Chapter 34

17.5K 383 41
                                    

Chapter 34-Deception

Shanelle's POV

Friday na. Exactly one week after we got married pero wala pa rin pagbabago sa mga nangyayari sa buhay ko. Until now, hindi pa rin nagpapansinan si Auntie at Bryan kaya nag out of the country na lang si Auntie. Hula ko para lang makaiwas kay Bryan. Lagi lang si Mickey ang kausap ko sa bahay at mga maids.

Si Bryan, hindi pa rin ako pinapansin kaya iniiwasan ko pa rin siya. Nagta-taxi na lang ako para hindi siya makasabay sa pagpasok sa SU at pag-uwi sa bahay. Tulad na lang ngayon habang naglalakad ako papunta sa building namin.

Si Haley, siya lang yata ang masaya sa barkada namin dahil palagi pa rin silang magkasama ni Blaise.

Si Arez, lately palagi rin siyang tahimik at parang laging may iniisip na malalim.

Si Claive, napapansin ko na palagi silang magkasama ni Alyanna lately. Parang bigla silang naging close na dalawa. I wonder what happened to them.

Si Kamy, ilang araw na hindi nakapasok dahil naulanan daw noong Monday, ayun nilagnat. Pero nagtext siya sa akin last night. Papasok na raw siya today.

Si Cole, isa pang parang wala sa sarili at laging nakatanaw sa malayo. I know he's just worried about Kamy. Maraming beses na niya akong tinatanong kung kamusta na si Kamy pero kay Arez lang din ako nakikibalita. Palagi kasing nakapatay ang cellphone ni Kamy. Nag-iinarte pa rin kasi dahil kay Cole. Tinangka rin niyang bisitahin si Kamy pero sabi ni Arez lagi lang daw nagkukulong sa kwarto at kahit sila ay ayaw papasukin. Hindi naman ako naniniwala. Alam kong nagdadahilan lang ang kambal na 'yon. Alam ko naman na iniiwasan pa rin ni Kamy si Cole until now.

"Ayyyyyy!" napatili ako dahil sa sobrang gulat nang may yumakap sa akin mula sa likod ko.

"Morning, BFF!" ngiting-ngiting bati ni Haley sa akin. Kasama niya sila Blaise at Cole.

"Hi, Shane!" halos sabay pa na bati sa akin n'ong dalawa.

Nginitian ko lang sila tapos sabay-sabay na kaming umakyat papunta sa floor namin. Nakita namin sa tapat ng pinto ng classroom namin na nandoon na sila Kameryn at Arez. May kausap silang lalaki na hindi namin kilala. Lumapit kami sa kanila.

"Kamy!" malayo pa lang ay sumigaw na si Haley at patakbong niyakap si Kamy. "You're back! Magaling ka na finally!"

Natawa naman si Kamy. "Hi, Shane!" bati naman niya sa akin after siya pakawalan ni Haley. Ako naman ang niyakap niya. "Hi, Blaise. Hi, Cole." Nginitian naman niya iyong dalawa.

"It's good you're back, Kamy." Sabi ni Blaise. "May kilala kasi ako na parang pusang hindi mapaanak dahil sa sobrang pag-aalala sa 'yo, right, Cole?"

Cole shot him a deadly glare.

"Hi!" nakangiting bati sa amin ng kausap nilang lalaki kanina. "You must be Kamy's friends. I'm Ace Smith." Kinamayan pa niya kaming lahat.

Oh my shocking boo! Sino itong lalaki na 'to na pamatay sa ganda ang ngiti? Hindi naman masamang magka-crush di ba?

"May asawa ka na kaya hindi ka na pwede." Sabi ni Haley sa akin kaya pabiro ko siyang inirapan.

"I'll go ahead. May klase pa kasi ako. T'was nice to meet you all." Nakangiti pa rin na sabi ni Ace bago binalingan si Kamy. "Bye, Kamy! Sabay tayo mag-lunch ha." He kissed Kamy's cheek. "Bye, Arez!" At naglakad na palayo si Mr. Killer Smile.

Nanlaki naman ang mga mata namin. Bakit si Kamy lang ang may kiss sa cheek? Kami ni Haley wala? -.-"

Parang iisang tao lang na automatic na sumunod ang mga tingin namin kay Ace. Nagulat pa ako nang magtama ang mga mata namin ni Bryan na noon ay paparating pa lang. Napaiwas tuloy ako ng tingin. Bakit parang may laser beam ang mga mata niya? Ano na naman ba ang ginawa ko sa kanya eh hindi ko na nga siya pinapansin di ba?

Relationship Status: Married but It's Complicated (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon