maliit iyang ano mo?" At bigla ba naman humalakhak ang g*go!

"Pakyu ka. Malaki nga kaya natatakot ako na baka masaktan siya!"

Natawa na naman sila.

"So natatakot ka na baka masaktan mo siya physically?" tanong ni Cole.

"Hindi lang naman iyon eh."

"Up to what extent na ang nagawa n'yo? Kissing? Hanggang saang level ng kissing?" seryosong tanong ulit ni Cole.

"T. T. T."

"Pakshet, anong T. T. T.?" Kunot-noong tanong ni Blaise.

"Ayoko nang maniwala na playboy ka dati, Blaise. T. T. T. lang hindi mo pa alam. Tongue to tongue 'yon! Engot neto, pucha!" sigaw ni Claive.

Napailing na lang si Cole sa kanilang dalawa. "Hanggang doon lang talaga ang nagawa n'yo? Minsan ka na bang nag-attemp tapos nagalit siya kasi she thought you were taking advantage of her?" Cole asked.

"No. Ang totoo nga niyan sabi pa niya gusto n'ya raw kapag hinahalikan ko siya or kapag niyayakap ko siya kaya lang nahihiya lang daw siya sa akin kaya siya naiilang. Pumayag lang naman siya na gawin namin iyon that night kasi gusto n'ya raw na maging komportable na siya sa akin."

"Alam mo, dude, tama si Claive. Ikaw naman pala talaga ang may problema eh." Sabi ni Blaise. "Okay naman pala kay Shane eh. Ikaw lang ang umaayaw. Tama siya, kung palagi n'yong gagawin 'yon, masasanay din siya sa mga hawak mo sa kanya. Kaya ka lang nagkakaganyan kasi iniisip mo na si Shane iyon, kahit lumaki siya sa Amerika, pusong Filipina pa rin siya at mahal mo siya kaya sobrang iginagalang mo siya. Pero hindi mo ba naisip na baka kaya pumayag si Shane noong time na 'yon na i-level up ang intimacy between the two of you dahil gusto niya na pasayahin ka dahil tulad mo, mahal ka rin niya. Ano ba kasi ang kinatatakutan mo sa sex? Eh dude, ginawa nga ang sex para sa mag-asawa. Aside sa mga anak, sex ang isa pang nagpapatibay sa samahan ng mga mag-asawa. At si Shane, hindi mo siya girlfriend. Asawa mo na siya. Dude, alam kong grabe ang self-control mo pero noong may nangyari sa inyo, bakit hindi mo nagawang pigilin ang sarili mo? Kasi masarap 'di ba? Masarap nga iyon kaya kung palagi n'yong gagawin iyon, mas magiging masaya pa kayo ni Shane sa isa't-isa. Mas lalo n'yo pang makikilala ang isa't-isa physically because the two of you will become one. Alam mo, napaka-swerte mo pa nga dahil kay Shane mo lang mararamdaman at mararanasan iyong ganyang bagay unlike the three of us na kung kani-kaninong babae na namin naranasan. At isa pa, kung masarap siyang gawin sa kahit na kanino, walang words na makakapag-describe kung gaano siya kasarap kapag ginawa mo iyon kasama ng babaeng mahal na mahal at inirerespeto mo. Noon mo lang mararamdaman na parang nakumpleto bigla ang buong pagkatao mo."

"Amen." –___– ←Cole

"Hello, Iyah? Punta ka rito sa music room ASAP. Kung magugunaw na ang mundo ngayon, ikaw ang gusto kong huling makasama." Sabi ni Clave bago in-end ang call.

Tawa ng tawa si Cole sa kanya habang si Blaise ay binato naman si Claive ng throw pillow. "Pakshet ka talaga! Minsan lang ako magseryoso at nakakakilabot tapos gaganyanin mo pa ako!"

Natahimik lang ako habang naglalaro sa isip ko ang mga sinabi ni Blaise dahil alam kong may punto siya sa mga sinabi niya. Kahit talaga madalas siyang sira-ulo, siya talaga ang pinaka maasahan sa mga advices kapag nagseseryoso.

Napatingin ulit ako kay Blaise. "How would I start?"

"Bugok naman neto! 'De hubaran mo. Hindi kayo makakapagsimula pag nakadamit kayo pareho!"

Bigla siyang dinagukan ni Cole. "Okay na sana eh! Balik ka na naman sa kalokohan. Sira-ulo ka talaga!"

**********
04.25.17

Relationship Status: Married but It's Complicated (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon