Chapter 85- I Missed You
Bryan's POV
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay dumiretso na agad kami sa hospital. Tama si mommy, baka nga hindi na ako makilala ng asawa ko dahil sa itsura ko. Ayaw na ayaw pa naman ni Shane na tinutubuan ako ng stubbles dahil nagkaka-rashes siya kapag hinahalikan ko siya.
Mabilis pero maingat akong nag-drive. Ngayon lang ulit ako nag-drive simula noong naaksidente kami dahil parang nato-trauma ako sa nangyari sa amin kaya nga noong umuwi ako galing sa ospital ay nagpahatid lang ako kay Claive that night sa bahay. Pero nagmamadali kami ngayon ni Mommy kaya nilakasan ko na lang ang loob na magmaneho.
Hindi pa rin daw gumigising si Shane pero tatlong beses nang iginalaw ang mga daliri niya. At nagmamadali ako ngayon because if ever man, gusto kong nasa tabi niya ako kapag gumising siya.
After parking my car ay mabilis na kaming tumakbo ni Mommy papunta sa room niya. Pagpasok namin sa loob ay nakita agad namin sila Mommy Sheena at Daddy Edward na nasa tabi ng kama. Sinalubong nila ako at niyakap.
"I'm sorry..." Iyon lang ang nasabi ko sa kanila. Napakaduwag ko talaga kahit kailan kapag si Shane na ang pinag-uusapan. Iniwan ko siya rito for almost two weeks dahil sa takot ko na baka masaksihan ko na naman iyong seizure na nangyari sa kanya noon. Hindi ko maipaliwanag ang sobrang takot ko noong nangyari iyon kaya mas minabuti ko na lang na mag-stay sa bahay because I don't want to see her suffering like that again.
"We understand, son." Ngumiti si Daddy at tinapik ako sa balikat. Nginitian din ako ni Mommy Sheena.
Nilapitan ko agad si Shane sa kama niya. Hinalikan ko yung noo niya. Sobrang miss na miss ko na siya. Magaling na rin ang mga galos niya kaya wala na siyang benda sa ulo. Naupo na ako sa gilid ng kama at kinuha ang kamay niya. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya. "Baby, nandito na ako ulit kaya please naman gumising ka na. Bryley's waiting for you also. Please, just please wake up. Miss na miss na kita."
Nagulat ako nang maramdaman kong gumalaw yung mga daliri ng kamay niya na hawak ko. Mabilis kong inilapit ang mukha ko sa mukha niya. "Shane, baby, do it again. Come on, please move your fingers again."
I gasped when I felt her fingers moved again. I kissed her lips lightly dahil sa sobrang tuwa ko. Pati sila Mommy ay tuwang-tuwang napalapit na rin dito sa kama.
"Can you hear me?" Naiyak na ako nang mag-respond ulit siya by moving her fingers. I kissed her forehead again. "Please, baby, open your eyes." Naghintay ulit ako ng response. Napansin namin na gumalaw-galaw ang mga mata niya pero hindi dumidilat. "Please, I want to see your eyes again. Do it for me, please."
My heart swelled with so much joy when we heard her moan softly and then finally opened her eyes.
I heard gasps of surprise and happiness from our parents. Nanatili lang siyang nakadilat pero hindi kumikibo. Her eyes were staring straight at me.
"Shanee..." I whispered. Why isn't she responding? Bigla akong sinalakay ng kaba. Paano pala kung hindi niya ako makilala? Hindi ba't ganoon sa mga movies? Madalas nagkaka-amnesia iyong mga nagigising mula sa coma.
"I'll just call the doctor." Narinig kong sabi ni Daddy.
I gently caressed her hair kahit na sa loob ko ay nagpa-panic na ako. "Baby, are you okay? Can you recognize me?"
Bumuka ang bibig niya pero hindi naman siya nagsalita. Then she closed her eyes again.
"Bakit gano'n?" Narinig ko pang tanong ni Mommy Sheena.
Naiyak na ako talaga. "Shane, wag mo naman akong pag-alalahin ng ganito oh, please?" I caressed her face. "Open your eyes again, please, baby."
Gumalaw-galaw ulit ang mga daliri niya mula sa hawak ko. She opened her eyes again and then moaned.
BINABASA MO ANG
Relationship Status: Married but It's Complicated (complete)
Teen FictionI wrote this story 4 years ago during the time na wholesome pa yung utak ko at puro teen fictions pa lang yung binabasa ko rito sa watty. Hahaha! Kaya ito po ay teen fiction. Naisipan ko lang i-upload dito para di naman masayang yung effort ko sa ka...