Chapter 39

20.2K 445 53
                                    

Chapter 39-First Love

Shanelle's POV

Pababa na ako ng bahay para magpunta sa hotel na pagdadausan ng SITC Expansion Celebration. Nauna na si Mommy Magz doon kasama si Mickey. Ihahatid naman ako ni Kuya Stan doon sa hotel.

"Shanelle?"

Napahinto ako sa paglalakad at napahugot ng malalim na buntong-hininga. Kahit hindi ako lumingon ay kilalang-kilala ko pa rin kung sino ang may-ari ng boses na iyon.

"Papunta ka na ba sa party?"

I looked over my shoulder. "Yeah," tipid na sagot ko kay Felice.

"Bryan's downstairs already. Bakit hindi ka na lang sumabay sa amin?"

Wow ha! Wow lang talaga! Ako ang asawa pero buti pa si Felice sinusundo niya! I tried to calm myself as anger starts to build up inside me. "No thanks. May kailangan pa kasi akong daanan." I reasoned out. Hindi naman ako tanga at masokista para sumabay sa kanila at panuorin ang paglalambingan nila sa kotse.

Tinalikuran ko na ulit siya pero tinawag ulit niya ako. Huminto ulit ako but this time hindi ko na siya nilingon. I just waited for her to talk.

"Did you know that I really like your husband?"

My fists clenched on their own. Alam naman pala niya na asawa ko si Bryan eh. Tama ba na sabihin niya na gusto niya si Bryan sa harap mismo ng asawa nito?

"We've known each other since we were thirteen. Noon pa lang gustong-gusto ko na siya. I just left the Philippines to study in New Jersey. But when the time came that I decided to pursue my feelings for him, noon ko naman nalaman ang tungkol sa contract na ginawa ni Tito Blake at ng daddy mo. I was so devastated, did you know that?"

Paano niya nalaman ang tungkol doon? The will and the contract were confidential. Families involved lang ang nakakaalam ng tungkol doon at mga kaibigan namin ni Bryan.

Stupid, Shanelle! Of course Bryan will tell her. Nasabi nga niya iyon kay Cole na bestfriend niya. Bakit hindi niya sasabihin ka Felice, di ba?

"So, what are you trying to tell me now?" I said, teeth tightly clenched and not even turning my head to look at her.

"I know that your marital relationship wasn't good. Why don't we make a deal? Bukas aalis na ako pabalik sa New Jersey. But I'm going to give you a chance to fix your marriage with Bryan. One week only. After that I will come back. At kapag hindi pa rin maayos ang relasyon n'yong dalawa, kukuhanin ko siya sa iyo. Wala na akong pakialam sa contract na ginawa ng mga tatay n'yo dahil nakapagpakasal na rin naman kayo. Hindi nawala sa kanila ang mga properties nila. Wala naman akong pakialam kahit hindi kami pwedeng magpakasal dahil alam kong hindi ipaa-annul ni Bryan ang kasal n'yo dahil nakatali siya doon sa contract na 'yon ng parents n'yo. Hindi naman ang kasal ang habol ko. I just wanted the two of us to live happily together."

Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko siya sinagot. Mabilis akong humakbang papunta sa hagdan habang nagpupunas ng mga luha. Pagkababa ko sa living area ay nandoon na nga si Bryan. But he was not alone. Again, he was throwing daggers on Nick.

What was Nick doing here? Even him, he was looking at Bryan with a deadly glare. Ano ba talaga ang nangyayari sa kanilang dalawa? Palagi na lang silang ganyan kapag nagkikita sila.

"Nick." I called softly.

Sabay pa silang napalingon sa akin. I saw how Bryan shot me with a deadly glare also bago napatingin sa may hagdan. I could hear Felice's footsteps on the stairs.

"Let's go," Bryan said to her with a deep scowl.

Nakita ko pang lumapit si Felice sa kanya at ikinawit ang braso sa braso ni Bryan. They both left without even turning to say goodbye to us.

Relationship Status: Married but It's Complicated (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon