Chapter 82- Unexpected Things
Shanelle's POV
"Good morning." Nakangiting bati agad ni Bryan sa akin pagkagising ko.
Kumunot naman ang noo ko at napatingin doon sa digital clock sa bedside table. "3:37PM? Good morning?"
Natawa siya. "Ang sarap kasi ng tulog mo eh." Hinaplos niya ang tiyan ko. "Three weeks na lang, baby Shanee." Sabi niya sa akin.
Ngumiti naman ako. "Yeah. Three weeks na lang. Sobrang excited na akong ma-meet si Little One."
Tumawa siya ng bahagya. "Ano'ng gusto mong ibigay nating name para kay Little One?"
"Hmmm...Ikaw may naiisip ka ba?"
Umiling siya. "Hindi ako nag-iisip dahil gusto sabay natin pag-isipan."
Napangiti naman ako. Sobrang sweet talaga ng asawa ko kahit sa mga simpleng bagay. "Let's name him after you?"
Dumapa siya sa gilid ko pero itinukod ang mga siko para matingnan ako. "Ayoko, nakakasawa na 'yong Bryan eh."
"Okay, pero gusto ko it starts with the letter B pa rin."
He grinned at me. "Barack?"
Hinampas ko siya. "Heh! Umayos ka nga."
"Brad? Brett? Byron? Brennan? Brando?"
"Brando? Ewwww ka naman, Bryee eh."
Tumaas ang kilay niya. "Bryee na lang."
"Ayoko. Pet name ko 'yon for you eh. Gusto ko ikaw lang ang tatawagin ko no'n."
"Banjo? Benjo? Ba...Be...Bi...Bo...Bu...wala na 'ko maisip, Shanee."
I grinned. "Bieber."
"Heh! Baby baby baby oh! No!"
Tawa ako ng tawa. "Alam ko na, combine na lang natin ang names natin para more personal."
"Branelle? Brynelle? Parang pambabae, baby. Ayoko. Baka mabading ang anak natin. Saka ang sagwang pakinggan."
Tumitig ako ng matagal sa mga mata niya habang nag-iisip. Moments later, I smiled. "Bryley Kendrix Schmidt."
He smirked. "Proud na proud talaga ko sa katalinuhan ng asawa ko eh." Umupo siya saka umusog pababa sa tiyan ko. Inililis niya ang t-shirt niya na suot ko. Hindi ko alam, basta simula noong lumaki na talaga ang tiyan ko ay parang mas komportable akong isuot iyong ilang t-shirts niya na malaki sa kanya.
He kissed my swollen tummy. "Hey, Little One, you have a name already. Bryley. You liked it, Bryley?"
Nagkatinginan pa kami saka sabay na natawa nang maramdaman namin na sumipa si Bryley sa loob ng tiyan ko. Yeah, kilalang-kilala niya ang boses ng daddy niya. Kapag narinig na niya na kinakausap siya ng daddy niya ay masayang-masaya siya at sipa ng sipa sa loob ng tiyan ko. Daddy's boy na agad wala pa man.
Bryan grinned at me. "He likes it." Hinaplos-haplos pa niya ang tiyan ko saka hinalik-halikan. "Excited na kami ni Mommy mo na makita ka. Konting hintay na lang at makakasama ka na namin."
Napangiti ako. "Bry?"
Tumingin siya sa akin. "Yeah?"
"Promise me that you'll be there in the delivery room with me to hold my hand when I gave birth to Bryley, okay?"
Tumaas ang kilay niya. "What? Do you think basta na lang kita pababayaang manganak ng mag-isa? Siyempre sasamahan kita." Tumingin siya sa tiyan ko. "Mommy mo kung anu-anong silly things ang naiisip. Nahahawa na sa Tita Kamy mo, 'no?"
BINABASA MO ANG
Relationship Status: Married but It's Complicated (complete)
Novela JuvenilI wrote this story 4 years ago during the time na wholesome pa yung utak ko at puro teen fictions pa lang yung binabasa ko rito sa watty. Hahaha! Kaya ito po ay teen fiction. Naisipan ko lang i-upload dito para di naman masayang yung effort ko sa ka...