Note: Kaya po hindi ko itinuloy ang updating ng story na ito dun sa isang account ko ay dahil tinamad na ako dahil halos wala na akong na-receive na comments kundi "Please, update!", "Kelan po ang next update?", "Update na po, author!"......
Seriously, mas nakakawala po ng gana kapag instead of posting constructive comments about the chapter and the story ay puro paghingi ng next update ang nababasa ko sa comments. Hindi ko alam kung ano ang meron sa story na ito at puro "UPDATE" ang comments na natatanggap ko eh sa ibang stories ko naman eh hindi ako pinipilit mag-update ng readers ko at marunong po silang maghintay kung kelan ako makakapag-post ng next chapter.
Wag n'yo naman po sana akong bigyan ng reason para tamarin ulit na i-update itong story na ito rito. Hindi n'yo naman po ako kailangang madaliin sa posting dahil araw-araw ko na nga pong inu-update ito at isinisingit ko na nga lang sa sobrang hectic na schedule ko.
Iyon lang po. Sana makaunawa naman po yung iba na hindi lang wattpad at pag-uupdate ang buhay ko. Wag po sana kayong ma-offend sa mga sinabi ko. Alam ko po na nakaka-frustrate maghintay lalo at gusto n'yong mabasa agad yung susunod na mangyayari sa story. Pero sana po habaan din natin ang pasensiya natin. Thank you po sa pagbabasa ng story ko.
-AaliyahLeeXXI
**********
Chapter 32-The Culprits
Bryan's POV
Napailing-iling na lang si Cole matapos namin panoorin ang CCTV footage ng nangyari kagabi kay Shanelle. Maaga pa lang ay nagpunta na ako sa SU para i-check sa security department ang mga nangyari kagabi.
"This has to stop, Bry. Sumosobra na sila. This was the worst that they did as far as I know."
I frowned. "Worst?"
"Sinampal nila si Shane sa caf. And even before you went to California, they've been harassing a lot of students here in the campus. Last week muntik na nilang sagasaan sa parking lot sila Kamy at Haley. Nakailag lang 'yong dalawa. Kaya nga pareho silang may galos sa braso nila, sumadsad daw sila sa semento. Even sa Blue Galaxy wala silang patawad. May atraso yata si Alyanna na member ng org n'yo kay Tippy kaya pinaliguan nila ng beer. Galit na galit si Claive, hanggang sa bar niya nanggugulo sila."
Napahawak ako sa sentido ko. Sumasakit ang ulo ko sa mga nalalaman ko.
"And last night was the worst. Kung hindi mo nakita si Shane sa building natin baka kung napa'no na siya. Hindi man nila alam na may phobia si Shane sa dilim, hindi pa rin tama ang ginawa nila."
I clenched my fists tightly. Kumukulo talaga ang dugo ko kapag naiisip ko ang ginawa nila kay Shanelle. Napilitan lang akong iwan si Shane sa bahay para alamin kung sino ang gumawa ng bagay na 'yon sa kanya. Until now ay hindi pa rin siya nagigising although bumaba na ng kaunti ang temperature niya. Isa pa sa ikinakatakot ko ay baka mangyari na naman ang tulad noon na dahil sa sobrang takot niya ay hindi siya nagsalita ng ilang araw. Bukas na ang kasal namin. Paano ko itutuloy 'yon kung ganoon ang sitwasyon niya.
"I will talk to the school's administration regarding these things. Kung ako lang, I wanted them to get expelled." I said through gritted teeth. "Bumalik ka na sa klase. 9AM pa lang, makakahabol ka pa. Uuwi na muna ako."
Tumango siya. "Balitaan mo ako kay Shane ha?" sabi niya bago lumabas ng CCTV room.
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
Shanelle's POV
Ang sama ng pakiramdam ko pagkagising ko. Halos hindi ko maidilat ang mga mata ko dahil nananakit din ang ulo ko. Tumagilid ako at niyakap ang unan na katabi ko. Bigla na lang akong napadilat nang maalala ko ang nangyari kagabi. Nakulong ako doon sa bakanteng room sa dulo ng hallway. Iyon ang huli kong natatandaan na nangyari.
BINABASA MO ANG
Relationship Status: Married but It's Complicated (complete)
Teen FictionI wrote this story 4 years ago during the time na wholesome pa yung utak ko at puro teen fictions pa lang yung binabasa ko rito sa watty. Hahaha! Kaya ito po ay teen fiction. Naisipan ko lang i-upload dito para di naman masayang yung effort ko sa ka...