Chapter 9: New Girl
Janelle's POV
Kung hindi lang kami busy sa pag eensayo ay malamang araw araw kong pahihirapan si Ron.
Pasalamat sya at nakakaligtas pa sya sa mga pagpapahirap ko... para syang mantsa sa damit na mahirap tanggalin.
Maya maya pa ay lumapit si manager saamin at ipinakita ang article sa kanyang ipad.
"Manager sino po sya?" Paunang tanong ni Kayezy
"Sya si Zoelynna, ang bagong talent ng kalaban natin, solo performer lang sya pero malakas agad ang hatak nya sa mga tao!" Pangambang sambit si manager.
"Manager don't worry!! She's just nothing compared to us!" Pataray na tugon ni Cristy
"Pero tingnan nyo ang fan page nya... kahapon lang sya inireveal pero 2M+ na agad ang likes nito."
"Wow,, totoo nga na malakas sya sa mga fans! Ang cute naman!!" Sambit ni Shaina na walang bakas ng pangamba.
Tama si manager, kalaban ang Zoelynna na yan! Ibig sabihin lang nito ay dapat mas lalo pa naming pagbutihin.. I love challenges!
----
Zoelynna's POV
Good news ang bumungad sa araw na to.. I can't believe na mabilis ang pagsikat ko!
I want to be on top! Gusto kong malamangan ang Pink Pop na yan!! Gusto kong ipamukha sa kanila... lalong lalo na sa Shaina na yon na ako ang dapat na nasa taas!!
Only me!! And nobody else!!
My manager came near me, at sinabi nya na may chance para makaharap ang Pink Pop...
Ikinatuwa ko ang sinabi nya, sino ba naman ang ayaw makaharap ang Pink Pop?? I'm looking forward for a great showdown....
"I will Show them their way Down!!ShowDown. Hahahaha"
Tiningnan ako ng manager ko na para bang iniisip na nababaliw na ako! Well di naman masama ang masabik... I'm excited.. Too excited!.
----
Shaina's POV
Tinitingnan kong mabuti ang picture ni Zoelynna, parang nakita ko na sya somewhere, hindi ko lang maalala kung saan!.
"Sya yan diba?" Sambit nang ate Cristy ko.
"Huh? Ate anong ibig sabihin mo? Kilala mo sya?" Gulat na tanong ko.
"Ikaw ang dapat tanungin ko nyan, diba kilala mo sya?" Nakangiting tanong nya.
Iba na to! Pati si ate Cristy alam na kilala ko sya! Pero ako....hindi ko maalala!
"Ate......May Amnesia ako!!!"
Hinawakan ni ate Cristy ang mga pisngi ko at pinisil yon nang napakadiin..
"Aray ko naman ate! Ano ka ba?"
"Sorry napalakas yata! Ang pula na ng pisngi mo... parang....sinampal!!!"
Natigilan ako at napatingin sa kanya.. Alam ko na!! Naaalala ko na kung saan ko nakita si Zoelynna!.
----
Ron's POV
Hindi ako makatulog at nababalisa, kaya lumabas ako sa kwarto at nagtungo sa garden para magpahangin...
Ang sarap ng simoy ng hangin, nakakatuwa rin na tingnan ang mga bituin sa kalangitan, nakakarelax naman dito.
Napapikit ako at nagmunimuni, iniisip ko rin na kailangan ko nang sabihin kay Janelle kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit ko sya iniwan noon.
Bigla ko nalang iminulat ang mga mata ko nang makarinig ako ng ingay na nagmumula sa gilid ko.
"Wahhhh!!! Multo!!!"
Gulat at takot ang naramdaman ko kaya tumakbo agad ako pabalik sa kwarto... Grabe... Nakakatakot!!!
----
Janelle's POV
Kakatapos ko lang maglagay ng facial mask nang maalala ko na kailangan ko pala ng aloe vera para sa dry skin ko, yun ang ginagamit namin tuwing may dry skin kami.
Nang nagtungo ako sa garden nakita ko si Ron na nakaupo at nakapikit, mukhang gusto nya ditong matulog!
Hindi ko nalang sya pinansin at lumapit ako sa tanim namin na aloe vera, kinuha ko ang maliit na garden scissor para gupitin ang kukunin kong aloe vera.
Ang dali lang talaga na kumuha ng tanin na to, easy as one two three!!!
Pagkatapos noon ay ibinalik ko ang tingin ko kay Ron na ngayon ay nanlalaki ang mata at tila gulat na gulat!! What's wrong with me? Bakit ganun sya makatingin?
Nakadama ako ng nerbyos nang marinig kong sumigaw sya at nagtatatakbo, bakit ba takot na takot sya? Inikot ko naman ang aking paningin sa paligid at wala naman akong napansin!
Ang weird ni Ron, natatakot ng walang dahilan!
Kinabukasan habang nag aalmusal kami ay naikwento ni Ron ang nangyari kagabi...
"Ano may multo sa garden?" Takot na tanong ni Shaina.
"Oo, nakita ko sya kagabi at sobrang nakakatakot ang itsura nya!" Sagot ni Ron.
Naalala ko na naka facial mask pala ako kagabi, at siguro ako ang napagkamalan nyang multo!! Hmmmm!!! Nakaisip ako ng isang bright idea!..
----
Ron's POV
Isang araw na puno ng challenges na naman ang natapos, nakakapagod ang mga pinagawa saakin ni Janelle kaya agad akong nagtungo sa kwarto para magpahinga.
Agad din akong nagpalit ng damit at naglatag ng hihigaan kasabay din noon ang pagpatay ko sa switch ng ilaw para makatulog na rin ako.
Hindi pa ako nahihimbing nang makarinig ako ng kaluskos... ayan na naman ang mga ingay na ganyan.... sa mga horror movies na napanuod ko ganyan na ganyan ang simula.. sa mga kaluskos.
"Hooooooy!"
Minulat ko ang aking mga mata nang marinig ang bulong na yon, baka napapraning lang ako.
Muli akong pumikit at hindi pa nagtatagal ay narinig kong muli ang bulong na ngayon ay mas malakas.
"Hooooooy!!"
Umupo ako at kinuha ang cellphone ko, pinindot ang open button para umilaw ito.
Saktong pag ilaw ay nakita ko ang maputing mukha na nakatitig saakin..
"Wahhhh!!!"
Wala akong magawa kundi ang sumigaw.. Ang multo na yon, nagpakita nanaman!!
---
Janelle's POV
Nag eenjoy akong makita syang natatakot, buti na lamang at wala syang sakit sa puso kundi nagka heart attack na sya sa sobrang takot.
Binuksan ko ang ilaw para matigilan na sya, kahit na nag eenjoy pa akong takutin sya ay kailangan ko nang tumigil at baka maistorbo ang mga kagroupmates ko at si manager.
"Hoy ako lang to!!"
Tumingin sya saakin at napatawa nalang...
"Hahaha!! Akala ko totoong multo! Ang galing mong manakot miss Janelle!" Nakangiti nyang sambit
"Oo naman, halata nga na sobrang natakot ka! Sa susunod kas....."
Natigilan ako sa pagsasalita nang tumayo sya at hinalikan ako sa labi... isang halik na nagpakabog ng dibdib ko, isang halik na nagpapagulo sa isip ko ngayon, isang halik na hindi dapat pero ano tong nararamdaman ko?....
BINABASA MO ANG
My Ex is now a Pop Star
FanfictionA short story of how a man's decision can change his entire life.