Chapter 12: Real one
Janelle's POV
Parang bigla akong naninibago ngayon, bakit naiisip ko pa sya, samantalang dapat ko na syang kalimutan dahil sa ginawa nya.
"Hmmm, girls tingnan nyo tong mga pictures ko sa internet!!" Mangiyak ngiyak na tugon ni Shaina habang ipinapakita saamin ang mga viral photos nya.
"Nakakaasar!! Meron dyan na nilagay yung mukha ko sa logo ng isang brand ng pintura, meron ding isa na may caption na 'Shaina the number one paint'... hmmm Nakakainis!!" Pahabol nya.
"Hahaha, bagay naman diba?" Pang asar ni Kayezy.
Maya maya pa ay narinig kong may kausap si manager sa cellphone habang bumababa sa hagdan.
"Ok...thank you for the information...yes po...sige po....Thank you.." mga salita na sinasambit ni manager.
Ibinaba ni manager ang phone nya at kinuha ang laptop, sinabihan din nya kami na lumapit sa kanya.
"Tinawagan ako ng taga GG Tv station, nagpadala daw sila ng cctv video thru email kaya titingnan natin."
Nang bukasan ni manager ang email nya ay agad naming pinanuod ang cctv video, nakita namin na may ibang lalaki na naghagis ng paint balloon mula sa backstage.
Nakita rin namin ang buong pangyayari, hindi si Ron ang salarin!!
Bigla akong nakaramdam ng panghihina at kaba. Inuusig din ako ng konsensya ko sa mga nasabi ko sa kanya.
Paano 'to? Nagpadalos dalos ako kaya masama ang kinahinatnan ng lahat.
"I told you.. hindi talaga kayang gawin ni Ron ang mga ibinintang sakanya!" Paunang wika ni Kayezy.
"Hmmm, totoo nga, I feel guilty na tuloy, napagbintangan sya at nawalan ng trabaho dahil sa maling paratang!" Nalulungkot na sambit ni Shaina.
"Maging ako ay nainis sakanya pero ngayon ay nahihiya ako sa sarili ko kasi mali pala ako!" Wika ni Cristy
"Anong plano mo Janelle?" Biglang tanong ni Kayezy.
"Huh?? Ah...dapat lang na managot yung tunay na may kasalanan!" Yun na lamang ang nasabi ko.
"Sabi saakin ng nakausap ko, nahuli na daw ang lalaking yan! Gusto nyong puntahan natin?" Tugon ni manager.
Sumang-ayon kami sa sinabi ni manager at pinuntahan ang lalaking tunay na may kasalanan.
"Bakit mo ginawa yun!!!?" Pabulyaw na wika ni Cristy
Nanatiling tahimik ang lalaki at parang walang balak na magsalita.
"Magsasalita ka ba o wawasakin ko ang mukha mo!!?" Galit na banta ni Cristy.
"Pasensya na po, akala ko po kasi parte yun ng magiging performance nyo, yun po kasi ang sabi saakin."
Wika ng lalaki.
"Sinong nagsabi sayo?" Malumanay na tanong ni manager.
"Si Zoelynna po!"
Napansin ko na parang nanginginig ang nakagugom na kamay ni Cristy, gigil na gigil siguro sya sa nalaman nya.
"Girls!! What are we waiting for?" Pataray na wika ni Cristy.
"Hey, wag kayong magpadalos dalos, umpisahan nyo muna sa pakikipag usap!" Sambit ni manager.
Iniwan na muna namin si manager dahil sya ang mag aasikaso ng mga kailangan gawin dun sa lalaking salarin.
---
Cristy's POV
Sama sama naming pinuntahan kung saan naninirahan si Zoelynna, paano namin nalaman??? Easy.....Connection!
Kumatok ako nang malakas para marinig nya agad, kating kati na kasi ang mga kamay ko.
Hindi ako nabigo at agad nyang binuksan ang pinto.
Hinila ko sya palabas at isinandal sa dingding.
"Bakit mo gustong mapahiya kami?" Tanong ko sa kanya.
"Excuse me!! Don't lay your dirty hands on me!" Pataray na sambit nya.
"Sasagot ka ba oh manghihiram ka ng mukha sa alaga mong aso?" Pananakot ko sabay turo sa maliit na aso na nakaupo sa tapat ng pinto.
"What are you talking about?" Mataray pa rin nyang sambit
"Ohh,,, nagmamaang maangan ka pa huh!!" Aambahan ko na sana sya ng suntok pero pinigil ako ni Janelle. Inilayo din nya ako kay Zoelynna.
"Zoelynna are you ok?" Malumanay na tanong nya.
"Tell that girl na hindi nya ako kaya, kahit na magsama pa sila ng kapatid nya ay hinding hindi nila ako matatalo!!" Pataray na wika ni Zoelynna.
"Zoelynna!! We're here para makausap ka, bakit ka ba nag utos na tapunan si Shaina ng paint?" Malumanay pa rin na tanong ni Janelle.
"Well the truth is I don't like you..you..you... and you.." isa isa nya kaming tinuro nang sambitin nya yun.
"Gusto kong makita kayong talunan I was the one who told that guy to throw paint on you, pero sabi ko unahin si Shaina para nakakatawa! Alam mo you should thank me kasi hindi kayo nadamay!!" Maarteng wika nya
"So you want us to go down? And you want yourself to be on top? Pataray ding wika ko.
"Ofcourse, I hate you all!! Dapat lang na ako ang maging pinakasikat na popstar at hindi kayo!!" Sambit ni Zoelynna habang hinahawi ang buhok nya.
"Nagsisimula ka palang pero nagmamataas ka na agad!! Gusto mong palarin ganun?"
Hindi na ako nakapagpigil at pinatikim ko sa kanya ang pinakamalakas kong sampal. By the way isa ako sa best spiker ng volleyball noong college kaya malalakas ang sampal ko. Inisip ko nalang na ang mukha ni Zoelynna ay bola ng volleyball.
"Gusto mo palang palarin eh.. ayan palad....on your face!!"
Umalis kami sa lugar na tinitirahan ni Zoelynna na may malaking ngiti saaming mga labi. I like how the four of us unites when someone is in trouble or someone was troubled....
----
Janelle's POV
Habang nasa sasakyan kami ay nagsisitawanan parin ang tatlo, hindi na yata nila makakalimutan ang itsura ni Zoelynna kanina.
"Siguro... Hanggang ngayon ay hilong hilo parin yun!!" Natatawang wika ni Shaina.
"Sure yun! Hindi ko akalain na ganun pala kalakas 'tong si Cristy.. natatakot na tuloy ako sayo!!" Natatawa ring sambit ni Kayezy.
"Let's celebrate pagdating natin sa dorm ah!!" Anyaya ni Cristy.
Gusto ko sanang puntahan namin ang bahay ni Ron kaso nahihiya ako at parang hindi ko pa sya kayang harapin sa ngayon.
Nang makabalik kami sa dorm ay agad na nag order si Cristy ng mga pagkain sa favorite fast food chain namin.
Naghuhugas ako ng mga kamay ko nang biglang may tumawag sa phone ko, kaya dali dali akong nagpunas ng kamay at tiningnan kung sino ang tumatawag.
Magkahalong kaba at saya ang naramdaman ko nang makita kung sino ang tumatawag kaya sinagot ko na agad ito.
"Hello!"
"Nalaman ko na ang nangyari!" Wika nya
"Sorry ah!"
"Wag kang magsorry, alam ko na din ang katotohanan.. sinabi saakin ng manager nyo!"
"Kumusta ka na?"
"I'm ok now, babalik na pala ako dyan!"....
BINABASA MO ANG
My Ex is now a Pop Star
FanfictionA short story of how a man's decision can change his entire life.