Chapter 5

19.5K 419 3
                                    

Chapter 5-Meeting Cole, Claive and Blaise

Shanelle’s POV

Tumingin ako sa labas ng bintana, unti-unti nang lumiliwanag ang kalangitan. I felt my eyes dropping. Hanggang sa hindi ko na alam kung ano pa ang mga sumunod na nangyari. Finally, sleep had mercy on me.

Bigla akong napadilat at biglang napaupo. At dahil malapit ako sa gilid ay bigla na lang akong na-out of balance at nahulog sa kama. WHAT THE HELL!!! Ang sakit! Tumama sa sahig ang ulo ko. Sa pagkakatanda ko ay kapipikit pa lang ng mga mata ko tapos gigisingin lang ako ng tunog ng electric guitar?! Oh my shocking boo!!! Seriously?!

Disoriented pa ako habang nakikinig sa paligid. May concert ba hah?! Wait lang, parang alam ko yata ‘yong kanta na ‘yon ah. I gathered my thoughts. Napadilat ako ng husto. Oh my shocking boo! Kanta ‘yon ng isa sa mga favorite bands ko! Yellowcard!

♪Broken this fragile thing now
And I can't, I can't pick up the pieces
And I've thrown my words all around
But I can't, I can't give you a reason♪

Wait nga, parang live yata ‘yong kanta ah.

♪I feel so broken up (so broken up)
And I give up (I give up) 
I just want to tell you so you know♪

I know that voice! Parang boses ni Mr. Sungit ‘yon ah. Mabilis akong tumayo at lamapit sa pader ng kwarto ko. Galing sa kabilang kwarto ‘yong tugtog. Idinikit ko pa sa pader ang tenga ko para marinig ng maayos. Napaupo ako sa sahig at sumandal sa pader habang nakikinig sa kanta. Pumikit pa ako.

♪Here I go, scream my lungs out and try to get to you
You are my only one
I let go, there's just no one that gets me like you do
You are my only, my only one♪

His voice, still cold but it is relaxing. Iyon ‘yong tipo ng boses na masarap sa tenga at hindi ka magsasawang  pakinggan. Sa boses pa lang mai-in love ka na. Paano pa kaya kung magiging malambing ‘yong boses na yon tuwing kinakausap ka. Bryan...

♪Made my mistakes, let you down
And I can't, I can't hold on for too long
I ran my whole life in the ground
And I can't, I can't get up when you're gone

And something's breaking up (breaking up)
I feel like giving up (like giving up)
I won't walk out until you know

Here I go, scream my lungs out and try to get to you
You are my only one
I let go, there's just no one who gets me like you do
You are my only, my only one♪

Only one? Para kanino kaya ‘yong kanta na ‘yan? Pakiramdam ko kasi, kahit hindi ko nakikita si Bryan ngayon eh parang sobrang lungkot niya habang kumakanta.

♪Here I go so dishonestly
Leave a note for you my only one
And I know you can see right through me
So let me go and you will find someone

Here I go, scream my lungs out and try to get to you
You are my only one
I let go, there's just no one, no one like you
You are my only, my only one
My only one
My only one
My only one
You are my only, my only one♪

Tapos na ‘yong kanta pero para pa rin akong nagde-daydream na nakaupo doon. I yawned. Noon ko lang naalala na halos wala pa akong tulog. I glanced at the wall clock. 7:30 AM? Isang oras pa lang yata ang tulog ko. Natampal ko ang noo ko bago tumayo. Mahihirapan lang akong hanapin ulit si tulog kaya kakain na lang muna ako.

I was humming the song earlier habang binubuksan ang pinto ko.

“MY ONLY ONE, MY ONLY O—“

Nagulat pa ako at napatingin sa taong kumakanta nang sabay kaming lumabas sa magkabilang pintuan. Napahinto siya sa pagkanta at napatitig sa akin. Sunod namang lumabas ang dalawa pang lalaki. Nagulat din silang dalawa nang makita ako.

“Whoa! You’re way too beautiful, girl. That’s why it will never work. You’ll have me suicidal, suicidal when you say it’s over,” nakangising kanta no’ng isa na kunwari pang may hawak na microphone.

Napa-smirk naman iyong isa pang lalaki na nakakainsecure ang kakinisan ng mukha bago lumingon sa noon ay papalabas sa pintuan na si Bryan. “Damn, Dude! May girlfriend ka na pala tapos hindi mo man lang sinasabi sa amin.”

Magsasalita na sana ako para sabihin na hindi ako girlfriend ni Bryan nang bigla akong nilapitan no’ng lalaki na kumanta ng Beautiful Girls kanina at tiningnan mula ulo hanggang paa. “So, Miss ONLY ONE, nakapantulog ka pa ah. Meaning you slept here in this house. Haha! Si Bryan may ka-live in na pala. Dapat i-celebrate natin ‘to! Party! Party!”

Lumapit si Bryan at binatukan siya ng may kalakasan.

“Aray ko naman!” Hawak niya ang likuran ng ulo. “Makabatok ka eh hindi ko naman aagawin sa ‘yo si Only One mo.”

“Stupid! I don’t have any relationship with her!” gigil naman na sabi ni Bryan.

Natigilan ako nang marinig iyon. Kahit kaunti talaga wala na akong halaga para sa kanya.

Iyong isa naman ang lumapit sa akin at inakbayan ako. He was still smirking. “If that’s the case, pwede ko ba siyang—“ Nakita kong bigla siyang natigilan nang mapatingin sa mga nanlilisik na mata ni Bryan. He cleared his throat habang inaalis ang pagkakaakbay sa akin. “Sabi ko nga off limits si Miss Beautiful eh.”

Napatingin naman ako doon sa isa pang lalaki na kanina pa nakatitig sa akin. “You look familiar.” Lumapit din siya sa akin at sa nakakailang na paraan ay binigyan ako ng nanunuring tingin. “No kidding! Shanelle, is that you?!” gulat pang tanong niya.

Pati ako nagulat nang sabihin niya ang pangalan ko. He knew me? “Ahh...” Familiar din ang mukha niya sa akin. Tinitigan ko siya. Those eyes...My eyes suddenly widen in recognition before blurted out, “Cole Jameson Montessa?!”

A smile broke his lips at bigla na lang akong niyakap. “I knew it right! You became even prettier huh.” Binitawan niya ako at tiningnan ulit.

“At ikaw naman bolero pa rin.” Natawa ako. “Hindi kita nakilala ah. The last time I saw you ang taba-taba mo pa.”

Biglang natawa iyong dalawang lalaki sa likuran niya. Napasimangot naman siya. “Grabe naman. Taba-taba talaga? Kailangan i-emphasize pa ‘yong taba-taba? Hindi ba pwedeng chubby lang?”

Natawa na rin ako. Until now may pagkapikon pa rin pala siya. Actually, childhood friend namin siya ni Bryan. Makakakapit-bahay kaming tatlo noon sa iisang subdivision at makakaklase rin kami sa school.

“Ehem! Baka naman pwede kaming i-introduce kay Miss Only One ‘di ba?” sabi no’ng isang mukhang makulit.

“Bumaba na lang kayo pag tapos na kayo diyan,” walang emosyon na sabi ni Bryan at nagsimula nang maglakad papunta sa hagdan.

Nagkatinginan naman iyong tatlo at sabay-sabay na nagkibit-balikat.

“Shane, ito nga pala si Blaise,” turo ni Cole doon sa lalaking mukhang pilyo at makulit. “And this is Claive,” turo ulit niya doon naman sa lalaking mukhang babaero pero mas maganda pa ang kutis kesa sa isang tunay na babae. “Kaibigan namin sila ni Bryan,” sabi pa ni Cole bago bumaling doon sa dalawa. “This is Shanelle, childhood friend namin ni Bryan.”

“Really?” taas ang kilay na sabi ni Claive, still smirking at me. “Eh bakit gano’n ka tratuhin ni Bryan? Parang hindi ka niya kilala eh.”

“Dude, para namang hindi mo kilala si Bryan eh galit naman yata ‘yon sa lahat ng babae.” Ngumiti sa akin si Blaise. Inabot ang kamay sa akin, “Nice meeting you, Shanelle.”

“Just call me Shane.” Ngumiti rin ako at tinanggap ang kamay ni Blaise pati na rin kay Claive nang iabot ang kamay sa akin.

“Let’s go downstairs,” Cole said, “Kawawa si Bryan, walang kasabay kumain.”

**********

02.24.17

Relationship Status: Married but It's Complicated (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon