Chapter 16: Luck
Ron's POV
Isang araw matapos akong paalisin ni Janelle sa dorm nila ay binalikan kami ni papa, sinabi nya na kung maaari ay magsama sama muli kaming lahat.
Hindi na ako nagmatigas, hindi ko na rin tinaas ang pride ko dahil alam ko na yun din ang gusto ng mama ko at gusto kong maging maligaya sya.
Sumama kami kay papa sa bago nyang bahay, masasabi ko na kahit pala iniwan nya kami noon ay hindi parin nya kami kinakalimutan.
"Pasensya na kayo at ngayon ko lang kayo binalikan!" Sambit ni papa.
Hindi kami umimik ni mama dahil siguro ay nahihiya pa kami, nakita ko rin sa loob ng bahay ang mga pictures namin noon.
Gumaan ang aking loob nang makita ang mga kapatid ko, kahit matagal na kaming hindi nagsasama sama ay ganun parin ang pakikitungo nila saakin at lalo na kay mama.
Nang tumagal tagal ay kinausap ako ni papa at binigyan ako ng puhunan para sa business na gusto ko, pinili ko ang pagpapatayo ng restaurant kasi passion ko ang pagkain.
Dahil sa mga natatamasa ko ngayon ay pinilit kong kalimutan ang mga nangyari noon, gusto kong maging bagong ako!.
---
Shaina's POV
Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinabi ni Zoelynna, dahil lang dun ay sisirain nya ang mga bagay sa paligid nya!
Pero hanga ako ngayon sa tapang nya na magbago. Alam kong tunay syang nagsisisi sa mga nagawa nya kaya kahit hindi ko sabihin ay napatawad ko na sya.
Maya maya pa ay narinig kong may kumakatok sa pinto, nang buksan ko ito ay tumambad saakin si Cedric.
"I'm sorry!!" Katagang sinambit nya saakin.
Ngumiti na lamang ako at niyakap sya. Gusto pa sana nyang magpaliwanag pero pinigil ko ang bibig nyang magsalita sa pamamagitan ng halik.
Yumakap rin sya saakin ng mahigpit at ikinatuwa ko ang bagay na yun.
Nang hindi na ako makahinga dahil sa tagal ng pagkakahalik ko sakanya ay agad akong kumawala.
"Cedric I'm Sorry!...I'm sorry kung nasampal kita noon at sorry kasi nagalit ako sayo!" Hingal kong sambit sakanya.
"Ok na ang lahat....tayo na lang ang hindi..." mahinahong sambit nya.
Natigilan at kinabahan ako nang lumuhod si Cedric sa harap ko.
"Shaina will you marry me!"
Ahhhhhhhhhh.... Oh M G.... kailangan ko ng oxygen....oxygen please!!!
Ipinakita nya saakin ang isang singsing na mas lalong nagpakilig saakin. Yung crush ko lang dati... yung binalewala ko dati... yung bumalik para mahalin kong muli ay nasa harap ko ngayon at hinihingi ang matamis kong 'oo' para maging kabiyak nya! Oh M G...
Nararamdaman kong parang nagfreeze ang oras, gusto ko na ganun na lang ang maramdaman ko habang buhay at maaaring mangyari yun sa oras na magsalita ako ng....
"Yes!"
----
Kayezy's POV
Naghahampasan na kaming tatlo ng unan ngayon dahil sa kilig,, hindi nila alam na nakasilip kami sa bintana at sinusubaybayan sila.
Wow, they're engaged!! I'm so happy kina Shaina at Cedric.
Napaisip ako bigla kung kailan ko din mararanasan ang ganyan! Parang gusto ko naring may mag propose saakin...
Bumalik ako sa reality nang maramdaman ko ang isang malakas na hampas ng unan mula kay Cristy.
"Ahhhh!!! Humanda ka saakin hindi kita titigilan...Janelle tulungan mo ako!!" Pasigaw kong sambit
Magkakampi kami ni Janelle sa paghampas kay Cristy ng unan, hindi ko talaga sya titigilan hanggang hindi pa ako nasasatisfy sa paghihiganti ko. Hahahaha
----
Ron's POV
Hindi naman mahirap magmanage ng isang business dapat lang ay dedicated ka at gusto mo ang ginagawa mo.
Abala ako sa pagsupervise ng mga empleyado ko nang mapansin ko ang isang babae na nakapwesto sa dulong bahagi ng restaurant, kanina pa sya doon at mukha rin na may hinihintay sya.
Lumapit ako sa babaeng yun at tinanong ko kung may problema ba at kung anong maitutulong ko.
"Wala naman! May hinihintay lang ako dito!" Malungkot nyang sagot.
"Kung may kailangan ka tawagin mo lang ako o yung mga waitress namin dito!"
"Thank you! Ah would you mind if I ask for your your name?" Mahinahon nyang sambit.
"I'm Ron Park" ngumiti na lang ako nang sabihin ko ang pangalan ko dahil nahiya ako sa kanya.
"Nice Name, I'm Apple Shin by the way!" Nakipag shakehands sya saakin at pagkatapos ay ngumiti.
"Friends na tayo ah!!" Pahabol nyang sambit.
Tumango na lang ako at umalis nang dumating na ang hinihintay nya.
"Bakit ngayon ka lang?" Tanong ni Apple sa kasama nya.
"Traffic!!" Sagot nito
"Brams lagi mo nalang ba akong paghihintayin sa tuwing may lakad tayo?"
Hanggang doon na lamang ang nahagip ng tenga ko dahil masyado na akong malayo sa kanila. Narinig ko lang po yun nang hindi sinasadya kaya hindi po ako tsismoso ah!! Hahaha.
Si Apple Shin at yung lalaking tinawag nyang Brams ay napansin kong napaka sweet sa isa't isa. Napansin ko rin ang pareho nilang suot na singsing nang tulungan kong magserve ang isang waitres. Simbolo na kasal na ang dalawa. Masaya sila kahit na medyo may di pagkakaunawaan, ganyan talaga siguro ang love, for better or for worst.
Ang saya sa tuwing nakakakita ako ng mga happy couple na kumakain sa restaurant, kahit nalang siguro sa kanila ay madama ko na may tunay na pag ibig, kahit na malabo na maging malapit ulit kami ni Janelle.
Kinaumagahan ay bumalik si Carlo sa restaurant, niyayaya nya ako na lumabas at may ipapakilala daw sya saakin.
Tinanggihan ko ang alok nya kasi busy ako at kilala ko si Carlo kapag sinabi nya na may ipapakilala sya... ibig sabihin nun ay wala naman talaga, sa bar lang kami pupunta at magsusunog ng baga. Nagbago na ako at ayoko nang magbulakbol.
Naglungkot lungkutan sya kaya agad kong kinatok ang bunbunan nya na tulad ng dati kong ginagawa.
"Hindi na bagay sayo ang maglungkot lungkutan Carlo!!" Pabiro kong sambit
"Ang daya mo kasi, niyayaya ka na nga ng gwapo mong kaibigan tumatanggi ka pa!" Lungkot lungkutan parin nyang tugon.
"Busy ako kaya di talaga pwede!"
"Mamayang gabi pa naman eh!!"
"Kahit na, ayoko talaga A.Y.O.K.O!"
Natigilan sya at may kinuha sa kanyang bulsa, iniabot nya saakin ang isang invitation.
"Siguro naman sa birthday ko hindi ka mawawala?" Seryoso nyang tanong.
"Ahh, sige ba! Pangako yan! Darating ako!"
"Wag mong kalimutan na magsama ng date,,, Love Birds ang theme ng birthday ko!" Pabiro nyang sambit.
"Hahaha, love birds??? Seryoso ka?"
"Eh sa hindi ako ang nagoorganize ng party kaya wala akong magagawa!" Mangiyak ngiyak nitong wika.
Tinatawanan ko parin ang mga sinabi ng best friend kong si Carlo.. love birds talaga??? Hahahaha
Binuksan at binasa ko ang invitation, hindi talaga sya nagbibiro sa sinabi nyang love birds!! At kailangan na may kadate ako pagpunta doon...
Sino naman kaya ang idi-date ko???
BINABASA MO ANG
My Ex is now a Pop Star
FanfictionA short story of how a man's decision can change his entire life.