This long chapter is dedicated to fthrlncys. Tawa kasi ako nang tawa sa mga comments mo pag nagche-check ako ng notifications ko. I really love your comments!
Sorry po ngayon lang ako nakapag-update. Naging super mega busy kasi ako sa buhay ko these past days kaya ngayon ko lang na-open ulit si Watty. Few chapters left for this story. Lapit na ending.
Chapter 78- Winning My Girl Back
Claive's POV
Palabas na ako ngayon ng hospital suite ni Tito Richard. Matagal na siyang kaibigan ni Daddy since they were in college. Close ako sa kanya. Kung tutuusin nga, mas mukhang siya pa ang totoo kong ama kaysa sa daddy ko. Nagpapalakas pa siya dahil kakatapos ng chemotherapy niya kahapon. He has a prostate cancer at pabalik-balik dito sa hospital para sa treatments.
He talked to me about my father's sudden announcement yesterday about the engagement. Nag-sorry siya sa akin dahil hindi raw niya nagawang pigilan si Daddy. Knowing how craftily evil my dad was, itinaon talaga niya na nagpapa-chemo si Tito para i-announce ang tungkol doon sa media para hindi siya magawang pigilan nito.
Buong linggo na akong parang mababaliw sa kaiisip sa problema na ito. Hindi ko magawang balikan si Iyah sa condo dahil nagi-guilty ako na basta ko na lang siyang iniwan that night after sabihin sa akin ng napakasama kong ama na siya ang nag-utos sa muntikan nang pagbundol kay Iyah that day sa may grocery store. Ginigipit niya ako. Binalaan na kung hindi ko pa iiwan si Iyah, mas malala pa doon ang gagawin niya. Natakot ako na baka totohanin niya ang banta niya kaya isa pa iyon sa dahilan kung bakit hindi ko mabalikan si Iyah sa condo. He also told me that night over the phone that he wanted me to marry Tito Richard's daughter. Grabe, nababaliw na talaga siya!
For the past week, I've been staying with my mother's. Nag-iisip kami pareho ng paraan together with her husband Tito Mack kung paano ko malulusutan ang sitwasyon ko ngayon. Naubusan na kami ng naiisip na solusyon. But then something came up just four days ago. At iyon na lang ang inaasahan ko na makakapag-alis sa akin sa hindi kanais-nais na sitwasyon na ito. That was my only hope. Kapag nag-fail, gagayahin ko na lang siguro si Romeo. Magsu-suicide na lang ako kaysa makasal sa babaeng hindi ko naman mahal. Pero malakas ang kutob ko na magtatagumpay ang plano ko.
"Kuya Claive!"
Palabas na ako sa lobby ng ospital nang may tumawag sa pangalan ko kaya napalingon ako. She ran towards me.
"Kuya, pwede ba kitang makausap?" Cindy asked me.
I smiled at her. How ironic. Ang babaeng gustong ipakasal sa akin ng daddy ko, calling me Kuya? She was only seventeen and my father told me that when she turned eighteen ay ipapakasal na kaming dalawa. Hindi naman sa ayaw ko siya. Actually, she's beautiful and she's an amazing girl and I really like her but not in a romantic kind of way.
Nagpunta kami sa isang coffee shop across the street.
"Alam mo, Kuya, no offense meant ha? Pero 'yong daddy mo, isa siyang baliw na sira ulo."
BINABASA MO ANG
Relationship Status: Married but It's Complicated (complete)
Teen FictionI wrote this story 4 years ago during the time na wholesome pa yung utak ko at puro teen fictions pa lang yung binabasa ko rito sa watty. Hahaha! Kaya ito po ay teen fiction. Naisipan ko lang i-upload dito para di naman masayang yung effort ko sa ka...