Sorry, after 8 days ngayon na lang ako ulit nakapag-update. Sobrang busy lang talaga at nahahawakan ko na lang ang cp ko pagkatapos na ng klase ko sa hapon. Lagi pang puyat kaya lutang ang utak ko madalas.
Chapter 84- Remorse
Magnolia's POV
"It's been two weeks already. Ano'ng sabi ni Dexter? May development na raw ba?" Tanong ko kay Sheena.
Nandito pa rin kami sa ICU ng ospital. Two days ago ay mas umayos na raw ang condition ni Shane. Mabuti na lang at kakilala namin ang may-ari nitong ospital at mismong doktor pa ni Shane kaya nagagawa naming bumisita kahit tatlong tao ng magkakasabay.
Malungkot na tinanaw ni Sheena si Shane na hanggang ngayon ay natutulog pa rin. "Wala pa rin daw signs na ipinakikita na magigising na siya." Then I heard her sighed. "Si Bryley kamusta na?"
"Ayon, maayos naman. Malakas nang dumede. Pero sabi nung dalawang nurse niya madalas daw mamuyat sa gabi. Kung kailan gabi saka iyak ng iyak."
"Nami-miss na siguro niya ang mommy niya." She whispered sadly.
Almost two weeks na kaming doon umuuwi ni Kyle sa bahay nila Bryan dahil kailangan ng titingin sa baby nila. Pero dahil may mga trabaho pa rin na kailangan gawin sa Schmidt Info Tech ay hindi naman ako pwedeng mag-full time sa pag-aalaga kay Bryley kaya kumuha ako ng dalawang nurse na mag-aalaga sa kanya.
Bryley. Iyon pa rin ang pangalan na tawag namin sa kanya base sa sinabi ni Bryan noon pero hindi pa rin namin naaasikaso ang birth certificate niya dahil baka gusto pa nilang dagdagan iyong pangalan ng baby. Hindi ko naman makausap ng maayos si Bryan para matanong.
"How's Bryan?" She asked afterwards.
I took a deep sigh. "Ewan ko ba. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Hindi ko siya makausap ng maayos dahil palagi lang siyang nagkukulong sa kwarto nila." Napailing-iling ako. "Pakiramdam ko parang bumalik ulit siya sa dati noong nawala si Shane at nag-migrate kayo sa California. He doesn't want to talk to anyone. Kakain lang kapag gutom na gutom na. But unlike before, mas grabe siya ngayon because he was always drunk. Kahit nga si Bryley hindi pa rin niya nakikita kahit sulyap lang. Naawa tuloy ako sa apo natin. Hindi na nga maalagaan ng mommy n'ya, ayaw pang makita ng daddy n'ya."
"Siguro nga dahil na-trauma siya doon sa nangyari."
Iyon ang possible reason na ibinigay ni Dexter with the way my son was acting. Three days ago kasi after the accident, biglang nag-seizure si Shane and he witnessed what happened dahil nasa ICU siya noong time na iyon. I could see how frightened he was paglabas niya ng ICU. At noong araw na iyon ay first time na umuwi siya sa bahay and he never came back here since then.
Nag-stay pa ako for thirty minutes bago nagpaalam. Pagdating ko sa bahay nila Bryan ay umakyat agad ako sa itaas at rinig na rinig ko na agad ang malakas na iyak ni Bryley. Mabilis akong pumasok sa room niya. Nakita kong ipinagtitimpla siya ng gatas ng nurse niya. Binati ako ng nurse nang makita ako. Lumapit naman ako sa crib at kinarga siya. Inabot ng nurse sa akin ang feeding bottle niya at ako na ang nagpadede. After that ay nakatulog din agad siya. Ibinalik ko siya sa crib at pinabantayan sa nurse.
Naglakad ako papunta sa master's bedroom. Hindi na ako kumatok because it's either Bryan was drinking or he was sleeping. I entered inside at nakita ko nga siya na naka-slump sa isang one-seater sofa at may hawak na beer bottle hanging on the side of the armrest. Nakalingon siya sa may bintana.
"How is she?" Tanong niya without even turning his head to look at me.
Ganyan naman siya kapag pinupuntahan ko dito para kamustahin. Itatanong agad niya kung kamusta na ang asawa niya. Hindi man siya nagpupunta sa ospital, alam kong concern pa rin siya sa nangyayari sa asawa niya.
Lumapit ako at umupo sa gilid ng magulong kama. "Okay naman—"
"No, she's not. Hanggang hindi siya dumidilat, don't ever tell me that she's okay."
"Bakit hindi mo siya dalawin? Baka naman ikaw lang ang hinihintay niya para gumising na siya."
"Sinabi na iyan ni Tito Dex sa akin, ginawa ko naman pero hindi pa rin siya nagising. And worst...Dammit!"
"Paano kung magising siya anytime? Ayaw mo ba na ikaw ang una niyang makikita pagdilat niya?"
Nakita kong umalon ang dibdib niya tanda ng malalim na paghinga. Tapos bigla na lang humagulgol ng iyak at humarap sa akin. "Nahihirapan na 'ko, Mommy. Hindi ko kayang makita siya na ganoon ang sitwasyon. Sa bawat araw na lang na dumadaan na hindi siya nagigising, dumodoble pa lalo ang takot ko na baka iwan na niya ako ng tuluyan. Paano na 'ko? Paano na yung anak namin? Tuwing naririnig ko na umiiyak iyong anak namin, pakiramdam ko parang pinipira-piraso ang buong pagkatao ko."
Tumulo na rin ang mga luha ko dahil sa matinding awa sa kanya. Ngayon ko lang nakita na nagkaganito ang anak ko. Madalas tahimik lang siya habang nilulutas ang mga problema niya. Pero heto siya ngayon, umiiyak sa harap ko at wala akong magawa para pagaanin ang loob niya. "Baka naman gusto ka lang makita ni Bryley kaya iyak siya ng iyak."
Inilapit niya sa bibig ang bote ng beer saka inubos ang laman niyon. "Wag n'yo na 'kong pilitin na magpakita sa kanya dahil ayoko."
Lumapit na ako sa kanya at lumuhod sa harap niya. Kinuha ko ang basyo ng bote sa kamay niya at inilapag iyon sa sahig. I took his hand and looked up at his face. Ang haggard na ng itsura niya, halatang ilang araw nang hindi nagshe-shave. "Bryan, kailangan ka rin ng anak mo."
Umiling-iling siya kasabay ng sunod-dunod na pagtulo ng mga luha niya. "No, hindi mo kasi ako naiintindihan. Nahihiya ako sa anak ko. Ano ang mukhang ihaharap ko sa kanya pagkatapos ng mga nangyari? I put his life and his mother's life in danger. I'm a racer, ilang beses ko nang nailigtas sa kapahamakan ang sarili ko during the races, pero hindi ko man lang sila nagawang iligtas sa kapahamakan ng mommy niya during the accident. Kung hindi ko sana niyayang kumain sa labas ang mommy niya that night, hindi sana kami naaksidente."
Sunod-sunod na rin ang pagtulo ng mga luha ko. "Anak, why are you even blaming yourself? Ikaw na mismo ang nagsabi, aksidente iyon. Hindi maiiwasan. You did everything you can to protect your wife and your child. Iniwas mo iyong kotse para hindi sumalpok sa inyo iyong truck. Kung hindi mo iyon ginawa, sa tingin mo ba buhay pa kayong tatlo ngayon?"
"I don't know. I don't know what to think anymore, mommy." Yumuko siya at yumakap na lang sa akin saka nag-iiyak sa balikat ko.
Ilang saglit pa ay nakarinig kami ng sunud-sunod at malalakas na katok. Sino kaya iyong malakas ang loob na kakatok dito dahil pati mga katulong ay natatakot na harapin si Bryan dahil palagi silang nabubulyawan. Except na lang kung emergency.
Huminto sa malakas na pag-iyak si Bryan pero ibinaon pa ang mukha niya sa balikat ko para makaiyak ng tahimik. "Mom, baka may nangyari na kay Shane." Halos pabulong na sabi ni Bryan.
Kinabahan naman ako sa sinabi niya. Naiwan ko pa naman sa nursery ang cellphone ko. Lumingon ako sa pinto. "Pasok!"
Biglang bumukas iyong pinto at bumungad si Alice na kasambahay nila Bryan. "Ma'am!" Nanlalaki ang mga mata niya habang hawak sa isang kamay ang receiver ng telepono sa baba ng bahay.
Lalo tuloy akong kinabahan. Pero hindi naman ako makatayo dahil lalo pang humigpit ang pagyakap ni Bryan sa akin. I could feel his body starts to tremble in fear.
"Kakatawag lang po ni Ma'am Sheena. Pumunta na raw po kayo agad sa ospital kasi gumalaw na raw po yung daliri ni Ma'am Shane..."
Biglang napakalas ng yakap si Bryan sa akin pagkatapos marinig iyon saka napatingin kay Alice.
"...Sabi daw po ng doktor baka magising na siya kahit na anong oras."
Halos sabay pa kaming napatayo ni Bryan. Napatakip na lang ako ng bibig and thank the heavens for this new development.
Kumilos si Bryan at mukhang balak nang lumabas ng kwarto pero pinigilan ko siya at ngumiti sa kanya. "Baka hindi ka...ma-recognize ng asawa mo. You might want to...uh...clean yourself first."
Tumango naman siya at mabilis na pumasok sa banyo.
***************
Naiyak naman ako sa chapter na 'to!
Wala akong masyadong alam sa mga visiting protocols at pagbabantay sa ospital kaya kung may maling infos, pagbigyan n'yo na lang ako... haha!
06.24.17
BINABASA MO ANG
Relationship Status: Married but It's Complicated (complete)
Teen FictionI wrote this story 4 years ago during the time na wholesome pa yung utak ko at puro teen fictions pa lang yung binabasa ko rito sa watty. Hahaha! Kaya ito po ay teen fiction. Naisipan ko lang i-upload dito para di naman masayang yung effort ko sa ka...