Chapter 17: Bes
Ron's POV
Bukas na ang birthday ng kaibigan kong si Carlo pero wala pa akong nahahanap na pwede kong i-date.
Nagcheck ako ng social media account para tingnan kung meron ba akong kakilala na pwede kong yayain sa birthday ni Carlo pero wala.
"Ahhh, pwede bang walang ka-date!! Sino ba kasi ang nag-organize ng party nya!!? Nakakaasar!!"
Bulong ko sa aking sarili.
Siguradong magtatampo si Carlo kapag hindi ako pumunta sa birthday party nya at ayoko naman na mangyari yun kasi ngayon lang ulit kami nagkita at nagkausap sa loob ng mahabang panahon.
"Oh My Gosh!!!!,,, Ron ikaw ba yan?"
Napatingin ako sa babaeng nagsalita pero nagtaka ako kasi hindi ko sya kilala. Ngayon ko lang sya nakita pero bakit kilala nya ako? Anong meron sa babaeng ito!?
"S-sino ka!" Pagtatakang tanong ko.
"May Amnesia ka ba? I'm Briyana..remember?"
"Bri-ya-na??" Nagtataka paring tanong ko.
"Oo, ako yung muntik nang makabangga sayo noong naglalakad ka sa kalye!"
Naalala ko na sya! Tama ang sinabi nya na sya yung babaeng kaskasera na muntik nang makabangga saakin noong araw na pinaalis ako ni Janelle sa dorm nila.
"Ayun!! Naaalala na kita!! Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kanya.
"Magpapaayos sana ako ng sasakyan ko dito, kaso naalala ko na restaurant pala to!" Pabirong sambit nya.
"Hahaha, comedian ka pala! Sige ako na ang kukuha ng order mo!"
Natatawa kong sambit kay Briyana.
Matapos kong kunin ang order nya ay pinaupo ko sya sa pwesto na magugustuhan nya,, sa tapat ng aircon!.
Madali lang lutuin ang order nya kaya agad ko itong ipinaserve. Nilapitan ko sya nang maisip ko na baka sya ang solusyon sa problema ko.
"Briyana!!"
"Pwede Yana na lang para sweet!" Nakangiti nyang sambit.
Ano naman kaya ang sweet dun?
"Ah, Yana may gagawin ka ba bukas ng gabi?" Mahinahon kong tanong.
"Huh? Ang bastos mo ah!! Sapakin kita d'yan eh!!" Pagalit nyang sagot.
"Hahaha, mali ang iniisip mo! Gusto sana kitang yayain sa birthday party ng kaibigan ko!" Natatawa kong sambit.
"Birthday party? Booooriiiing!! Ayoko!"
"Please, kailangan kasi may date kapag pupunta doon eh, ayoko naman na magtampo saakin yung kaibigan ko!" Pagpapaliwanag ko.
"No, no, no!! Ayoko!!" Pagtanggi nya.
"Ahmmm,, I'll pay you!!"
"Magkano!?" Seryoso nyang tanong
Grabe 'tong si Briyana, business minded huh!!.
"500!" Alok ko.
"1500!" Hirit nya.
"600!"
"1300!"
"700!"
"1200!"
"Bakit ang mahal? 800!"
"No, ang cheap huh! 1100!"
"900, last offer take it or leave it!"
"Eww, ang cheap talaga, bahala ka maghanap ka ng ibang babaeng idi-date mo."
"Ok sige na!! Payag na ako!" Napilitan kong sambit.
"Talaga? Sinabi mo yan huh! 1500 final na yun!"
"What?? Bakit naging ...."
"Shhhhhh, quiet! That's final take it or find another!" Seryosong sambit ni Briyana.
Napakamot nalang ako ng ulo ko dahil naisahan ako ng babaeng ito! Gagastos tuloy ako ng 1500 para lang makapunta sa party ni Carlo. Kainis!!!
"And wait Ron!! Bukas sa party dapat may take out din ako huh!"
Hindi ko alam kung matatawa o maiinis ako sa babaeng ito pero grabe sya, outspoken at walang arte. Ibang klase ka Briyana.
---
Janelle's POV
"What? Posponed ang concert!!?" Gulat na tanong ko kay manager.
"Oo, posponed lang naman at hindi cancelled kaya wag kayong mag-alala!" Pagpapaliwanag nya.
"Hmmm, ok manager maiintindihan namin!" Malungkot na sambit ni Shaina.
"Anong reason manager?" Tanong ni Kayezy.
"Kailangan pa daw na i-polish ang mga details para gawing mas maganda ang magiging concert nyo! May mga sudden changes din kaya ganun!" Pagpapaliwanag muli ni manager
"Kailan po ang bagong date ng concert?" Tanong ni Cristy.
"Sa ngayon wala pang sinasabi pero kapag may exact date na ipapaalam ko agad sainyo!" Wika ni manager.
Ok lang yun, magkakaroon din kami ng mahabang panahon para magpractice at mapaganda pa lalo ang mga performance namin sa concert.
"Hey! Change topic, alam kong si Cedric ang date ni Shaina bukas sa party ni producer Carlo pero sinu-sino naman ang sainyo?" Sambit ni manager.
"Hala si manager nang-iintriga,!" Pakawala ni Shaina.
Nagsitawanan kaming lahat pero bumalik din sa pagseseryoso dahil bukas na nga ang birthday party ni Carlo.
"Niyaya ako ni Carlo bilang date nya bukas sa party!" Sambit ko sa kanila.
"So kayo nalang pala Kayezy at Cristy ang walang date?" Wika ni manager.
"Ehem, si Kayezy at ate Cristy nalang ang walang date? Ibig sabihin may date ka na manager?" Pag-iintriga ni Shaina.
"Uyyy" pag-iintriga din namin kay manager.
"Girls Stop! Ano ba kayo, hindi kasi ako pupunta sa party. Kaya kayong apat huh... behave!" Natatawang sambit ni manager.
"Tatawagan ko si kuya para sya ang date mo bukas Kayezy!" Alok ko sa kanya.
"Hindi na kailangan Janelle, kasi pumayag na sya, kinausap ko na sya kanina!" Pagpapaliwanag ni Kayezy.
"Uyyy" muli naming pag-iintriga pero ngayon ay kay Kayezy na.
"Cristy its your turn! Alam namin na galawang hokage ka rin kaya aminin mo na kung sino ang date mo!" Sambit ni Kayezy.
Ngumiti si Cristy at parang kinikilig, hudyat yun na meron na talaga syang date para bukas.
"Hindi ko pa nga alam kung si Tyson o AO, girls help me choose!" Sambit nya.
Dahil sa sinabi nya ay pinagtulungan namin syang kilitiin, grabe si Cristy ang haba ng hair.
Si Tyson at AO ay mga solo performer na prinoduce din ni Carlo, matagal nang nanliligaw ang dalawa kay Cristy pero wala pa syang sinasagot.
"I think all is set! Kaya you may take your beauty rest girls!" Sambit ni manager.
Sa tuwing kaarawan ni Carlo ay excitement ang nararamdaman ko pero bakit ngayon ay kaba ang namamayani sa dibdib ko?.. Bakit kaya?
BINABASA MO ANG
My Ex is now a Pop Star
FanfictionA short story of how a man's decision can change his entire life.