Chapter 1: High School
Ron's POV
Excited akong pumasok dahil last month ko na sa campus na 'to, sa wakas ay gagraduate na ako.
Hindi ko rin maiwasan na malungkot sa tuwing naiisip ko ang mga masasayang panahon ko dito.
Sa lahat ng pinagdaanan ko, terror teachers, complicated projects at mga napakahirap na exams napapangiti na lamang ako dahil sa wakas ay matatapos na ang lahat ng iyon.
Sa tagal ko dito kakaunti lang ang mga naging kakilala ko pero iisa lang ang naging matalik kong kaibigan, si Carlo... sanggang dikit na kami, madalas na nagkakaintindihan kami sa mga bagay-bagay, matalino sya kaya sa kanya ako kumukopya at hindi naman sya nagdadamot ng sagot kapag may exam!! 😀
"Carlo!!!"
Nilakasan ko talaga ang pagtawag sa pangalan nya kasi nakita kong nakatulala na naman sya.
"Oh Pare! Ang aga mo yata ngayon! Himala ah!"
"Oo nga eh, mas excited na kasi akong pumasok ngayon kasi malapit na ang graduation"
"Wow naman, excited ka dyan!! Para namang hindi mo alam kung anong mangyayari pag college! Mas magulo!!!"
"Sa ngayon Carlo hindi ko pa iniisip yan, focus ako sa kasalukuyan"
"Ewan ko sayo!! Ang baduy mo!"
Natawa ako sa sinabi nya kaya mahina kong binatukan ang bunbunan nya.
---
Lunch break...
Kapag ganitong oras ay lagi kaming laman ng school canteen, may inaangkin din kaming mesa doon na kung akala namin ay saamin. 😀
"Carlo, since mabait ako ililibre kita ngayon! Pero ikaw ang pumila sa counter para bumili ng pagkain natin!"
"Wah talaga!!?? Kanina pa ako nahihiwagaan sayo Ron, ikaw ba talaga ang kaibigan ko?"
Tumingin nalang ako ng seryoso sa kanya at iniabot ang pera.
Nabaling ang tingin ko sa mga tao na nasa pila, nanlaki nalang ang mata ko nang makita ko ang isang babae na sobrang ganda, sa tagal ko dito sa school na to ngayon ko lang sya nakita!.
Hinabol ko si Carlo at sinabing ako nalang ang pipila para hindi na sya mapagod. Hahah palusot lang yun syempre.
"Hi!,,Ako nga pala si Ron. Ikaw anong pangalan mo?"
Tiningnan lang ako ng magandang babae, hindi naman nya sinagot ang tanong ko kaya inulit kong muli ang sinabi ko.
"Hi!, Ako si Ron, ikaw anong pangalan mo?"
"Ang presko!!!" Hindi ko alam kung nagpaparinig sya pero presko naman talaga sa canteen.
"Oo nga diba miss, ang presko dito kaya masarap kumain"
"Ikaw ang tinutukoy kong presko!!, pwede ba wag mo akong pagtripan!"
Sinabi nya yun with a serious face.
Napansin ko naman na nagsisitawanan ang mga taong nakarinig ng sinabi nya!.
"Hindi naman kita pinagtitripan, gusto ko lang sana makipagkilala"
naglungkot lungkutan ako para maguilty sya at kunwari na rin ay aalis sa pila nang bigla syang nagsalita...
"Sorry, I'm Janelle,"
Napangiti ako kasi effective ang ginawa ko,, nakipagkamay naman sya nang iabot ko ang kamay ko. Panalo!!! 😀
Inalok ko sya na dun sa table namin kumain at pumayag naman si Janelle.
"Anong section mo Janelle? Bakit ngayon lang kita nakita?" Tanong ko habang nakangiti sa kanya.
"Section 1, at hindi ko alam kung bakit ngayon mo lang ako nakita!"
"Wow, star section ka pala, kaya siguro hindi kita nakikita kasi ang layo ng section natin, section 16 kami"
Hindi ko alam kung anong meron kay Janelle at bakit naisipan ko na kilalanin sya. Ang hinhin ng kilos nya at sobrang ganda talaga nya. Alam kong baduy pero tinamaan na ako sa kanya!.
Pagkatapos naming kumain ay pinauna ko na si Carlo sa room at sinabi kong ihahatid ko si Janelle sa room nito, kasabay noon ay hiningi ko ang number ni Janelle, natawa naman ako sa sinabi nya.
"Wala po akong cellphone!!"
Sa modern world na to kahit siguro grade 3 may cellphone na. Pero sya?? Grabe hindi ako makapaniwala!.
"Hahahaha!! Hindi naman kapanipaniwala ang sagot mo. Seryoso ka!!?"
Hindi ito sumagot at naging seryoso ang mukha. Kaya hindi ko na lang kinulit baka kasi magalit.
"Oh ito na ba yung room nyo?"
"Oo, salamat sa paghatid Ron!"
"Naku wala yon!!"
"Sige pumunta ka na sa room nyo, baka ma-late ka pa"
Nilakasan ko ang loob ko at tinanong ko sya kung pwede ko ba syang ligawan. Sa panahon kasi ngayon dapat 'agad agad'. Wala nang hiya-hiya, kasi pag gusto mo ang isang tao, tapatin mo sya sa nararamdaman mo.
"Ang bilis naman yata Ron!"
"Ah ganun ba?, masyado ba akong padalos-dalos?"
"Oo" tipid na sagot nya.
"Tinamaan kasi ako agad nung nakita kita kanina!"
"Ang babata pa natin, wag ka munang magmadali!, at hindi pa kita masyadong kilala noh!"
"Sige kung yan ang iniisip mo, hihintayin nalang kita kung kailan ka na handa"
Dali dali syang pumasok sa room nila at ako naman ay nagmamadaling nagtungo sa room dahil naalala ko na terror ang teacher namin sa oras na yun at ayokong masabon kapag late ako.
Lumipas ang ilang araw naging mas close kami ni Janelle, nakikita ko na ang magaganda nyang paguugali na lalo pang nagpadagdag ng pagmamahal ko sa kanya.
---
Janelle's POV
Hindi naman pala ganun kasama tong lalaking nasa harapan ko ngayon, yung akala ko kasi mayabang sya at saksakan ng hangin sa katawan pero napakabait pala nya.
Ang saya nyang kasama, ang lakas ng sense of humor nya na nakakatulong sakin para makalimutan kahit ilang oras ang mga problema ko.
"Ron!, may sasabihin ako sayo!"
"Oo Janelle, alam ko nang gwapo ako kaya hindi mo na kailangan pang ipaalala"
"Ang kapal naman ng mukha mo!! Hindi yun ang sasabihin ko sayo!"
Pinilit kong pigilan ang ngiti ko pero hindi ko ito nagawa.
"Ok, seriously, ano ang sasabihin mo?"
Tinitigan ko sya saglit bago ako nagsalita.
"Ron, wag mo na akong ligawan!"
Nakita ko ang pagkadismaya nya at parang maiiyak sa sinabi ko, napansin ko din na nanginginig ang kamay nya, ibig sabihin ay nabigla at nasaktan sya sa sinabi ko.
"Ganun ba Janelle," nanginginig ang boses nya nang sinambit nya ito.
"Oo Ron..... kasi hindi mo na kailangan pang gawin yun!"
"Anong ibig mong sabihin? Bakit?"
"Bihira na kasing makahanap ng katulad mo, napapasaya mo ako kapag kasama kita at naisip ko na wag mo na akong ligawan kasi ngayon pa lang.....Tayo na!!"
Natuloy ang kaninang nagbabadyang pag iyak, hindi ko naman gustong paiyakin si Ron pero sana tears of joy ang mga yun.
"Talaga Janelle?? Hindi mo alam kung paano mo ako napasaya sa araw na to, Mahal na mahal kita Janelle!"
Niyakap nya ako pero agad akong kumalas dahil baka may makakita saaming guro at baka ipa-guidance pa kami.
Ramdam ko sa kanya ang saya, maging ako ay kinikilig kasi sa TV ko lang napapanood ang mga ganitong eksena. Ang nararamdaman naming pagmamahalan?? Sana it would last forever.....
BINABASA MO ANG
My Ex is now a Pop Star
FanfictionA short story of how a man's decision can change his entire life.