Chapter 12

17.1K 415 3
                                    

Chapter 12-Mikylan

Shanelle's POV

It's Friday. Nasa kotse kami ni Bryan pero as usual, hindi pa rin kami nag-uusap. Habang ako ay sobrang worried sa mga kumakalat na rumors sa campus, heto siya, parang wala man lang pakialam na pinagtsitsismisan siya ng lahat ng tao sa buong eskwelahan. Hindi ko na talaga kaya itong mga nangyayari.

Kaya nga plano kong kausapin si Auntie para magpaalam na doon na lang ako titira sa dati naming bahay. Alam ko na hindi papayag sila Mommy dahil mag-isa lang ako doon, may caretaker lang na nagbabantay at naglilinis doon. Kaya nga wala akong balak na sabihin kila Mommy ang plano ko.

Lately rin I'm having this weird feeling na parang iniiwasan ako nila Mommy at Daddy. Kapag tumatawag ako sa bahay palaging sinasabi ng mga katulong na nasa office daw. Pag sa office naman ako tumatawag ay sinasabi ng secretary nila na busy raw, nasa meeting, nasa conference, may ka-meet na client sa labas, etc. Miss na miss ko na sila.

"We have a basketball practice after class," basag ni Bryan sa katahimikan. Napakislot pa nga ako dahil sa pagkagulat. "Hindi tayo pwedeng umuwi ng sabay," hindi tumitingin na sabi niya sa akin.

Tumango na lang ako. Mas gusto ko pa nga iyon. Nakakailang kasi siyang kasama. I looked outside the window. Then an idea suddenly popped up. I secretly smiled. Pupunta ako sa bahay namin mamaya.

**********

Two o'clock pa lang at katatapos pa lang ng klase namin. Umuwi na ang tatlong kaibigan ko habang ako naman ay nandito sa labas ng campus at naghihintay ng bakanteng taxi na maghahatid sa akin sa bahay naman. Excited na akong makita iyon ulit after eight years. A lot of my childhood memories came from that house kaya may sentimental value sa akin iyon.

Ipinadyak-padyak ko ang mga paa ko. Nakakangawit kasi. Kanina pa ako nakatayo rito pero walang bakanteng taxi na dumadaan.

Ilang saglit pa ay may humintong pamilyar na kotse sa harap ko. Bumaba ang sakay.

"Kuya Stan?" gulat na tanong ko. Driver siya ng mga Schmidt. Ano'ng ginagawa niya rito?

"Ma'am Shanelle pinapasundo po kayo ni Sir Bryan," sabi nito habang palapit sa akin.

Wow! And shock was an understatement! Seriously? Si Bryan daw pinapasundo ako? Magugunaw na ba ang mundo at bigla yata siyang nagging concern sa akin?

" Pasensiya na po, ngayon lang ako nakarating. Sobrang traffic po kasi." Ipinagbukas niya ako ng pinto sa backseat.

Sumakay naman ako. "Kuya Stan, pwede po bang pumunta muna tayo sa bahay namin? Maaga pa naman."

"Sige po, Ma'am, sabihin niyo lang po kung saan."

**********

"Pasensiya ka na, Ineng pero may nakabili na nitong bahay na 'to," sabi no'ng bagong caretaker doon.

Nandito kami sa may gate ng bahay namin. At naguguluhan talaga ako sa mga sinasabi ni Manang.

"Imposible, Manang, bahay po namin iyan eh."

"Ineng, ikaw ba 'yong anak ng mga Quinn?"

"Opo!" mabilis kong sagot. "Kilala n'yo po ang parents ko?"

"Hindi. Pero nakita ko na sila noong isang taon. Galing sila rito para nga ibenta itong bahay na ito na binili naman ng amo ko."

Pakiramdam ko nanghina ako. Parang maiiyak na nga ako eh. Bakit ibinenta nila Daddy 'tong bahay namin? Isa pang ikinasasama ng loob ko ay kung bakit hindi man lang nila sinabi sa akin. Sigurado akong ayaw nilang ipaalam sa akin ang tungkol dito dahil kung may balak silang sabihin, noon pa lang sanang kinausap nila ako para mag-aral dito ay ipinaalam na nila. Kaso ang sabi lang nila ay titira raw ako sa bahay ng kaibigan nila. Bakit ba hindi nila sinabi sa akin ang tungkol dito?

Relationship Status: Married but It's Complicated (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon