Chapter 66-This Is It!
Bryan's POV
"Bakit ba kasi kailangan ko pang mauna sa venue eh magkasama namin kami sa bahay?" Naiinis kong sabi habang nagda-drive.
"Will you please calm down? Ilang minuto lang mawawala sa paningin mo si Shane kaya wag kang OA mag-react, okay?" sabi ni Mommy sa passenger's seat.
"Almost two hours, Mommy." I corrected.
I saw Kyle rolled his eyes in the rear view mirror.
Shane was right last night, ayoko man aminin pero kinakabahan din ako. This was way too different when we got married civilly. But at the same time I was excited because finally, matutupad na ang promise ko sa kanya noong mga bata pa kami that someday I would marry her.
Hindi talaga ako mapalagay kaya kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng slacks ko. I just want to hear her voice.
"Bryee?" she answered.
"Baby, sa'n ka na?"
"Inaayos lang ni Mommy at Kamy ang make-up ko tapos aalis na rin kami. Why?"
"Wag mo 'ko i-injanin. Baka mag-runaway bride ka."
Tumawa siya ng malakas sa kabilang linya kasabay din ng pagtawa ni Mommy sa tabi ko.
"Napa-paranoid ka na, Bryee. Relax, okay? Paalis na nga kami eh."
"Ingat kayo, baby, ha?"
"Ikaw ang mag-ingat. Nagda-drive ka tapos nagce-cellphone. I'll hang up na ha? Bye."
"Okay, bye. Love you, baby."
She giggled. "Love you, Bryee."
"Shane?" habol ko pa bago niya i-end ang call.
"Yeah?"
I grinned like an idiot. "This is it, baby."
"This is it, Bryee." She chuckled then hung up.
Pagkarating namin sa garden venue ay sinalubong agad ako ni Cole at Claive.
"This is it?" Nakangising sabi ni Cole while giving me a manly handshake.
"This is it."
"Lamig ng kamay mo, dude." Natatawang komento niya.
Claive grinned. "Kahit pala lalaki nagkakaroon din ng wedding jitters." Natatawang sabi niya.
"Mararanasan n'yo rin 'to."
"Bryan..."
Napalingon ako sa tumawag sa akin. Nick grinned at me. Yeah, Nick was here. Ako pa mismo ang nagsabi kay Shane na imbitahan siya sa kasal namin. I told her na naging part din naman ng buhay niya si Nick at kaibigan n'ya rin naman ito kaya alam kong magiging masaya siya kapag nakadalo si Nick sa kasal namin. Of course natuwa siya. And of course, nagselos na naman ako.
But the real reason why I wanted him to attend our wedding was because I wanted to boost up my dented ego. Hindi pa rin mawala sa isip ko noong pinagbantaan niya ako sa hospital sa California na kukuhanin niya sa akin ang asawa ko. Gusto kong ipamukha sa kanya na sa akin sumama si Shane, sa akin masaya si Shane, at ako ang mahal ni Shane. Gusto kong ipamukha sa kanya na kayang-kaya kong pasayahin si Shane dahil mahal na mahal ko siya.
"Good you were able to attend our wedding." I said smugly.
Napailing siya. "Just take care of her and don't hurt her or else..."
"You don't even have to tell me."
He smirked. "Good."
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
BINABASA MO ANG
Relationship Status: Married but It's Complicated (complete)
Teen FictionI wrote this story 4 years ago during the time na wholesome pa yung utak ko at puro teen fictions pa lang yung binabasa ko rito sa watty. Hahaha! Kaya ito po ay teen fiction. Naisipan ko lang i-upload dito para di naman masayang yung effort ko sa ka...