Chapter 14: This is War
Shaina's POV
"Girls! Pwede ba na magpahinga muna tayo? I'm tired!"
"Sige pero ten minutes lang ah!" Sambit ni Janelle.
"Yehey!! Thank you Janelle!!"
Kinuha ko ang aking cellphone at nag open ng social media account ko, ang daming messages at notifications ang hirap nito isa isahin.
"Girls kayo rin ba marami na ring messages at notifications sa social media accounts nyo?"
"Hindi pa ako nag oopen Shaina!" Sagot ni Kayezy.
"I don't have time!" Sagot din ni ate Cristy
Tiningnan ko si Janelle at nakataas lang ang kilay nya, grabe sya ang taray taray nya talaga! Hmmm.
Nag log out agad ako nang hindi man lang tinitingnan ang mga notifications at messages. Maya maya pa ay biglang tumatawag si Cedric sa cellphone ko. Oh M G!!
"Hello Cedric!"
"Shaina pwede ba tayo magkita? May sasabihin lang akong importanteng bagay!" Mahinang sambit nya sa tawag.
"Sige walang problema!"
*end of call*
Hmmm, yun lang? Nabitin ako sa call nya ah!!
Hindi pa nagtagal ay tinawag kami ni manager upang ipakita ang breaking news..
Si Zoelynna ang nasa news, nagpa-press conference ang malditang yan!
Narinig namin syang nag announce na ikakasal na daw sya, sa isang non-showbiz guy. So what ba??
Naisip ko na mahiwaga pala ang sampal ni ate Cristy, sa isang sampal love life ang kapalit. Amazing naman yun, hmmm magpapasampal nga ako sakanya para ikasal na din kami ni Cedric.
Kinagabihan ay nagtungo si Cedric sa dorm at hindi na sya nagpatumpik-tumpik pa..
"I'm getting married!" Mahinahon nyang tugon
"Huh? You're getting married? Hindi pa nga kita sinasagot eh!" Pabiro kong sambit.
Hindi nawala sa mukha nya ang pagkaseryoso, hindi rin sya natawa sa joke ko.
"I'm getting married with Zoelynna!" Sambit nya na parang nanginginig pa.
Hindi na ako nakapag salita pa sa gulat, naramdaman ko rin na nanginginig ang mga kamay ko.
Hindi sya nagbibiro, seryosong seryoso sya sa kanyang mga sinabi. Pero sa lahat ng pwedeng pakasalan bakit si Zoelynna pa?
Kumakabog ng malakas ang puso ko, nasasaktan ako at hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi nya. Hindi rin ako nakapagpigil at nasampal ko si Cedric.
"Bakit mo pa ako pinaasa!!? Bakit lumapit ka pa saakin at bakit ka pa nagpakita!!?" Galit kong sambit
Hindi sya tumitingin saakin at tahimik lamang sya ng tanungin ko. Marahil may dahilan sya kaya nya pakakasalan si Zoelynna, pero ano ba ang dahilang yun? Kailangan kong malaman!.
"Bakit hindi ka makapagsalita?"
"Sorry Shaina, hindi ko sinasadya!" Mangiyak ngiyak nyang sambit
Tumulo na rin ang mga luha saaking mga mata na kanina ko pa pinipigilan.
"Anong dahilan mo!?" Mahina kong sambit
Pinunasan nya ang aking luha at niyakap ako nang mahigpit, gusto kong kumawala sa mahigpit nyang yakap pero hindi makagalaw ang katawan ko, pinipilit ng puso ko na manatili sa kanyang yakap.
----
Cristy's POV
Pumasok sa kwarto ang kapatid ko at napansin ko na namumugto ang kanyang mga mata.
"Umiyak ka ba?" Nagaalalang tanong ko sa kanya.
Hindi sya nagsalita pero tiningnan nya ako, ramdam ko ang lungkot sa mga mata nya, may problema sya at kailangan ko syang tulungan.
Dumeretso si Shaina sa kanyang higaan at nagtambon ng unan sa mukha. May problema nga sya, nagkakaganyan lamang sya kapag may nang aaway sa kanya o hindi naman ay may nanakit sa puso nya.
"Gusto mo ba na pagusapan natin ang problema mo?" Mahinahon kong tanong
"Ate not now!" Mahina nyang sagot.
Naiinis na naman ako ngayon at gusto ko talagang malaman kung sino o ano ang dahilan ng kanyang kalungkutan.
----
Cedric's POV
"Honey! Nasabi mo na ba ang totoo kay Shaina?" Malambing na tanong saakin ni Zoelynna.
Hindi ko sya pinapansin dahil mainit pa ang ulo ko. Kung hindi dahil kay Zoelynna ay hindi kami magkakahiwalay ni Shaina.
"Honey!! Tell me!" Mapilit na sambit ni Zoelynna.
Tiningnan ko sya nang masama at kinuha ko ang bote ng alak na iniinom ko at ibinato sa isang painting.
"Wag mo akong kausapin!!! Pakakasalan na nga kita diba!!!?" Sigaw ko sa kanya na ngayon ay gulat na gulat at takot na takot.
"Honey, dapat lang na maging mabait ka saakin mula ngayon, kasi magiging daddy ka na!" Sambit nya
"Pakakasalan kita para sa kapakanan ng baby kaya huwag mong isipin na kaya kita pakakasalan ay dahil sa mahal kita!! Kahit kailan hindi kita minahal tandaan mo yan!"
Lumapit ako sa salamin at agad na sinuntok ito na naging dahilan ng pag agos ng dugo mula sa kamay ko.
Bigla naman sumagi sa isip ko ang nangyari noon...
*flashback*
Umiinom ako sa bar kasama ang mga kaibigan ko, nagkakasayahan kami katulad ng ibang magkakaibigan.
Dumating ang isa pa naming kaibigan na si Zoelynna, dahil malapit na ang pagpapakilala sa kanya bilag bagong talent ng PND entertainment company ay nagyaya syang magcelebrate.
Drink all we can hanggang sa namalayan ko na lang na nasa kwarto na nya ako.
*end of flashback*
---
Zoelynna's POV
Magkaklase kami ni Shaina noong college at masasabi ko na mabait sya saakin pero hindi ko alam kung bakit ako nagagalit kapag nakikita ko sya.
She tried to be my friend pero tinatarayan ko lang sya. Nang malaman ko na nililigawan sya noon ng crush kong si Cedric ay mas lalong tumindi ang galit ko sa kanya.
Nagpanggap ako bilang matalik nyang kaibigan, tuwang tuwa sya kasi naging magkaibigan kami pero mas natutuwa ako kasi kumagat sya sa plano ko.
Siniraan ko si Cedric sa kanya at naniniwala naman sya, hanggang sa dumating ang araw na nalaman nya ang totoo, nalaman nya ang plano ko...
Sinampal nya ako sa harap ng maraming tao, napahiya pa lalo ako noon kaya sinabi ko sa sarili ko na maghihigati pa akong muli sa kanya.
Masasabi kong nagtagumpay ako ngayon dahil nakuha ko ang lalaking pinakamamahal nya, mas malaking sampal sa mukha nya ang malaman na kaming dalawa ni Cedric ang para sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
My Ex is now a Pop Star
FanfictionA short story of how a man's decision can change his entire life.