Chapter 1-We Meet Again
Shanelle’s POV
I took a deep breath while looking at the clouds outside the window of this airplane. After 8 years of living with my family in Cypress, California, here I am, going back to my homeland...ALONE...
“Shane, your dad and I decided that you should continue your studies for college in the Philippines,” my mom said while we are having our dinner.
Napatigil ako sa pagsubo at napatingin sa kanila. “Why? I thought payag na kayong sa New York University ako mag-college?”
“Well, yeah. But we thought that it would be good for you to study there to learn independency. Remember, you are our only child. Ikaw lang ang magmamana ng businesses natin. We just want you to learn how to stand on your own feet. To make your own decisions alone, It would be a good training for you,” my dad explained without looking at me.
“But why in the Philippines? That’s too far, Dad.” Isipin ko pa lang na malalayo ako sa kanila ay parang di ko na kakayanin.
“Uhm..” Alanganing ngumiti si Mommy. “We already arranged everything dun sa university na papasukan mo doon.” She gave me an assurance look. “Please, don’t think na ginagawa namin to because we don’t love you anymore. We just thought that this is the best thing for you. Hindi rin naman namin gusto na mahiwalay ka sa amin ng daddy mo.” She forced a smile after saying that. Parang maiiyak na nga siya.
“I’m really sorry, Sweetie, but we really need to do this,” sabi ni Daddy. I looked at his eyes, nangingilid na ang mga luha nya. Hindi na ako nagtataka, Daddy’s girl kasi ako. I know it would be hard for him not to be with me for a long time.
A tear suddenly fell on my cheeks when I saw the expressions on their faces. I love them so much pero wala akong magawa. All my life I’ve been a good daughter to them. Never akong sumuway sa mga kagustuhan nila. I took a deep breath. “Sige po. Payag na ako.”
Nilapitan ako ni Mommy, she embraced me tightly as she started to sob. “I love you, Sweetie. We love you so much. And we are going to miss you.”
I took a deep breath again. Habang sinasabi nila iyon sa akin last week pakiramdam ko ang bigat-bigat ng pakiramdam nila. Feeling ko may problema silang dinadala na ayaw lang nilang sabihin sa akin. Marami namang magagandang universities sa US, bakit kailangang sa Pilipinas pa nila ako pag-aralin? The truth is, I’m afraid. Hindi ko alam kung anong klaseng buhay ang naghihintay sa akin doon even though they assured me na ok na ang lahat. They said kaibigan daw nila ang may-ari ng university na papasukan ko. Doon din daw ako sa bahay nila titira. Bakit pa eh may bahay naman kami sa Pilipinas ah. At ang nakakaloka pa doon, ni hindi nila sinabi sa akin kung sino iyong kaibigan na sinasabi nila. Basta daw pagdating ko sa airport ay may susundo sa akin doon. The heck! How would I know kung iyon na nga ang taong susundo sa akin kung hindi ko siya kilala?
Napahawak ako sa pendant ng necklace ko na nasa loob ng blouse ko. I was 10 years old noong umalis kami ng Pilipinas para mag-migrate sa US. A memory of my childhood flashed through my mind. Kamusta na kaya siya? Ano na kaya ang itsura niya ngayon? A little smile formed in my lips. Kamusta na kaya ang bestfriend ko? When we arrived in California 8 years ago nagtatawagan pa kami. Hanggang sa dumalang iyon and eventually nawalan na kami ng communication. Naging sobrang busy ko na kasi sa school. Plus the fact na nahirapan din akong mag-adjust sa bagong environment ko, at pati na rin sa culture nila. I’ve been through depressing times also dahil sa pambu-bully sa akin ng mga schoolmates ko.
Magkikita pa kaya kami?
“Ladies and Gentlemen, we are about to begin our final descent to NAIA International Airport. Currently at NAIA the weather is cloudy. We have certainly enjoyed having you on board today, we hope to see you again real soon, and thanks again for flying with us today.”
Bigla akong kinabahan pagkarinig sa announcement na iyon. This is it. Kaya ko naman ‘to di ba?
Nanlalamig pa ang mga kamay ko habang naglalakad ako papuntang arrival area. Paano pala kung nakalimutan akong sunduin ng tao na iyon, kung sino man siya, paano na lang ako?
Pagdating ko sa arrival area tumingin-tingin ako sa mga tao na sumusundo sa mga kasabay ko. Nasaan na kaya ‘yon? Naghintay na lang ako ng tao na mag-a-approach sa ‘kin. Pero bakit gano’n? Kanina pa ‘ko nakatayo dito pero wala pa rin. Naupo muna ako sa bench doon habang naghihintay. Hanggang sa naubos na ang mga tao sa arrival, ako na lang natitira pero wala pa rin.
Oh my shocking boo! Paano na ‘to? Kinakabahan na ako. Hanggang sa ilang flights pa ang dumating pero wala pa rin ang sundo ko!
Oh my shocking boo times two! I looked at my watch. One hour na ‘kong naghihintay dito?!!! Seriously?! My oh my!
Mommy! Daddy! HUHU! What the heck am I going to do? I started to panic. Naiiyak na ‘ko promise. Napasubsob na lang ako sa mga palad ko, controlling myself not to cry. Kung sino man siyang susundo sa ‘kin, sasakalin ko talaga siya pag nakita ko siya! Promise!!! I removed my hands. Kukuhanin ko na sana ang cellphone ko para tawagan si Daddy pero noon ko nakita ‘yong isang pares ng sapatos sa harap ko. Siya na siguro ‘yong Pontio Pilatong sundo ko! Kasabay ng pagtaas ng mga kilay ko ang pagtingala ko sa tao na ‘yon. Nakahanda na ako sa “SPEECH” ko pero bigla akong napipi when I suddenly met a pair of cold eyes boringly looking at me. His face was blank. No trace of any emotion was written on his face.
“Bryan...”
**************************
02.20.17
BINABASA MO ANG
Relationship Status: Married but It's Complicated (complete)
Teen FictionI wrote this story 4 years ago during the time na wholesome pa yung utak ko at puro teen fictions pa lang yung binabasa ko rito sa watty. Hahaha! Kaya ito po ay teen fiction. Naisipan ko lang i-upload dito para di naman masayang yung effort ko sa ka...