Chapter 45

23.9K 418 31
                                    

Chapter 45-PDA?

Shanelle's POV

"Hey, baby. Wake up already. Baka ma-late tayo for school."

I groaned. Pinilt kong idilat ang mga mata ko. I saw Bryan's face smiling at me. "Morning, Shanee!"

"Morning. What time is it?" I asked in a sleepy tone.

"6:05. Bangon na, okay?" He kissed my forehead.

Pumikit ulit ako. Inaantok pa talaga ako. Lately palagi na lang akong inaantok. Naramdaman kong gumalaw ang kama pero tinatamad talaga akong dumilat.

I was aroused from my sleep at mabilis na napabangon when I remembered na ngayon nga pala ako papasok ulit. I turned my head to the side of the bed, disappointed not to see Bryan beside me. Ngayon lang ako gumising na wala siya sa tabi ko. Sabi kasi niya gusto niya raw na siya agad ang makikita ko tuwing magigising ako. For the past week halos hindi siya umaalis sa tabi ko except for some instances na umaalis siya ng bahay para ibili ako ng mga pagkain na gusto kong kainin.

I pouted. Nakulitan yata dahil hindi agad ako bumangon. I rubbed my eyes sleepily. Tumingin ako sa wall clock. 6:20 lang naman pala. Bumaba na ako mula sa kama at lumapit sa banyo para maligo. Hindi pwedeng hindi ako pumasok. Masyado na akong behind sa mga subjects ko.

Hahawakan ko na sana ang doorknob pero biglang bumukas iyon at iniluwa ang half naked kong asawa. May hawak siyang towel sa isang kamay at tumutulo pa ang basa niyang buhok. My eyes widened in an instant. Nawala yata ang antok ko habang umaakyat lahat ng dugo sa mukha ko. Pagtingin ko sa mukha niya, an amusing smirk was plastered there. Mabilis akong napatalikod sa kanya.

He chuckled lightly before I felt his arms wrapped around my waist. "Nahiya ka pa talaga eh nakita mo naman na akong half naked dati sa kitchen."

Lalo pang nag-init ang mukha ko nang maalala ko iyon.

"Alam mo ba kung ano'ng itsura mo that time? Para kang pusa na nahuli habang nagnanakaw ng pagkain sa ref. Bigla ka na lang nagtatakbo paalis." Sabi niya saka tumawa ng malakas.

Hinampas ko ang braso niya na nakayakap sa akin bago kinalas iyon. I turned to him. "Whatever." I told him out of nothing to say. Naglakad na ako papasok sa banyo pero bago ko pa maisara ang pinto ay tinawag niya ako.

A playful smile was on his lips. "Do you want me to bathe you?"

Bago pa niya makita ulit ang pamumula ng mukha ko ay malakas ko nang itinulak pasara ang pinto. Dinig ko pa rin ang malakas niyang pagtawa kahit dito sa loob. Napanguso ako bago lumapit sa shower. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang abs niya. Oh my shocking boo!

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

"Here, take this." Sabi ni Mommy Magz pagkaabot ng isang plastic na puno ng mga pagkain sa kamay ni Bryan.

Kunot-noong itinaas ni Bryan ang supot. "The heck, Mom. We're not going on a picnic. Napakarami naman nito."

"Mabilis magutom ang mga buntis kaya dapat lagi kayong may baon, okay?" bumaling si Mommy sa 'kin. "Wag kang papagutom ha? Sige na, umalis na kayo. Baka ma-late pa kayo."

Niyakap ko siya at humalik sa pisngi niya. Lumapit din si Bryan sa kanya para humalik sa pisngi niya.

"We're late. Faster!" sigaw ni Mickey sa may pinto.

Halos sabay pa kaming nag-ikot ng mata ni Mommy.

Bryan slung his available arm on my shoulder. Narinig na naman namin ang impit na tili ni Mommy habang palabas kami sa pinto.

Relationship Status: Married but It's Complicated (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon